Chapter 7. A new beginning

10 0 0
                                    

After my emotional breakdown, tumayo na si nic, tapos na ang break nya. Pinipigilan ko syang umalis he stayed for a bit, pero iilang minuto lang ay dumating na ang isang nurse dahil kailangan sya.

Tumingin ako sa kalendaryo, it's april 6. A month before Nicholas died. Tulala pa rin ako, naguguluhan sa mga pangyayari. What if panaginip lang ang lahat ng iyon? Tumango ako. Pilit na kinukumbinsi ang sarili. Mababaliw na ata ako. Tiningnan ko ang schedule ko for today, i'm free for the rest of the day. If this is a normal day kahit free ako hahanap ako ng bagay na gagawin.

I looked at my fingers and notice that my ring is gone. Tumayo ako at hinanap yon sa table ko pero wala, kahit na against ako sa pagpapakasal ko kay Nic noon, pinapangalagahan ko pa rin ang singsing na yon kasi pag-aari yun ng kanyang ina. Nagpapanic na ako dahil hindi ko mahanap ang singsing. Lumabas ako ng opisina ko at hinanap si Nic para itanong sakanya.

'Hi Doktora!' I smiled at her which is not a normal thing for me.

'Nakita mo ba si Dr. Avilla?' Tanong ko rito.

'Ang alam ko po nasa OR sya Doc' tumango ako rito, matagal pa bago matapos yon kaya sumuko nalang muna ako sa paghahanap ng singsing ko.

I want to go home. Tumingin ako sa paligid ko, everything is normal. Lumakad ako palabas ng hospital at huminga ng malalim. Kahit saan ako tumingin naalala ko ang nangyari ng gabing iyon. May napansin akong matanda na papunta sa hospital, agad naman akong pumunta dito para tulungan ito.

'Salamat hija' sambit nito ng alalayan ko syang isakay sa wheelchair dahil hirap itong lumakad.

'Sino po ba ang sadya nyo rito lola?' Lumuhod ako sa harap nya para matanong sya ng maayos, she smiled at me.

'Nagustuhan mo ba ang regalo ko?' Kunot noo ko syang tiningnan.

'Ano po?' Umiling ito at ngumiti, matagal akong naghintay ng sagot pero parang wala ng sasabihin ito kaya tumayo ako at tuluyan ng tinulak ang wheelchair papasok ng hospital.

'Wait lang po' sabi ko rito. Naghanap ako ng tao para maihatid ang matanda dahil sumasakit na ang ulo ko.

'Dr. Reyes!' Tawag ko rito ng makita sya na kakalabas lang sa ER.

'Y-yes doc?'

'Hatid mo si lola sa-' hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagkalingon ko wala na ang matanda sa wheelchair.

'Ano po yon doc?' Takhang tanong ni Marco.

'Y-yung matanda dito' litong lito kong sabi.

'Doc, mukhang may sakit po kayo' may bahid ng pag-aalala sa mukha nito.

'I'm fine. Masakit lang ang ulo, you can go now. Thanks' tiningnan ako muli nito bago umalis.

What the hell is happenning? I want to cry again. Gulong gulo na ako sa nangyayari. Nakita ko ang funeral home at napagpasyahan na pumunta sa aking magulang.

'Mama' I hugged her. Umiyak ako habang yakap yakap sya.

'Ano ang nangyari anak?' Pag-aalalang tanong nito. Kumalas ito sa pagkakayap at inupo ako sa upuan.

'Kukuha ako ng tubig anak, ano ba ang nangyari sayo?' Pumunta ito sa lamesa at nagsalin ng tubig.

'Nasaan si papa?' Tanong ko ng iabot nya sakin ang tubig.

'Nandiyan, may inaasikaso na customer. Anong nangyari anak?' Nakatingin ito sakanya at puno ng pagaalala ang mukha.

'Wala po. Uuwi na lang po ako' sabi ko rito.

#

Umuwi ako ng bahay at humiga sa kama ni Nic, ganon pa rin ang ayos non.

'Wife?' Nagising ako ng marinig ko si Nic.

'Hey, sabi ni mama you're not feeling well' puno ng pagaalala ang boses nito. Tumango ako sakanya.

'Can I sleep here with you?' I asked him tumango ito.

'Sorry, hindi agad ako nakauwi' tumango lamang ako sakanya, tinitigan sya. Nakascrubs pa rin sya, pagod ang mata nito.

'Wait lang, I'll shower first. Okay?' Malambing niyang sabi. Umupo ako sa kama. Wala na ang sakit ng ulo ko.
Hinintay ko syang matapos.

Lumabas sya ng banyo, nakatapis lamang ito ng tuwalya kaya agad akong umiwas ng tingin. He chuckled.
Napansin kong nakaformal na damit pa din ako.

'Nic, pahiram ng shirt' dahil tinatamad na akong tumayo at magpalit sa kwarto ko. He handed me a shirt.

'You can use my bathroom' he smiled at me. Umiling ako at hinubad ko na yung dress na suot ko, nakitang nabigla ito. I laughed at him. Agad kong sinuot yung shirt na bigay nya.

'Are you really my wife?' Gulong gulo na sabi nito. I rolled my eyes. Umusog ako para bigyan sya ng space.

'Can I hug you?' He asked me ng makahiga kami pareho. Tumango ako.  I snuggled with him.

'Let's make this marriage work' he stiffened after I told him that, lumipas ang ilang segundo naramdaman ko na humigpit ang yakap nito.

'Thank you' bulong nito sabay halik sa aking noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon