PROLOGUE

48 1 0
                                    

"Dr. Samantha L. Avilla"

My brother smiled after he said my name, I rolled my eyes. Alam nya kung gaano ako maasar sa pagbanggit lang ng pangalan ko.

'Stop calling me that. It's Dr. Ledasma not Avilla'

Lahat ng nandito sa hospital alam kung gaano ako ka-strikto sa pagtawag sa pangalan ko.

'You're married to a Avilla, bakit naman itatawag ko pa sayo ang apelyido mo nung dalaga ka?'

Napailing na lamang ako dahil alam ko namang alam nya ang dahilan. Ayoko sa apelyido na yon dahil ayoko sa taong may ari non. I hate him.

'Umalis ka na, kailangan ka pa sa kabila'

My family runs a funeral home business, while my husband family owns this hospital. Magkatabi lamang ito, kaya naman hindi pa ako ipanapanganak magkasundo na ang aming pamilya. The reason why we're married was because of the business. As usual, see funeral and a hospital? Magkasalungat pero magkakampi sa dulo.

'Hindi naman ako kailangan don, si Papa pa rin naman ang namamahala don'

'Kaya nga tumulong ka diba? I'm busy. Umalis kana'

Tinulak ko ito palabas, sinara ko na ang pintuan pero di ako makaalis non nung may narinig akong mga paparating.

'Dito ang office ng head ng Neurosurgery'

Sinilip ko ang bintana kung sino ang nasa labas. Marco, the chief resident kasama ang dalawang babae, base sa coat na suot ng dalawa. ito ay mga intern.

'Dr. Avilla po ba? Di ba asawa po sya ng may ari nito?' I rolled my eyes ng marinig ko un sa isa. Binasa nya ang pangalan ko mula sa notepad nya.

'Hay nako, don't call her that. She hates it, baka maalis pa kayo sa hospital. Iba yon magalit' Di ko na napigilan at binuksan ko na ang pinto. Bakas naman ang gulat sa mga mukha nila.

'Tapos na ba kayong magchismisan diyan?'

'Ah doc. tinotour ko lang yung mga intern'

Palusot nito, tinaasan ko sya ng kilay at tingnan ang mga estudyanteng nakabuntot sakanya.

'Samantha' napatingin ako sa tumawag sakin, ayoko na sanang lingunin pero nakita kong nakatingin sakin yung tatlo kaya nilingon ko yung 'asawa ko'

'What?' Masungit kong tanong sakanya. Nakita kong ngumiti ito kay marco at sa mga kasama nito bago ibalik ang tingin sakin.

'Kumain kana ba?' Nagluto ako ng paborito mo' tinaas nya yung hawak nyang lunch bag.

'Tapos na ako, ikaw nalang' pagsisinungaling ko at bumalik na sa office at pabagsak na sinara ang pinto.

'Doc Avilla. Okay ka lang?' Tanong ni marco na dinig ko pa dahil hindi pa ako lumalayo sa pintuan.

'Oo naman, kumain na ba kayo ha? Kayo nalang kumain neto' rinig kong sagot ni Nicholas. Lumayo na ako sa pintuan at umupo. My husband Nicholas Avilla is a General surgeon. Hinilot ko ang sintido ko, habang iniisip kung pano kame nagtagal ng isang taon sa pagtrato ko sakanya.

Her MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon