Chapter 2

7 1 1
                                        

Andito ako ngayon sa CR kung saan ginanap ang reception. Hanggang ngayon, hindi ko parin akalain na sila Mico at Irene talaga. Kasi sa totoo lang? Masaya naman na kami ni Mico kaso umamin si Irene sa kanya at hindi nagtagal ay sila na talaga ang nagkatuluyan.

Hindi talaga ako andito para umihi, andito ako para mag retouch ng make-up dahil nagulo yun nung naluha ako sa simbahan. Nung natapos ako sa pag retouch nagulat ako dahil sa tilian sa reception. Siguro dahil nagsalita ang emcee at oras na para ihagis na ung bulaklak.

"So guys, ready na ba kayong malaman kung sino ang susunod na ikakasal?" muli namang pag-sabi ng emcee na dahilan upang mag hiyawan ang mga tao. Siguro gusto na din nilang malaman kung sino ang makakasalo ng boquet ng bride. Sabagay, sino ba namang hindi gaganahan na malaman kung sino ang susunod na ikakasal? Buti nalang at alam ko na hindi ako yun at walang rason para maging ako.

"Bago natin ipahagis sa bride ang bulaklak, kakain muna tayo para lalo tayong magkaroon ng energy." muling sabi naman ng emcee. Sinabi din niya na pwede na kumuha ng makakain mula sa pina cater nilang mga pagkain.

Dahil ayoko namang ngumanga sa table, nag desisyon na akong kumuha ng pagkain. Narinig ko na din kasing kumulo yung tiyan ko, parang sinasabi niya na saakin na pakainin ko na siya. Mula sa kanin, madami pang iba't-ibang mga ulam ang naka-handa. Tulad ng adobo, menudo, giniling at ang pinaka paborito ng lahat ang letchon at lumpiang shanghai.

Dahil sa lumpiang ito, naalala ko nanaman yung mga ala-ala namin ni Mico noong mga bata pa kami. Yung tipong magsusubuan kami ng lumpia sa tuwing may pupuntahan kaming party. Kahit maraming tao ang tumitingin saamin, hindi kami nahihiya. Syempre dahil alam naman naming magkaibigan kami, walang issue. Hanggang dun nalang kami.

Hinanap ko na din ang mga inumin na meron sila. Hindi na ako nagulat na andito lahat ng paborito naming inumin ni Mico, gaya ng blue lemonade, iced tea at royal na kulay violet. Naalala ko nanaman tuloy yung unang beses na natikman namin yung royal na grapes. Nakita lang namin na kulay violet yung lalagyan ng royal kaya bumili na kami nito at binaon na din para sa fieldtrip namin kinabukasan.

At dahil ayokong balikan ang mga nakalipas, kumuha nalang ako ng red wine. Wala akong balak maglasing pero gusto kong mag-iba naman ang mga kakainin at iinumin ko. Menudo at red wine nga ang kinuha ko at buko salad naman para sa dessert.

Sobrang nabusog ako kahit kahit kaunti lang ang mga kinain ko. Gusto ko pa sanang magdagdag kaso nakakahiya naman diba, kahit sobrang malapit saakin ng bagong kasal, mahihiya parin ako. Hinintay ko nalang ulit na mag-salita ang emcee na bigla nalang ding nag-salita pagkatapos ng ilang minuto.

"Bago ang lahat gusto niyo bang makita na mag kiss ulit ang ating newly weds?" tanong ng emcee kaya biglang nagtilian ulit ang mga tao. Sana all nahalikan na si Mico diba? Akin naman kasi siya kaso nauna si Irene.

Nagulat ako na pinapatunog ng mga tao ang kani-kanilang mga wine glass. Ibig-sabihin daw nun ay gusto nilang mag-kiss ang bagong kasal. Natapos naman ito kaagad ng sobrang bilis kaya napa buntong hininga nalang ako.

"Irene, handa kana bang ihagis ang boquet? Mico, handa kana bang ihagis ang garter?" pasigaw na tanong ng emcee dahilan para magsigawan ang mga tao lalo. Pinatayo na ang mga lalaking dumalo sa kasal dahil sila muna daw ang mauuna.

Inihagis na nga ni Mico ang garter at laking gulat ko na si Ace ang naka salo nito. Si Ace ay ang matalik na kaibigan ni Irene at sa pagkaka alam ko ay matagal na din siyang may gusto dito. Ano kaya ang nararamdaman niya na kasal na sa iba yung taong gusto niya? Nasasaktan din kaya siya tulad ko o masaya siya na siya kasi masaya na din yung mahal niya?

Pinatayo na din ang mga babae pero mas pinili ko na maupo nalang sa upuan ko at tingnan nalang ang mga tao sa pagsasaya. Pero bigla akong nagulat ng biglang may kumalabit saakin, si Ace pala at sinabihan niya akong tumayo at pinapa sali daw ako ni Mico doon. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa gitna.

Nang ihagis na ni Irene ang boquet niya, tila ba nag slow motion ang pagbagsak nito mula sa taas naming mga babae. Wala nga akong magawa kung hindi ang titigan ang pagbagsak nito.

Nagulat ako nang biglang natumba ang babaeng asa harap ko sa pagka-gusto niyang makuha ang bulaklak. Mukhang may gusto siya kay Ace dahil dito. Ngunit mas ikinagulat ko nang malaman kung sino talaga ang naka-salo ng bulaklak ni Irene.

Love at first CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon