2

43 2 0
                                    

AUXERRE POV

"HOY BABAITA GUMISING KANA!" Nakakarinding sigaw ni kuya kaya nagising ang diwa ko at unti unting iminulat ang mata at nakita ko ang demonyong sumisigaw sa pinto

"Bakit naman? Wala naman na akong pasok ah " sagot ko pagkatapos kong humikab at muli na sanang ipipikit ang mata

"Anong wala?! Wala ka nabang balak mag aral?!" Naririndi na talaga ako sakaniya kaya umupo na ako

"Totoo naman ah?Kick out na ako "matamlay kong sagot sa kaniya

"Mag ayos kana, Inenroll na kita agad kahapon ,Pwede ka ng pumasok ngayon " nagising ang buong diwa ko at napatayo at lumapit sa kaniya

"AGAD AGAD?!!!!"halos abot hanggang bundok ang sigaw ko kaya napaatras ng kaunti si kuya at pinaypayan niya ang ilong niya at umasim ang mukha niya

"Magmumog ka na nga muna,alas otso pasok mo,Bilisan mo mag ayos ihahatid kita" sabi ni kuya at isinira ang pinto ng aking kwarto

Samantalang ako ay nakatayo parin at tulala at inaabsorb kopa ang mga pangyayari

Teka naman huhuhu 4gb lang utak ko huhuh...

Ex ko si lucas naging kami nung 3rd year high school  ,pag akyat namin ng 4th year ay nagbreak kami dahil sabi niya mawawalan daw kami ng time sa isa't isai ,nilipat siya ng parents nga nya kung nasaang school sya ngayon at noong inilipat siya ay saktong saka kami humiwalay sa parents namin ni kuya kaya kailangan ko rin lumipat ng school

Iyong nilipatan kong school ay christian school kaya masyadong mababait tao don ,kaya ako nakick out kasi may nabully ako na hindi ko naman talaga intensyon na bullyhin sya pero ganoon ang dating sakanila kaya ayon kick out

Hindi kopa kayang harapin si lucas dahil halos mag 2 buwan palang kaming naghihiwalay ,shempre may hinanakit parin ako sakanya saka mahal ko pa yung tao tapos iiwan niya lang ako ng ganoon tapos magkikita ulit kami ng ganito lang. shet

Napasulyap ako sa orasan at nakitang 7:30 na kaya dali dali akong dumirecho sa banyo para maligo na ,Unang klase ko late ako hays

Nang matapos akong maligo ay nagdamit ako ng formal dahil wala pa naman akong uniform nag ayos lang ako ng kaunti sa mukha ko at lumabas na ng kwarto

"Tagal mo ,Late ka na tuloy" sabi ni kuya at nauna na sa kotse kaya dali dali na rin akong sumunod sa kaniya

8:30 na kami nakarating

Ayos lang naman kasi unang araw ko palang naman.

"Aux magtino kana dito ha?subukan mong pasakitin ulit ulo ko hindi nako magdadalawang isip na ibalik kita don" muling sermon niya saakin ng makarating na kami sa parking lot

Tinutukoy niyang 'don' ay sa aming mga magulang

Bumuntong hininga na lang ako at pilit na ngiti ang ibinigay ko sakanya at sumaludo na lamang saka lumabas ng sasakyan

Wala na masyadong tao sa paligid dahil anong oras naman na din

May dalawang malaki na building na magkaharap pero magkalayo,nasa gitna nito ay malaking quadrangle na may bball court den .Maganda ang vibe nitong school dahil maraming puno at naka arrange ito sa magandang paraan at may mga gazebo

Ng makarating ako na ako sa mismong building ay may bantay doon na lalaking CAT kaya agad ko itong innaproach

"Kuya? Hehe Hello? Transferee po ako saan po room ng 10-tungsten?" Magalang kong tanong at may ngiting pagkalawak lawak

Pero si kuya nakapokerface lang at nakatingin ng derecho saakin

"4th floor ,1st room" sagot ni kuya na parang kausap niya ay hangin kaya nagpasalamat nalang ako at agad ng umakyat sa 4th floor

Ng makarating nako sa 4th floor ay grabe hingal na hingal ako tae  grabe yung hagdan kainis

Nasa harap nako ng aking room dahil sabi ni kuya 1st room daw edi ito iyon

Huminga ako ng napakalalim at lumakad ng kaunti at kumatok na sa pinto ,

Sana hindi kami magkaklase ni lucas

Sana hindi kami magkaklase ni lucas

Sana hindi kami magkaklase ni lucas

Medyo napatalon ako ng buksan ng teacher yung pinto .Isang babaeng maganda at mahaba ang buhok halata namang teacher sya dahil sa uniform nya

"Bakit ka late iha?"pambungad nya sakin

" Ay e-eh k--

"Ay ikaw ba yung transferee? Ikaw ba si Auxerre?"

Wiw ,buti nalang iniba nya na tanong

" Ah opo ako nga po" nakangiti kong saad

Swerte ko mabait 1st subject

"Ay halika pasok kana " inaya nya na akong pumasok sa loob

Rinig na rinig ko ang ingay kanina pero ngunit nung pumasok na ako sa loob ay tumahimik

UhUh?

"Class may bago pala kayong kaklase ,tranferee sya.Introduce yourself iha " nakangiti pa ding saad ng guro

Bigla namang nagkaron ng bulungan

Wushu murmur

Iginala ko muna ang paningin ko at

PUTHANGINALUNGS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

SA DINAMI DAMI NG SECTION DITO BAKIT ANDITO SI LUCAS?!!!!

KAKASABI KO LANG NA SANA HINDI KO SIYA KAKLASE EH!! HUHUHUHUHU BAKIT NAMAN GANON

Nagtama ang paningin namin kaya agad kong iniiwas ang aking paningin

Pumikit ako ng pagkadiin diin yung tipong gusto ko ng lumubog yung eyeball ko hays saka muling dumilat at bumuntong hininga bago nagsalita

"Uhm ,Auxerre Zara  Nice to meet you " nakangiti kong sabi sakanilang lahat

"Class be kind to her ha? Auxerre dun ka upo sa dulo matangkad ka eh hehehhe" mukang batang sabi nya

Cute amp

Tumango nalang ako sakaniya at nagsimula ng maglakad sa likod

tapos huhuhu nararamdaman ko yung titig ni lucas o baka nag a-assume lang ako?huhuhuhhu

May 2 bakanteng upuan yung isang katabi ay babae sa kabila naman ay lalaki .Tinitigan ko yung lalaki

Okay mukha naman syang tahimik doon nalang ako sa tabi niya

Nilapag ko na ang bag ko sa upuan ko at tahimik na umupo ,Nakatingin lang akong diretso at nakita ko sa aking peripheral vision na sumulyap sakin itong katabi kong lalaki

"Ayyy !Ako nga pala si Ms.Lea Asuncion ako ang inyong adviser " proud na proud na pagpapakilala ng teacher namin sa akin

Oona ,Bilis .Papalitan kita dyan. Gusto ko na agad matapos ang araw na ito at parang gusto ko nalnag ulit mag pa kick out huhuhuhu

Nginitian ko nalang ulit sya bilang pagsang ayon sakaniya

Nagsimula na siyang magturo Math teacher din namin siya

Peste aga aga math?

OasisWhere stories live. Discover now