Chapter 3

4 1 0
                                    

          Nagulat ako ng mapansing halos lahat ng tao ay nakatingin na saakin habang sila ay nagpapalakpakan at naghihiyawan. Huli na ng marealize ko na hawak ko pala ang boquet. Nasalo ko pala ito ng hindi ko namamalayan. Sayang din naman kasi kung hindi ko masalo, dahil masisira lang. Parang wala din kasing balak saluin ng mga tao yung boquet. Baka nagkusa nalang din yung kamay ko.

          Tsaka infairness! Ang ganda ng pagkaka arrange sa mga bulaklak. Pero hindi ko inaasahan na andun yung bulaklak na iyon, ang tanging bulaklak na paborito naming dalawa ni Mico. Ang daisy, ito yung bulaklak na ibibigay lang daw ni Mico sa babaeng mahal niya. Ganun niya siguro kamahal si Irene. Sabagay, kung hindi nya naman ganun kamahal yun, bakit niya naman papakasalan diba?

          Sino din ba ako para magreklamo? Nasakanya na ang lahat. Si Irene ay hindi lang basta isang babae. Mabait, matalino, sexy, mayaman at higit sa lahat sweet. Tipong girlfriend material talaga siya. Sino kaya ang hindi magkakagusto sakanya diba? Hindi tulad ko na payat, bobo at wala ding pangarap sa buhay. Kaya hindi na ako nagtaka noong 'highschool' at 'college' kami sa dami niyang manliligaw.

          Kulang nalang siguro na buong campus na ang manligaw sakanya. Yung tipong kada may beauty pageant sa school ay isa siya palagi sa mga magagandang contestasts, at asahan mo na din na siya lang ang babaeng may fans club at pinaka maraming fans. Well, ganyan siya kaswerte kaya pati si Mico nakuha niya. Not like me na puro kamalasan lang ang nakukuha.

          Naalala ko tuloy noon, pinilit ako nila Mico na sumali sa beauty pageant. Sino ba naman ako para tanggihan yung taong mahal ko. Siya nga yung ginawa kong inspiration sa pagsali ko eh. Kaso di naman maganda ang nangyari saakin sa araw  na iyon. Bukod sa natapilok ako sa part ng long gown, nakaka inis kasi yung nag-iisip na ganun ang suotin ko na gown.

          Oo, tama nga ang iniisip mo, is Irene ang nanalo sa contest, habang ako? Hanggang Top 4 lang, di pa umabot kahit sa Top 3. Minsan talaga mapapa-isip nalang ako, kung ano nga ba ang meron sa kaibigan ko na wala ako. Tapos mapapansin ko na halos lahat pala ng meron ako ay meron din siya, pero kapag meron siya nito ay wala ako.

          Habang iniisip ko lahat ng iyon, hindi ko namamalayan na may lalaki na palang dahan dahang lumalapit saakin. Dahil sa ilaw, hindi ko na maaninag yung mukha niya, ngunit alam ko na imbitado siya sa kasal dahul sa suit na suot niya. Halata ding pogi ito dahil na din sa dimple niya na halatang halata dahil ito ay malalim.

          Pero nagulat akong malaman na hindi siya yung taong iniisip ko. Ibang tao ang nasa harap ko, ngunit bakit kaya andiyo siya sa harap ko at may dalang boquet na halatang bagong bili pa. Nagulat pa ako dahil bigla siyang nagsalita at inabot niya ang dalang boquet saakin.

          "Lexi oh, para saiyo." sabi niya saakin kasabay ng pag-abot ng boquet. Inabot at kinuha ko nalang ang boquet dahil sayang talaga. Nagulat pa ako dahil may daisy sa boquet na ito. Iba tuloy ang naiisip ko sa mga nangyayari. Ibabalik ko ba sakanya yung boquet o magpapasalamat ako dahil siya yung unang lalaki na nagbigay ng bulaklak saakin?

          "Thank you pala sa boquet na bigay mo saakin Ace!"  yan nalang ang tanging lumabas sa bibig ko at ngumiti nalang ng matipid.

Love at first CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon