18

0 0 0
                                    

Chapter 18

Tapos ng lumaban ang mga Elites pero maliban nalang sa Chained Dragons. Walang nagtangkang lumaban sa kanila dahil alam nilang malalakas ang Chained Dragons at ayaw nilang mapahiya.

"Seems like walang gustong lumaban sa ating Rank 1"

Tahimik ang lahat habang nasa gitna na ng Arena Chained Dragons naghihintay kung sino ang gustong lumaban sa kanila, pero parang wala atang may lakas ng loob para kalabanin sila.

Habang sa kabilang banda naman.

"Sige na, tayo nalang naiinip nako kakahintay eh" Ash.

"Okay" sila.

Agad silang tumungo sa gitna ng Arena na walang pag aalinlangan. Nagulat naman ang lahat dahil hindi nila ina asahang mga babae ang makakalaban ng Chained Dragons.

"Woah, sexy" bulong nina Chris at Rio.

"S-sawakas ay may nag lakas loob ding kumalaban sa Chained Dragons. At dahil apat lang silang lalaban at para patas, dapat apat lang din ang Chained Dragons"

Nag iiling naman sina Ash dahil parang sinasabi nilang hindi kaya ng TOTOONG Cursed Demons ang Chained Dragons.

"I'll leave" biglang sambit ni Pierce at walang pasabing lumabas sa Arena.

"Everything is settled. At dahil ok na, Bring down the cell!"

Nagtaka naman sila Ash kung ano ang ibig sabihin nun.

"No freaking way" gulat na sambit ni Celestine na naka tingala.

Napatingala din ang tatlo at napanganga sila ng makita nila ang isang kulungan at parang ikukulong sila.

"Kung gusto nyong umatras, may oras pa kayo" sabi ni Sayun, habang may mapang asar na ngisi.

Paro hindi ito pinansin ng apat at nakatingala parin.

"Woah, cool!" Excited na sigaw nilang apat.

Napanganga naman silang lahat sa sinabi nila, dahil ang Cell na iyan ang kinakatakutan ng lahat at ayaw na ayaw ng lahat.

Nang makalapag na ang Cell ay agad itong kinandado ng mga lalakeng parang mga wrestlers dahil sa laki ng katawan.

"And let the hellNcell, begins!"

Agad nilang nilabas ang kani kanilang armas. Pero hindi dinala nila Ash ang kanilang mga Espesyal na armas dahil hindi na ito kailangan, kutsilyo lamang ang hawak hawak nilang apat. Habang ang Chained Dragons naman ay mga baril.

"Gusto nyo bang mapahiya?" Shiro.

Pero nag kibit balikat Lang ang apat. Nakapwesto na silang 8.

Si AD (Kira) ay kaharap si Chris.
Si ED (Trinity) ay kaharap si Rio.
Si IC (Ashie) ay kaharap si Shiro.
Si SD (Celestine) ay kaharap si Sayun.

Agad na sumugod ang Chained Dragons sa apat na babae na agad din naman nilang nadepensahan. Mga sipa at suntok palang ang pinakawalan nila sa isat isa at di pa nila gumagamit ang kanilang mga armas. Namangha ang lahat sa kanilang nakita lalong lalo na sa apat na babaeng walang hirap na nakikipag laban sa Chained Dragons.

Patuloy na nagbibitaw ng sipa at suntok ang Chained Dragons pero naiiwasan at nasasangga naman ito ng apat na babae.

Binunot nila sabay sabay ang kanilang mga baril at pinaputukan ang apat, pero agad naman silang umiwas gamit ang pag tutumbling at pagsayaw sa ere.

Nakanganga ang lahat dahil sa ginawa ng apat, dahil kung sila ang naroon ay tsak na nabaril na sila.

At tsaka sila nag-langding sa likod ng Chained Dragons. At sinipa ang mga binti nila, kaya napaluhod ito.

"Well done" bulong nila.

The Cursed DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon