4

41 2 2
                                    


AUXERRE POV

Dumaan sa harap ko ang pulang honda civic at ibinaba ang salamin

"Musta?" Bungad ni kuya na nakashades pa

Mala kdrama kuno

Hindi ko na muna sinagot si kuya at pumasok muna sa loob ng kotse

"Ayos lang " tipid kong sagot ng nakapasok nako sa kotse at isinuot ko ang seatbelt

"Nagkita kayo ni lucas?"

Napahinto ako sa pagkakabit ng seatbelt

Lucas nanaman

Tinapos ko muna ang pagsosoot ng seatbelt saka ko hinarap si kuya

"Alam mo bang nasa iisang section kami?" Mapagpigil kong tanong dahil sasabog nako

Kaya nagulat naman si kuya sa sinabi ko na parang hindi niya talaga alam

"We?!" Gulat na gulat

"Tss" singhal ko nalang at napairap

Tumingin nalang ako sa labas habang si kuya ay pinaandar na ang kotse

"Hoy hindi ko alam iyon,Tingin moba sinadya kitang ilagay doon sa section na yon para magkita kayo ni lucas?" Pandedepensa niya sa sarili niya

"Bakit hindi ba?",

"H-hindi nga"

Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa makarating kami ng bahay

Dumerecho agad ako sa kwarto ko at padabog kong isinira ang pinto at naglabas ng malalim na buntong hininga ,Ibinagsak ko ang aking katawan sa aking kama

In the 1st month of our break up im still hoping na sana pwede pa,sana bumalik pa siya sa akin ,sana nagkamali lang siya

In the 2nd month im still hoping ,gowing with flow .Hoping that one day he will come back to me

But after that i realize that i need to move on but how the fuck im gonna do that?

We are in the same school,we are in the same classrom ,We are fucking classmate

HOW?

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog nanaman ako dahil sa sama ng loob.
Nagising ako dahil sa ingay ng notification ng cellphone ko kaya dali dali ko itong tinignan

Ken Guevara sent you a friend request

Conrad Heliezer sent you a friend request

Four Four sent you a friend request

Kris sent you a friend request

Mina villegas sent you a friend request

At marami pang iba na friend request karamihan ay puro kaklase ko ang nag aadd sa akin ngunit may isang pangalan ang naka agaw ng aking atensyon

Liam grayson sent you a friend request

Ganda ng pangalan

Kaya ka agad agad ko itong inistalk tinignan ko  ang profile niya at

Si mr pretty eyes ,Liam palaaa

Kaagad ko itong inaccept pati na din ang iba pang kakilala ko

Andoon nadin ako sa gc ng tungsten kaya Sumilip aki saglit doon

*19-20 TUNGSTEN*

Mariah(muse): Guys wag niyo kalimutan iyong mga kailangan dalhin para sa english

Ken(cute):@auxerre zara welcomer sa tungstenn!!!!!!!

Conrad(pogi):welcomee  to our family!!!

Nag iisa pero FOUR: Iloveyouuu@auxerre zara

Mina:yiEEEeEeeEe loveteam agad

Me: HAHAHAHHAHA thank you po

Napangisi nalang ako at binitawan ang cellphone at pumikit muna saglit para magmunimuni

Ngunit muli nanamang tumunog yung cellphone ko

Nakamute na nga lahat ng gc ano pang iniingay nitong cellphone na ito?!

Padarag kong dinampot muli ang cellphone at nakasimangot na tinignan kung sino ang maingay na nagchat

Liam grayson sent you a message

Liam grayson : are u free?

Auxerre: what?

Liam grayson: xsend

Auxerre: kdot

Hinawakan ko ang aking labi at sinimulang nalang itong balatan

Naalala ko wala pa pala akong uniform ,Umalis na muna ako ng bahay para makabili ng uniform

Naglakad na lamang ako dahil medyo malapit lang naman dito ang bilihan

Habang naglalakad shempre tamang balat nanaman ako ng labi

"Ouch!" Sigaw ko at napangiwi dahil napasobra ako sa pagbabalat at halos nabalatan ang kalahati ng labi ko

Kinapa ko kung nagdudugo ito at malamang nagdudugo nga ,kumapa ako ng panyo  ngunit mukhang wala akong panyo

Wala akong ibang choice ,didilaan ko yung dugo

Pero bago ko pa gawin ang nasa isip ko may kamay sa harap ko na may hawak ng panyo na pink

Tinignan ko kung sino ang mabait na nilalang na ito

Mr pretty eyes.Liam

"Bakit ka andito?"taka kong tanong sa kanya

Pero hindi niya ako sinagot dahil unti unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin at

"H-hoy"

"Kalma ,pupunasan ko lang " sabi nya ng nakatitig sa mata ko ng napakalapit at ramdam na ramdam ko na ang kaniyang hininga

Ginawa niya nga ,gamit ang kanyang panyong pink siya ang nagpunas ng nagdudugong labi ko

Wala kabang kamay auxerre?!

Marahan ang kaniyang pagpunas na para bang takot na takot pa itong hawakan , Ang ganda talaga ng mata niya ,mahahaba ang pilik mata may matangos na ilong maninipis na labi at perfect jawline

"Thank you " napabalik ako sa ulirat ng nagpasalamat siya ng sarcastic

"Welcome" ngiti ko sakanya

"Hah!" Singhal niya na parang di makapaniwala

"Sinusundan mo ako noh?"

" Bat kita susundan?aso ba ko?tss"

"Ikaw nagsabi nyan ,Arf arf" asar ko sakaniya at nagpatuloy nalang sa paglalakad

OasisWhere stories live. Discover now