Rule No. 4: "Never ask personal questions."

366 16 3
                                    

Aminin ko, never pa kong nagkagirlfriend. Actually, never pa kong napasok sa kahit anong relasyon with the opposite sex (lalo na sa SAME SEX). I was never interested in love. Maybe sa sobrang focus ko na din in keeping my academic performance top-notch. Everytime na makakapanuod ako ng movies or TV shows about it, nililipat ko na lang sa ibang channel dahil alam kong maaksaya lang ang oras ko sa panunuod ng mga ganon. Love? Ain't nobody got time for that.

Until the time na na-curious ako. I researched many things about it yet I still don't understand it. It's beyond the books daw. Love is blind daw. Love is for the betterment of each other daw. I calculated it very carefully and thrice I computed it: hindi ako magkakamali kapag pumasok ako sa isang relasyon. But then, what's this unexpected variable na pumipigil saking mag-isip ng maayos? What is this weird feeling?

It was the first time that a girl cried in front of me personally.

Para akong statue habang nangyayari 'yun. Tahimik lang na nanonood at hindi alam ang gagawin. Wait, nakabasa na ba ako ng libro about sa paghandle ng mga umiiyak na babae? No. So ayun, para akong palaka na nakanganga at walang magawa.

"Just tell the problem Janice." Malamang hindi niya ko maririnig sa mga pag-iyak niyang ginagawa. 'Di ko na talaga alam ang gagawin. Inabutan ko na lang siya ng panyo para kahit papaano ay meron siyang pampahid sa mata niya.

"Thanks."

Ilang sandali ng pagpupunas at nakatahan na rin siya. Humarap sakin ang isang magandang babae na nakangiti at pugto ang mga mata. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sumandal sa balikat ko.

Damn. This feeling again.

"Ba't ka ba umiiyak?"

"Naalala ko lang 'yung naghihintay na prinsesa sa isang castle. Nag-iisa lang siya dun pero hindi siya umaalis. Hindi siya umaalis dahil alam niyang darating ang Prince Charming niya."

"Fairy tales?"

"Yes. Akala ko nga kanina 'di na darating ang Prince Charming ko. But then, niligtas mo ko gamit ang iyong handkerchief! My knight in shinning armor!"

Lalo siyang sumandal sa balikat ko at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Napangiti ako.

"Ilang taon ka na ba? You still believe in fairy tales?"

Hinampas niya bigla ang braso ko't nanlaki na naman ang kanyang mga mata.

"Bastos ka! Rule No. 4!"

"Um,rule no. 4?"

"'Never ask personal questions.' Hindi mo ba talaga binabasa 'yung contract?"

Nginitian ko na lang siya. Yeah, never ko pa ngang binasa 'yun ng maayos. Umayos ng upo si Janice at humarap sakin.

"Alam mo ba na isa ang edad sa mga hindi dapat itinatanong? It's common courtesy at hindi na dapat alamin ng mga tao."

"Sorry."

Napatitig sakin si Janice sa sinabi ko. Kahit ako ay nagulat din. Bakit bigla na lang akong nag-sosorry?

Kinuha ni Janice ang bag niya at tumayo,"Let's go. Hatid mo ko samin."

Sa kanila...wait,what?

"Sa inyo? You mean pupunta tayo sa bahay niyo?"

"Did I stutter?"

Wala na kong nagawa,sumunod na lang ako sa kanya.

Ginugulat talaga ako nitong babaeng 'to. Ang usapan lang namin is class-to-class,recess-to-lunch, pero school-to-home? Now that's beyond the contract. Could it be...?

"Nice one Kevin!"

"Lupit mo bui!"

Hindi ko na pinansin ang mga 'hapless' romantic na tuwang-tuwa na naman samin ni Janice. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Lutang na lutang naman ang pakiramdam ko. Para bang kapag kasama ko siya, ayoko ng-

"Hey."

Crossed-arms at taas na naman ang isang kilay, masama ang tingin ni Thea ng nilampasan namin siya. Napakagat na lang siya ng labi ng sinagot ko ng ngiti ang kanyang pagkainis.

Ang alam ko lang ay hindi na ko nag-iisip. Ito nang mga sandaling 'to ang gusto ko. Ang magkasama kami. Ang hawak niya ang kamay ko. Ang amoy ko ang napakabango niyang amoy. Ang minamasdan ko ang-

"Hey."

Nasa bahay na pala nila ako at nakaupo sa. Isang maliit na apartment na may maliliit na mga upuan sa harapan at mababang gate. May kaunting halaman sa paligid ng kabahayan at mukhang malaki naman ang loob ng lugar. Sa harapan ko ay nakatayo si Janice at nakangiti, hawak-hawak ang isang batang babae. Nginitian ko ang batang kasama niya.

"'Di mo sinabi na may kapatid ka pala?"

"She's my daughter."

Mukhang nahihiya ang maliit na batang babae sakin, "Kamukhang-kamukha mo 'yung kapatid mo oh!"

"Yeah, of course! Like mother like daughter 'di ba?"

Napatawa ako,"What are you saying?" Napatawa rin si Janice at binuhat ang bata.

"Kevin, anak ko siya."

Buffering. Buffering. Buffering.

I just can't believe it. Now I know. Rule No. 4: never ask personal questions.

Ang KontrataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon