7

23 1 0
                                    

AUXERRE POV

Pagkauwi ko ay dumirecho lang ulit ako sa kwarto

Balak kong tapusin na sana tong portrait na ginawa ko

Naupo ako at tinitigan ang nasimulan ko ,Drawing palang nagawa ko at hindi ko pa napapaintan

Si lucas ,ginawan ko siya ng portrait

Actually matagal na ito eh balak ko sanang ibigay sa birthday nya kaso nagbreak nga kami kaya natambak dito at balak ko na sanang itapon kaso naisipan kong ituloy nalang den sayang naman. Nextweek na ang bday nya balak kong ibigay ito sa kaniya ,sayang naman effort ko kung hindi ko ibibigay

Makalipas ang 2 at kalahating oras ay nakaramdam ako ng gutom kaya naman ay lumabas ako ng kwarto ko at naghanap ng pagkain sa kusina

Kahit wala na kami ,kahit halos magmakaawa na ako sa harap niya,Parang wala lang lahat sa akin ngayon ,Okay lang wala akong hinanakit sa kaniya

Hays pagnabigay ko na sakanya yung portrait last na yon pramis

Hahanap nalang ako ng bagong jowa

Kinuha ko ang cake at nagtimpla nalang ng juice,hindi ko alam saan galing itong cake na ito

Habang kumakain ako ay nagcecellphone ako at may nakita akong nagmessage sakin

From:Giana

Swerpark ,6pm

Sinulyapan ko ang orasan namin at 5:30 na

Buti na lamang ay tapos na ako sa aking pagkain at pumunta na sa swerpark ,Naka tshirt at naka leggings naman ako kaya ayos lang saka medjo malapit lang naman dito yung park

Pagkarating ko ay nagulat ako dahil madami sila ,nasa 7 siguro

"Problema niyo?" Bungad ko at agad kong nakuha ang atensyon nilang lahat

pagkasabi ko non ay bigla silang lahat nagpalakpakan kaya napataas ang kilay ko sakanila

Pinagpraktisan nyo yan noh

"Ikaw problema zara! IKAW!"  Biglang sugod nito ni Giana sa akin at dinuro duro ako na halos natalsikan nako ng laway niya sa sobrang lapit sa akin

"Laway mo naman "nandidiring sabi ko at tinulak ko sya ng bahagya para lumayo sya ng kaunti

Kala mo naman napakabango ng laway

"Problema nyo?na kick out na ako ano pang gusto niyo?" Mahinahon kong tanong sakanila

Kaklase ko yung iba dito  yung iba hindi, anak sila ng mga mayayaman na may ambag doon sa christian school

Kala siguro ng mga magulang nila porke nasa christian school na mga anak nila mala santo na

"Pagkatapos mo kaming bullyhin ng hindi kami nakakalaban?" Gigil na gigil na sabi sa akin ni Giana

"Tanga ba kayo?Kasalanan ko bang duwag kayo sa magulang niyo " sabay ngisi ko sakanila

Nakakatanga tong mga toh sila nagsimula nung away tapos nung pinatulan ko bigla naging pusang kawawa kasi may mga tao na nakakakita sa amin in the end ako pa masama ,ako pa nakick out

Sumugod ulit palapit sa akin si Giana at nakataas ang kaniyang mga palad at nakabwelo na  para sampalin ako bigla ring nagsilapitan sa akin ang 2 kasama niya at hinawakan ang aking mga kamay para hindi ako makagalaw nagpumilit akong kumalas pero masyadong malakas ang 2 babaeng nasa likod ko na pati ang matatalas nilang kuko ay nararamdaman ko

Tatanggalin ko talaga lahat ng kuko niyo pag ako nakawala dito

Pumikit na lang ako ng nakita kong malapit na ang palad niya sa aking mukha

.

.

.

.

.

Antagal ko ng nakapikit pero wala akong naramdamang sampal

Kaya unti unti kong iminulat ang aking mata at may balikat sa harap ko?

Pakyu ka talaga auxerre ,nalutang na balikat ba gusto mong palabasin

Wag niyo sabihing si liam nanaman toh? Ang epal talaga

Tumingala ako para makita kung sino ito

"OUCH!!!" Late na react naman nitong si Liam dahil balikat niya ang nasampal ni Giana

"Papansin kaba?" Sabi nung nag iisang lalaki na kasama nila na si Peter

"Huh?Pinagsasabi mo? Nagjojogging ako dito sa park tapos kayo itong paharang harang" sagot ni Liam at nilingon ako

"Ow! Auxerre you're here?Bakit ka nila hinahawakan?"

"Babaeng kamatis pahiram muna si auxerre may utang kasi sa akin ito eh" sabi ni Liam kay Giana

Kamatis HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAH pula kasi ng mukha

Natatawa pa sana yung isip ko pero agad din akong hinila ni Liam palayo sakanila

Nang mejo nakalayo na kami ay saka na niya binitawan ang kamay ko

"Salamat" taos puso kong pasasalamat dahil kung hindi siya dumating nasampal na ako baka panibagong gyera nanaman at itakwil na ako ng kuya ko

"Ha? Nagjojogging nga lang ako doon diba?Malay ko palang andoon ka rin" maang maangan niya pang tanggi

"Sus, Ganun kaba magjogging?Eepal ka at doon ka dadaan sa gitna ng maraming tao?" Nakangisi kong tanong sakaniya

"E-eeh--

" AH, EH,IH ,OH ,UH magdadahilan kapa eh"

***

" Anong meron?bat dinadarag ka?" Curious niyang tanong habang dinidila dilaan yung ice cream na nilibre ko sakaniya

'Andito kami sa isa pang park ng village namin at nakaupo sa bench

"Wala, Wala silang matripan eh"

"Sabagay mukha mo palang nakakabadtrip na" may patango tango pang nalalaman si Liam habang sinasabi niya 'yon

"Tangina kaba?" Asar kong mura sakanya

Pagkatapos ko siyang murahin ay tumitig siya sa 'kin ng seryoso

"Nagmumura ka?" Tanong niya

"Oo putang-----

Naputol ang pagmumura ko ng bigla niya akong

Hinalikan

Puta hinalikan ako

Hinalikan ako tangina?

Hindi nagtagal ang halik niya sa akin na parang idinampi niya lang ito

Bakit gusto mo pa ba auxerre ?
Landot mo gaga

Pero 'di ko pa rin ma realize ang ginawa niya kaya hanggang ngayon nakatulala ako sakaniya at nakatingin lang siya ng derecho sa akin

"Sorry, I don't like girls with bad mouth"  sabi niya sabay kindat at umalis

HA?

hindi gusto pero hinalikan?

Tang ina lang?

OasisWhere stories live. Discover now