Nasa ER na kami, lahat ng doctor and nurses nagulat ng makita siya.
'Doktora' tawag sakin ng isang dr. Para paalisin ako sa tabi ng asawa ko.
'NO! I'll treat him' sigaw ko. Nanlalabo na ang paningin ko sa kakaiyak. Pinusan ko ito. I need to be strong
May humila sakin palayo kay nicholas, sinubukan kong kumawala pero di nya ako binibitawan. They are performing chest compression pero wala pa ring response. Oh God no please no, di ko na alam tumalikod ako. Ayokong makita syang ganon. Ayoko
Nanahimik ang lahat. Pagkaharap ko nakatingin sila sa akin. They are waiting for me.
'You should announce it Dr. Jimenez' umiling ako lumapit.
'No!!' Umakyat ako i did chest compression, no love please don't leave.
Pero wala. I pumped his chest for another 3 mins, kanina pa tumutunog ang machine showing a flatline. I continued but he's not responding. Naramdaman kong hinila nanaman ako pababa this time nagpatianod ako.'On May 6, 9.45pm Dr. Nicholas R. Avilla-' umalis na ako don bago kopa marinig.
Agad akong umalis don, umuulan pa din. Ang sakit, hindi ko man lang nasabi sakanya.
'Dr. Ladesma' may tumawag sakin pero di ko pinansin. Avilla dapat e no.
Sumugod ako sa ulan, wala na akong pakealam sa tumatawag sakin. Maya maya I heard my brother mukhang kakadating lang nito. Basang basa din sya sa ulan.
'Ate!' Lumingon ako kay timothy. I run towards him agad ko syang niyakap.
'Si nicholas, tim' niyakap nya ako ng mahigpit.
'Pumasok na tayo sa loob ate, hinihintay ka ng asawa mo. You need to be there' umiling ako. Ayoko. Hindi ko kaya,
'Ayoko. Ayoko' paulit ulit ko na sinabe kay timothy.
Umiyak ako ng umiyak ng gabing iyon. Umuwi ako at pumasok sa kwarto ni Nicholas. Humiga ako sa kama nya, naamoy ko pa din sya. Di na ata ako titigil sa kakaiyak.
'Nicholas, mahal kita. Im sorry, pipiliin kita e, ikaw yung pinili ko'
Days passed, andito pa rin ako sa kwarto nya. May mga pumunta dito trying to talk to me pero di ko sila pinagbuksan. They thought wala ako dito. It's weird that i haven't eaten since that day pero di ako nakakafeel ng gutom. Simula ng mawala sya. I remained laying here in his bed. Nung namatay ba si shaina ganto ginawa ni Tim? Probably not, he's not stupid like me. Wala syang pinagsisihan ng mamatay si shaina.
Pumikit ako cause i can feel it. Eto na yung time ko. For the last time I called his name.
I woke up feeling energetic. Tumingin ako sa paligid ko. Im not in his room, i'm in my freaking office. How did I get here?
Timothy barged in my office like he owns it.'What are you doing here?'
'Dr. Samantha L. Avilla' nakita ko ang mapangasar na ngiti nito. Napatitig lamang ako sakanya.
'Aba! Di ka napipikon ngayon ha? Tinanggap mo na ba si kuya nic' agad sumama ang timpla ng aking mood. Na agad namang kinangiti nya.
'Wag mong mabanggit banggit si nic' pagalit kong sinabe na ikinagulat nya. Why am i here?
'Masyado ka naman atang galit ngayon' sabi nito.
'Umalis kana' diretsahan ko syang tiningnan. Nung di sya tumayo ay hinila ko na sya palabas.
'Ate naman!' Dinig kong protesta nito.
I stayed there. Di ko alam kung lalabas ako at uuwi, did someone move me here? Paano? Narinig ko na may parating pinakinggan ko ito.
'Eto ang office ng head ng neurosurgery'
I heard marco's voice. Sino ang kausap nito?'Dr. Avilla po? Di ba sila po ang may ari ng hospital na ito?' Boses ng babae
'Hay naku, wag mo syang tawagin na dr. Avilla she hates it, baka mapaalis pa kayo ng hospital na ito'
Agad kong binuksan ang pinto at tinitigan sila. What the hell? They are the same interns nung april.
'Hanggang ngayon ba nagtutour pa din kayo? Eh may na?' Sabi ko sakanila. Nakita kong nagtataka sila sa sinabe ko.
'Samantha' napalingon ako ng marinig ang boses na iyon. Am i dreaming?
'Nicholas' bulong ko. Agad naman ngumisi ito. Naestatwa ako. Nanaginip ba ako? Naramdaman ko naman na tumulo ang luha ko. Nakita kong nagpanic si nicholas kaya agad nya akong nilapitan.
'What's wrong baby?' Lalo akong naiyak sa sinabi nya. Seryoso nya akong tinignan tila ba inaaral ako.
'Nanaginip ba ako?' Tanong ko sakanya. Kumunot naman ang noo nito at umiling.
Tumawa ako. Nababaliw na siguro ako. Nilingon ko si marco and yung mga intern. Nakatingin sila sakin at nakanganga.
'Pinch me.' Sabi ko kay dr. Reyes. Agad namang umiling ito na parang takot.
'Pinch me sabi eh' nilakihan ko to ng mata na lalo namang kinatakot nito. Unti unti tong lumapit sakin at kinurot ang braso ko. Aray. Nanlaki ang mata ko ng makaramdam ako ng sakit. How? Naramdaman kong hinawakan ako ni nic.
'Nagluto ako ng paborito mo' sabay taas ng lunch bag na hawak nya. Teka.
'Nicholas' utal kong sabi habang umiiyak pa din. He's alive. He's here. Napahagulgol ako kaya naman niyakap ako nito. I can feel his warmth, di sya malamig tulad ng gabing iyon. Lalo akong naiyak.
'Excuse us' rinig kong sabi nito at binuhat ako at pumasok kami sa office. Naupo sya sa sofa, di pa rin ako binibitawan. Nakakandong ako sakanya at niyakap nya ako ng mahigpit.
'What's wrong love?' Seryosong tanong nito. Umiling ako sakanya at tipid na ngumiti. Yumakap ako sakanya.
'Wag mo akong iiwan' he stiffened. I can hear his heart beating. I smiled. He's here
He came back or I did?
BINABASA MO ANG
Her Mission
Romance'Marriage is sacred' Natawa ako ng sabihin yan ng aking ama sa harap ng hapagkainan, sabay sabay silang napatingin at napailing sa inasal ko. 'If marriage is sacred then why did you force me to marry that young Avilla?' Nakita ko ang gulat sa mga mu...