"Hmm" ungol ni Xin ng makagising siya mula sa pagkakatulog sa malambot niyang kama.
Ilang araw na rin siyang 'di nakakabalik sa taong pinaggalingan ni Nicolas.
Nag-aalala siya sa lagay ni Nicolas lalo na't sinabihan pa na man siya nitong magkita sila sa may tulay.
Kagaya ng iba pang mga ordinaryong araw sa panahon niya, naghanda siya para papunta sa eskwelahan nila lalo na at exam pa naman nila ngayong araw na ito.
Napagod siya kaka aral buong gabi pero wala siyang ibang magawa kundi ang maghanda na lang para sa exam nila.
MAHIRAP pero kinaya niya ang araw na iyon.
Mahirap dahil sa dami ng mga naghuhusgang mga mata sa paligid niya at ang pangungulila niya sa lalakeng nagnakaw sa puso niya, 'di naman siya nahirapan sa exam nila, madali lamang ito para sa kaniya.
Hindi pa gabi ng akarating siya sa bahay nila, tutal huling araw naman na ngayon ng exam nila kaya ang ginawa niya ay buksan ang kaniyang laptop.
"Wait, that time was 1997 and ngayon is 2016 so it means, 36 years old palang siya ngayon, may possibilities na buhay pa siya hanggang ngayon," nakakunot na noo na sabi ni Xin sa sarili.
"Masearch ko nga sa fb" sabi niya sa sarili.
Nang na type niya na ang pangalang Nicolas sa fb search ay naalala niyang 'di niya pala natanong ang apelyido ni Nicolas.
"Kainis naman na oh," inis sa sariling sabi niya sa sarili."Birthday na ni Nicolas ngayon, sana magising ako mula sa pagkakatulog na andun na sa tulay, miss ko na siya," malungkot na sabi niya sa sarili na humihingi ng milagrong muli siyang makabalik doon dahil sa pananabik niya sa lalake habang hinihimas himas ang pendant ng kuwintas.
***
"Aah" ungol niya ng maramdaman nya ang sakit ng katawan pagkagising.
Napakasaya niya at bigla nagliwanang ang mga mata niya ng mapagtantong nasa tulay nanaman siya at nasa harap niya ngayon ang lalakeng naisipang magpakamaty noong huli sa tulay na iyon.
Naalala ko pa tuoy nung mga araw na naisipan mong magpakamatay diyan.
"Nicolas" tawag ni Xin dito habang masayang kumakaway sa binata.
Nalulungkot ang mga mata pero nakangiting kumaripas ng takbo si Nicolas palapit kay Xin.
""Di ka sumipot sa usapan," nagtatampo niyang banggit kay Xin."Pero salamat kase andito ka na ulit," sabi niya sabay hinagkan ang dalaga ng sobrang higpit.
Napangiti ang dalaga dahil sa inasal ng binata.
"Happy Birthday Nicolas," bati ng dalaga habang magkayakap parin.
"Akala ko nakalimutan mo na ang kaarawan ko," bumubungisngis na sambit ng binata sa dalaga.
Nang kumawala na sa pagkakayakap ang binata ay muli niyang pinasalamatan ang dalaga dahil bumalik ito sa tulay.
"Ahm, wala akong regalo sa'yo sorry," nakadungong pagpapaumanhin ng dalaga sa binata habang kinakamot kamot ang ulo.
"Ayos lang, presensya mo, sapat na," ngiting sambit ng binata na nakatitig sa napakagandang mukha ng dalaga.
Nang tingnan rin ng dalaga ng mga mata ng binata ay nakaramdam siya ng lungkot at saya.
Naluha siya ng 'di niya namamalayan.
Niyakap ni Xin si Nicolas at 'di napigilang napaluha.
Nang kumalas siya mula sa pagkakayakap sa binata ay agad nagtaka ang binata kung bakit may luhang tumutulo mula sa mga mata ng dalaga.
YOU ARE READING
Born in a New Generation
Narrativa generaleShe is an introvert She is being bullied But she is not the same when she's with him. She is Xin, a girl who fell for someone she can't have. Date Finished: March 27, 2020