Chapter 4. A grieving heart

6 1 0
                                    

Dumating ang magulang ko at ang magulang ng girlfriend ni Timothy. Umiiyak sila habang ako tulala. Lumakad ako palayo sa lugar na yon.

'Hi dr. Ladesma!' Bati sakin ng mga nakakasalubong ko na hindi ko pinansin. Diretso lang ako hanggang sa makadating ako sa office ni Nicholas.

He's the owner son, pero kung makikita mo ang office nya para sya yung daga sa hospital. Maliit lang ang space nito. Madami sila dito. Nakita kong nagbubulung bulungan ang mga kasamahan nya ng makita ako, first time ko kasi to. Pero agad kong nakilala ung desk nya dahil sa picture naming dalawa. It was our picture nung kinasal kami. He was smiling while nakapoker face lang ako. I laughed out loud kaya naman napatingin ang ibang doctor sakin. Tumigil at tiningnan pa ang ibang picture. Picture ko lahat. Natutulog, nagbabasa, kumakain. I didn't know about these.

'Love' hindi ko na kailangan lumingon para makita kung sino yon. He hug me from behind. Siniksik nya ung ulo nya sa leeg ko. Buti nakaheels ako dahil mahihirapan sya sa height difference naming dalawa.

'Ano ba? May mga ibang tao' bawal ko sakanya.

'Gusto mong paalisin ko sila?' Bulong nya sa tenga ko. Ang lapit. Lumayo ako sakanya.

'Kamusta na? Anong balita? Did you save her?'  Tanong ko ng bigla kong maalala si tim. Sa itsura nya palang alam ko na yung sagot.

'No. Yung baby lang' his voice broke. Ganyan sya everytime may patient syang namamatay. Like his father, he looks tough and arrogant pero sobrang emotional and soft naman inside. Sometimes nahuhuli ko syang umiiyak pero nagpapanggap akong walang pakealam. Pero i want to comfort him, i just don't know how.

'Pupuntahan ko si tim' sabi ko sakanya. Yumuko lang to at tumango. I know he can't face my brother so di ko na pinilit.

Pumunta ako don lahat sila umiiyak except timothy. He's just standing there. Lumapit ako sakanya at tumayo with him because i don't know how to make him feel better. Meron bang way?

'Gusto mo bang tingnan natin yung baby sa NICU?' Tumango lamang ito.

Hindi kame pumasok. We just stand there, nakita agad namin yung baby. He's a baby boy. Andaming nakaconnect na tubes sakanya. He's very thin. I want to cry but i didn't.

Dumaan ang isang linggo, naiburol at nalibing na si Shaina. I feel bad na ngayon ko lang nalaman ang pangalan nya. I realized that i'm so busy taking care of myself to the point na hindi ko na namamalayan na may tao pala sa paligid ko. Si nicholas ang nagayos ng lahat. Yung sa about sa baby, sa burol, sa libing. Kasi lahat sila nagluluksa. Sya yung paulit ulit na pumupunta sa NICU kasi mukhang nakalimutan na ang baby sa pagluluksa nila.

'Nicholas' nasa office nya ako ulit. Dumaan ako dito para yayain sya kumain. Nakita kong ngumiti ito ng makita ako.

'Kain tayo. Im hungry' sabi ko ulit. Tumango ito at inayos ang lamesa nya. Magulo pa din naman. Kung lumipat nalang kaya sya sa office ko?

'Anong gusto ng baby ko?' Paglalambing nito sakin. Agad ko naman hinampas. Seriously? Napatingin ang mga kasama nya sa amin. Nakakahiya

'Kahit ano gutom na ako'

'Kanina pa natapos yung inoperahan mo diba love?' Pagtatakhang tanong nito. Natapos kasi ako ng 10. Pero dahil dipa sya tapos sakanya hinintay ko sya ng 3hrs. This ungrateful bish. Pero hindi ko yon sinabe. Swerte nya naman

'Pake mo. Gusto ko 1pm kumain e' ngumiti lamang ito. At pinagsiklop ang kamay namin.

'Ano ba? Tumitingin yung mga tao' saway ko sakanya.

'Mag-asawa tayo kaya' pagpapa alala nya sakin. Pinabayaan ko nalang sya. Todo ngiti naman ng loko.

'Kamusta si timothy?' Tanong nito habang kumakain kami. Umiling ako. Hindi ko alam.

'Samantha, bakit di mo sya icheck?' Seryosong sabi nito. Tatawagin nya ako sa buong pangalan ko if i'm being mean sometimes. Pag ganto na sya kaseryoso hindi ko na sya natatarayan.

'He's grieving. We should give him time. Kamusta na yung baby nic?'

He smiled a bit 'he's strong love, he's fighting for his life'

'Gusto mo ba ng baby?' I asked him. Bakas sa mukha nya yung gulat sa tanong ko. Pero napalitan naman ito ng mapaglarong ngiti

'Gawa tayo love?' I smacked his head. Seryosong nagtatanong e.

'Gusto ko magkababy since 18 palang ako. Gusto ko magka-pamilya agad. Pero kung ayaw pa ng asawa ko. I'll respect that' seryosong sabi nito. Di nya ata alam na wala akong balak. Pinagpatuloy ko lamang ang pagkain ko. Nagkunwaring walang narinig. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito. After namin kumain niyaya nya na ako. Niligpit nya yung kinain namin at tahimik kaming bumalik sa trabaho.

'Hatid na kita sa office mo' i roll my eyes. Kala mo naman napakalayo.

'Daan muna tayong NICU' tumango ito at dumiretso kami doon.

Pero natigil kami ng makita namin si timothy. He's smiling while looking at his child. May baby brother is not a baby anymore. I smiled.

A grief is not something you complete but something you need to endure

Her MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon