5

33 1 0
                                    

AUXERRE POV

2nd day kona ngayon ,Andito ako mag isa sa cafeteria.Tahimik na kumakain sa isang gilid

"Transferee ba yan?"

"Taga tungsten daw yan eh"

"Ex daw yan ni lucas eh"

Nagulat ako sa bulung bulungan ng mga tao dito sa cafeteria

Ganon ba kasikat si lucas dito para malaman pa nilang ex ako?

Sabagay pogi talaga si lucas.

"Hi zara"  sabay sabay na bati ng tatlong lalaki sa harap ko na may mga bitbit na upuan para sa sarili nila

"Upo kayo" nakangiting aya ko kina Four,Ken at Conrad

"Bakit mag isa kalang?" Cute na tanong sa akin ni four

Cute talaga

"Eh ikaw bakit pangalang mo four pero isa kalang?" Cute ko ding tanong sakanya

"Iba naman yun" nagpout sya saka niya inagaw ang kinakain kong corndog

Hinayaan ko nalang lamunin nya iyon dahil kawawa naman

"Zara usap usapan dito na ex mo daw si Lucas?" Biglang open up ni Ken kaya halos mabilaukan ako sa sarili kong laway

Nakatingin na sila sakin na para bang curious na curious sa isasagot ko

"Ano bang meron sakanya?Bat sikat na sikat yun" tanong ko saka sumandal sa upuan at nagcross arms

"Transferee din kasi siya, alam mo naman ang mga tao curious sa mga bagong mukha ,Saka may itchura naman talaga si Lucas kaya sumikat siya dito sa mabilis na panahon" mahabang paliwanagan ni Ken at nakatingin sa malayo na para bang andoon yung kausap niya kaya tinigna ko rin kung saan siya nakatingin

At andoon si Lucas na nakaupo at naka derechong titig sa akin

Sinubukan kong makipagtitigan pero mukang wala syang balak na alisin ito kaya ako na ang sumuko

"Onga pala una na ako sainyo dahil ipapatatak ko pa itong uniform ko" pag iiba ko at wala na talaga akong balak magtagal sa lugar na iyon

"Gusto mo samahan ka namin?" Tanong ni Ken

Kaya nginitian ko nalang siya at umiling saka lumabas ng cafeteria

Nang makarating ako sa aming building narealize kong masyadong malaki ito at paano ko naman hahanapin ang faculty dito

Naghanap ako ng mga custodian o kaya yung madalas nagbabantay kaso wala

Wala ring katao tao dahil break at nasa labas lahat ng estudyante

Kaysa maghanap ng mga taong wala sinimulan ko ng libutin itong first floor

Library, Registration office , Principal,Vice office lang ang nandito sa first floor  

Sana pala nagpasama nalang ako huhuhu

Umakyat na ako sa 2nd floor pero puro classroom lang nandito

Pumunta ako sa mga locker at sumandal muna doon

Grabe2nd floor palang ako pagod na ako

*CLAAAAG*

Napaigtad ako dahil may nagsara ng napakalakas ng locker sa tabi ko kaya halos mabingi ako

"Galit kaba?!" Inis kong tanong ng makitang si Liam ito

"obvious ba?!" Sigaw niya ng may galit na mata

Kaya lumayo pa ako sa kanya dahil mukhang galit nga talaga siya

Pero huhuhu opportunity mo na yan para tanungin at magpasama kung saan yung faculty

"U-hh ,L-Lia-mm??" Mahinhin at nauutal ako

"ANO?!" Napapikit ako sa sigaw niya

Bago pa ako makadilat ay may humablot sa kamay ko at hinila ako palapit sa taong iyon

Naramdaman kong magkadikit na ang mga balikat namin at ng tignan ko kung sino ito

Lucas

Bumilis ang tibok ng puso ko at galak na galak ng makita at maramdaman ko ulit ng ganito kalapit si Lucas sa akin

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?" Madiing tanong ni lucas kay Liam habang nakahawak parin ang kamay niya sa akin

Nagsasalitan ang aking mata sa kanilang dalawa samantalang silang dalawa ay nagtitigan na para bang nag aapoy ang kanilang mga mata

Hinila ko nalang si Lucas palayo para hindi na mag kagulo pa

Binitawan nya ako ng nasa hagdan na kami

"Bakit ka nagtransfer dito?" Tanong nya na parang bang hindi niya ako gustong makita rito

Tangina mo ,mahal na mahal pa kita

" N-a kick o-out ako" ngarag na boses kong sagot sakaniya dahil naiiyak ako at may bumabara sa lalamunan ko na hindi ko maintindihan

Pero wala syang ipinakitang ekspresyon sa akin kaya yumuko akong nagpipigil ng luha ko

"L-lucas ngayon-g na-nasa iissang sch-hool na tayo baka--

"Zara"pinutol nya ako at binanggit ang pangalan kong may diin

Aux tawag niya sa akin dati ngayon zara na

"Tapos na tayo okay?Wala na.Wala nang tayo"Pagpapatuloy niya sa simasabi niya

Ngayon ay iniangat ko na ang ulo ko at tinignan ko na siya sa mata gamit ang mata kong punong puno ng luha at nag uunahan na sa pagtulo

"Bakit ba Lucas?! Preskong presko pa sa akin yung pang iiwan mo sa akin! Dahil lang sa dahilan na wala kang oras?!Mawawalan tayo ng oras sa isat isa kasi malayo na?!Anong dahilan yon Lucas?!" Hagulgol kong sigaw sakaniya

Gustong gusto ko na itong sabihin sakaniya dahil nakipaghiwalay lang siya sa akin through text sinubukan kong kausapin siya sa personal pero gumagawa siya ng paraan para hindi kami magkita

"Enough Zara okay?!Im already done with you!" Huling sabi niya saka umalis

Umupo ako sa hagdan at ibinuhos lahat ng luha ko at sakit ng nararamdaman ko

Gusto ko sanang sabihin sakaniya na tutal nasa iisang lugar na kami ay baka pwede pa pero walang wala,Ako nalang ang may gusto sa aming dalawa

Baka naman may dahilan siya diba?huhuhuhhu

Bakit siya nakatitig lagi sa akin?

yan ang hirap sa akin ,Hilig ko umasa

OasisWhere stories live. Discover now