Chapter 2. Beginning of all things

6 1 0
                                    

Nakasimangot ako ng makita ang kapatid kong si timothy na nasa office ko nanaman.

'Why are you here? Ginawa mo ng tambayan ang office ko ha'

'Hinihintay ko si kuya nic. May ituturo sya sakin'

'At bakit dito ka naghihintay? Bakit di sa office nya ha?'

Hinilot ko ang sentido ko kakatapos ko lang magopera. Nothing major but i'm exhausted na.

'Ang daming tao kasi don sa department nila e. Ikaw magisa ka lang dito. Wala ka kasing friends' sabay dila nito.

'What are you? Five?' Nagpahiwalay talaga ako ng office. Isa yon sa request ko ng magpapakasal kami. Patapos palang ako non sa residency ng pinaguusapan na ang kasal namin. unlike other med student i didn't take the traditional path, puro accelerated program, sa sobrang busy ko non wala akong time makipag friends. That's why until now i struggle with my social skills kaya minsan nahihirapan ako makipagcommunicate sa pasyente ko.

'Ate kelan ba kayo magkakababy ni kuya nic? Gusto ko na magkapamangkin' nasamid ako sa iniinom kong tubig ng marinig ko yung tanong nya.

'Wala akong balak magka-anak. Madami naman tayong pinsan magpagawa ka sakanila' sya naman ang nagulat sa sagot ko.

'What do you mean? Alam mo bang pangarap ni kuya nic na magka-baby' kunot noo ko syang tiningnan.

'Pakelam ko edi gumawa sya magisa nya' walang pakealam kong sagot habang nagbabasa ng mga cases.

'Napaka-heartless mo talaga ate. Sayang naman ang lahi nyo. For sure maganda magiging anak nyo pag pinagsama genes nyo'

napailing ako ng marinig ko yon. Masyado akong busy sa career ko simula palang bata ako gusto ko na ang ginagawa ko to the point na ginugol ko ang buong buhay ko sa pag aaral para lang makamit to. Nagrereview ako para makapunta na ako sa US at dun na magpractice ng medicine.  Yun ang next target ko. So having a baby will only stop me from achieving that.

'Kuya nic!' Maingay na bati ng kapatid ko sa kakadating kong asawa. Di ko sila tinapunan ng tingin. Bahala sila.

Napa-angat lang ako ng tingin ng may ilagay si Nicholas sa table ko.

'pinagluto kita baby' sinimangutan ko sya. Ayan nanaman sya sa pakulo nya.

'Thanks' walang gana kong sabi. Nagulat ako sinarado nya ng todo ung butones ng blouse ko.

'What are you doing?'

'You're showing too much skin love e' he pouted pa. Kala mo cute. I rolled my eyes and try to not to smile.

'Umalis kana nga jan. Sama mo na yang si timothy' agad ko namang tiningnan ung nakangising kapatid ko na todo support sa kalandian ng bayaw nya.

Pag kaalis nila agad kong binuksan ang laptop ko. Checking my patients data. I groaned when i heard a knock.

'Hi dr. Ladesma!' Masayang bati sakin ni Marco.

'What do you want Dr. Reyes?'

'Pinapabigay po ito ni Dr. Avilla hehe' todo ngiting inabot sa akin ang bulaklak.

'Kakagaling nya lang dito, bakit di pa sya nagabot?' Bulong ko pero di nakaligtas sa matalas na pandinig ni marco.

'Ay doc. Gusto mo ba sya ang magbigay sayo? Akina doc hehe' sinamaan ko sya ng tingin na nagpaatras sakanya.

'Aalis na ako d-doc. M-may pasyente pa ako e' utal utal na sabi nito. Sabay alis sa opisina ko.

Napatingin naman ako sa bulaklak. It's a daffodil flower that signify a new beginning. Tinabi ko to sa lugar na di nya makikita pag pumupunta sya sa office ko. Tulad ng mga bulaklak na pinapadala nya noon na inisip nyang tinatapon ko. But they are still here. Tuyo na nga lang.

Tumayo na ako magsisimula ng magcheck ng patient. I wore my white coat tatanggalin ko sana ung pagkabutones ng blouse ko pero hinayaan ko na. Kahit  ang uncomfortable. Whatever

Natapos na ako magcheck ng mga patient ko. Pabalik na sana ako ng office ko ng makita yung dalawa na nakadungaw sa nursery room.

'What are you two doing here?' Tinaasan ko sila ng kilay.

'Ahm ano kasi ate nagaano lang'

'Ano?' Tinitigan ko ng mabuti ang kapatid ko. Na tingin ng tingin kay nicholas na para bang humihingi ng tulong.

'Nakabuntis kaba ng iba?' Pagalit kong tanong sa asawa ko. Nakita ko naman na nanlaki ang mata nito. This manwhore!

'No!' Sigaw nito na nakaagaw ng pansin ng mga tao sa paligid even the nurses.

'Love naman diko naman magagawa yun sayo' pabulong sabi nito. Nilagay naman nya ang kamay nya sa bewang ko. Na agad kong tinapik.

'So?' Lumipat ang tingin ko sa kapatid ko na gusto na atang tumakbo o maihi sa pantalon nya.

'Sumunod ka sa office ko timothy' pabulong pero padiin kong sinabi sakanya. Nakita ko namang kumakaway si nicholas kay tim na parang huling sulyap na nila sa isa't isa. Sinamaan ko sya ng tingin agad naman syang dumiretso.

'Sumunod ka din Nicholas' nanlaki yung mata nya ng marinig yon.

Nang makapunta na ako sa office ko pinasadahan ko sila ng tingin. Pareho silang di makatingin sakin.

'Sino ang nabuntis mo timothy? For pete's sake! You're only 18!' Sigaw ko sakanya.

'Tama na yan samantha' ma-autoridad na sabi ni Nicholas pero agad din syang tumiklop sa masama kong tingin.

'Ate! Sorry na alam naman nila papa and mama e'

'What?! And they didn't tell me?!'

'Ayaw nya lang masaktan ka kasi wala pa kayong anak ni kuya nic. Baka sabihin mo naunahan kapa ayaw mo pa naman na natatalo' tinitigan ko sya kaya pala magpapahiwatig sya na mag-buo na kami ng baby ni nic para masabi nya na sakin na magkaka anak na sya.

'Umalis kayong dalawa dito' nagmadali na silang umalis.

Nilabas ko yung bulaklak kanina. Daffodil?

Its symbolize new beginning, a new life

Her MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon