Rule No. 2: "Respect each other."

419 17 4
                                    

Naging mabilis ang pagkalat ng balita. Kevin and Janice: the perfect couple. Inaasahan na daw nila 'yun, and just like any other of my equation, expected ko na positive ang results.

First week ay ayos naman kami, kailangan ko na ring hatiin ang schedule ko para mabigyan siya ng time, which means siya ang mago-occupy ng lahat ng free time ko dati.

One lunch, we had this very interesting conversation.

"Men are born to be polygamous,maniniwala ka ba dun?"

Matignan nga kung makikipagdebate 'to sakin.

"You're generalizing,"ang sagot ni Janice, habang pinupunasan ang kanyang labi ng tissue,"Sabihin na nating men are born with that kind of nature pero hindi lahat ay nananatiling ganun."

"How about...men are more superior than women. Hindi na magbabago 'yun."

"You're generalizing again, try niyo ngang manganak ng malaman natin kung sino mas superior."

"Pero mas maliit ang utak niyo samin. That's a fact."

"So now you're saying na bobo ako?"

"I'm just saying you're more inferior than me."

"What's your point then?" Tumitig na siya sakin.

"My point is that women are left with the lowest work in the society. For example, mag-stay sa bahay at alagaan ang mga anak."

Nakatitig lang si Janice sakin. Hindi ko na naman mabasa ang kanyang emosyon.

"In conclusion, yes, you're more inferior than me."

Umiling si Janice at napabuntong-hininga. Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo,"Thanks sa panlilibre. Hayaan mo next time ako na magbabayad, if your head is getting inflated dahil ikaw ang nagbabayad ng kinakain ko. Try to give some respect, jerk."

Umalis na lang siya bigla at iniwanan akong kumakain mag-isa. Biglang bumalik si Janice.

"Rule no. 2. If you want this relationship to continue."

Respect each other: rule no. 2. Pero what's wrong ba in making a stand? Tama naman lahat ng sinabi ko 'di ba? But no, hindi pwedeng mangyari 'to. Masyadong mabilis kung matatapos agad ang contract. Walang maayos na closure at baka masira ang image ko sa mga made-up rumors at gossips ng mga haters ko diyan. Hindi pwedeng-

"Hey."

Sa pagmamadali ng paghabol ko kay Janice ay hindi ko napansin na katapat ko na pala si Thea na hinaharangan ang daan ko.

"Get out of the way underling-"

"Kevin, may sasabihin ako sa'yo."

Itinulak ko siya pero hinawakan niya pa rin ako sa braso. Mukhang seryoso at desidido si Thea.

"What? C'mon, tell me!" Inalis ko ang kamay ni Thea sa braso ko. Baka hindi ko maabutan si Janice.

"Ano bang alam mo kay Janice?"

"Well, duh, everything?" Sana makuha niya ang nilagay kong sarcasm na nilagay ko sa boses ko.

"As in lahat?"

"Yes, yeah, of course! Bakit ba?"

"I don't believe you."

"So don't believe!"

Curses. Wala akong time para sa mga ganyan. Iniwanan ko na si Thea na alam kong nakatingin pa rin sakin.

"You don't know everything Kevin!"

Look who's talking. Alam kong nagiisip na naman ng paraan si Thea para magfail ang mga plano ko. Alam ko naman na ang gusto lang talaga niya ay mapatunayan niya na nagmimiscalculate din ang mga equation ko.

Pero habang naglalakad ako, may sumingit sa isip ko. Alam ko nga ba lahat tungkol kay Janice?

Ang KontrataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon