Ang Kontrata

1K 22 2
                                    

"Number one sa Dean's Lister, SSG President, Editor-in-Chief of The Perpetualite Archives, running for Suma Cum Laude which means walang one point seventy-five sa grades, Mr. Perpetual 2011 and also known as the best boyfriend you'll never have. Anong benefits mo? Lahat ng sinabi ko makukuha mo and you'll have the best and the most wanted boyfriend in the University."

Hindi ko pa rin mabasa ang tingin ni Janice sakin. Ano pa ba ang hahanapin niya sa isang tall, dark and handsome (with glasses) na guy na katulad ko? Kahit ang kanyang mga labi ay hindi man lang gumagalaw o nagpapakita ng kahit anong emosyon. Para siyang saradong libro. Alam mong may laman ngunit hindi naman mabuksan. Nagiging desperado na siguro ako, pero alam kong papayag din siya.

"C'mon, Janice! Napagusapan na natin 'to ah? Don't say na nagdadalawang isip ka pa sa mga benefits na makukuha mo?"

"Hindi ko naman kasi pinapaulit 'yun sa'yo," umiling si Janice at nagbuntong-hininga. May kinuha siya sa kanyang handbag,"Sign this first."

Kinuha ko ang papel na inabot niya at binasa ito.

"...must follow every rule...well,depende kung anong stakes at nakalagay, baka masira din ang image ko...spend every date...what? Ako gagastos palagi? Further violations will lead to penalties...anong penalty? Parang puro benefits mo lang-"

"Kala ko ba 'whatever the stakes are'?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Yeah. Right. Sinabi ko nga 'yun and I'm a man of my word. Pinirmahan ko ang dalawang dokyumentong nakalatag sa harapan ko at tinignan si Janice na nakangiti na sakin.

"Signed. Sealed. Girlfriend."

Inabot niya ang kanyang kamay at nakipaghandshake ako sa kanya. Ganun kadali at ganun kabilis. Now I got my first girlfriend.

Ang KontrataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon