Tama, si Ace nga ang lalaking lumapit saakin. Gwapo talaga siya lalo na kapag sa malapitan. Malalim ang dimples tulad ng dimple ni Mico. Pero hindi tulad ni Mico, dalawa ang dimples niya, left and right, mahaba din ang pilik-mata nito. Sayang lang at hindi naging sila ni Irene. Kung tutuusin ay isa si Ace sa mga "ideal man" na gusto ni Irene at karamihan ng mga babae.
Mayanan, matangkad at tulad rin siya ni Irene, kaso ano din kaya ang meron si Mico na wala si Ace? Baka naman hindi pa umaamin si Ace sakanya? Kaso kung hindi alam ni Irene yun, bakit laging nag bibigay si Ace ng regalo kahit hindi naman niya birthday?
Matagal na sigurong mahal ni Irene si Mico, kaya siguro hindi niya maramdaman na mahal siya ni Ace. Nakaka manhid talaga ang 'pag-ibig'. Yung tipong hindi mo napapansin yung mga taong andiyan para sa'yo dahil naka tuon yung buong atensyon mo sa taong gusto mo pero iba ang gusto.
Pero teka nga lang? Bakit parang sarili ko lang ang pinapatamaan ko sa mga sinasabi ko sa sarili ko? Alam ko namang naka tuon lahat ng atensyon ko kay Mico mula noon, pero bakit nga ba kasi hindi din ako agad umamin sakanya na gusto ko siya? Baka sana kami ang ikinasal at hindi sila ng kaibigan ko.
Pero iba sila Irene at Mico, dahil mahal naman ni Mico si Irene. Patunay nito ay ang pagpapakasal nila. Talagang swerte sila at ako lang ang malas saaming lahat.
Biglang lumapit si Irene at ang mga kaibigan niya papunta sa table namin ni Ace. Parang sobrang saya nilang lahat na ako ang nakakuha ng boquet, at ganun nalang din kay Ace na nakasalo ng garter.
Nang maka-dating sila sa table namin ni Ace, nagsalita agad ang isa sa kasama ni Irene na si Maxine.
"Ani kaya yung feeling na di kayo close ng magiging bride or groom niyo?" Sumang-ayon naman yung iba, oo nga naman, hindi ko pa gaanong kakilala si Ace pero kami 'daw' ang susunod na ikakasal.
"Oo nga girl! Diba mas maganda kung mas maging close kayong dalawa?" At anong akala nila? Na bibigay ako kaagad sa lalaking yun? Eh baka nga hindi din ako magustuhan nun dahil si Irene ang totoong gusto niya.
"Mas okay sigurong silang dalawa ang nakakuha ng hinagis para makalimutan na nila si Mico at Irene." At alam pala nila na may gusto kaming dalawa ni Ace sa bagong kasal? Pero hindi naman ako papatol sa lalaking kaka-kilala ko lang. Sana lang din hindi ako mahirapan gumising araw-araw tapos isipin na kasal na Si Mico kasi baka mapilitan talaga akong patulan tong Ace na ito!
"Hey Lexi, gusto mo lunch tayo bukas? Don't worry libre ko!?" pag-aaya niya.
Mukha bang wala akong pera para bayaran niya yung kakainin ko? Tsaka OMG! Hindi naman ako sasama sakanya por que kilala siya nila Irene noh!
"Huwag na, jusko mag papa-deliver nalang ako ng lunch ko sa bahay namin." sagot ko sakanya.
Hindi ko din alam kung bakit ko sinabi yun! Woah! Nakakahiya yung sinabi ko! Pwede namang sabihin ko nalang na hindi pwede kasi may lakad ako diba? Anak ng tipaklong ka talaga Lexi! Nakakahiya ka!
"I mean ililibre kita, gusto ko din kasi na mas makilala ka." ani niya
Wala na sasabit na talaga ako neto! Nakakahiya na talagang tumanggi kapag ganito. Tsaka ano daw yun? Gusto niya akong makilala pa?! At bakit? Para landiin ako hanggang sa makasal kami tapos dun niya ako lolokohin?
"Ah, hindi ako ganung klase ng lalaki, gusto ko lang talagang mas makilala ka." sunod naman siyang sabi.
Halaaaa! Napalakas ata yung pagsasalita ko sa isip ko! Lupaaa kaiiniiin moo naa akoo! Ayokoo naa saa Eaartthh! Huhuhuhu!
"Hindi din kasi ako pwede eh, kakain kami ng family ko together."
Yan sige Lexi, gumawa ka pa ng dahilan para hindi masayang yung mga sinabi mo kanina. Para hindi na din matuloy yung 'lunch' niyo ni Ace.
"Ah, ganun ba? Sige dinner nalang tayo susunduin kita sa bahay niyo, tutal alam ko naman kung saan ka nakatira eh. Binigay saakin ni Mico para kung sakaling malasing ka daw kaka-inom may maghahatid sayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/218306601-288-k651175.jpg)
BINABASA MO ANG
Love at first Catch
RomanceThis story is about a girl named Lexi and a boy named Ace. They met in a not so particular scene like any lovers do, will destiny make a way for them to love each other or make a way for them to hate theirselves more...