The Last Rule

516 21 30
                                    

Sinabi niya naman sakin lahat-lahat. The reason why na pumayag siya makipagkontrata. The reason why she made all those rules. It's all because of her daughter and the father. She needs companion kasi iniwanan siya ng tatay ng anak niya while providing all those rules para hindi ako masyadong mapalapit sa kanya. Pero kahit siya ay nagulat dahil siya mismo ay nagbreak ng sarili niyang rules. She never thought she would trust me that much. Rules are made to be broken and 'di rin niya mapigilan na iopen-up sa iba ang problema niya. Now she left me a choice; to terminate or to continue the contract kahit ano man ang mangyari until the end of the semester. It's like three months na lang naman and what's wrong naman in having a daughter? Like, who else know?

Thea. Althea Sebastian.

She's the number one stalker here on the university. Pwede na nga siyang maging detective dahil sa galing niyang maghanap ng impormasyon. Marami siyang alam even the deepest and darkest secret na tinatago ng isang tao. Siya nga lang ang nakapansin na never pa kong nagka-love life pero never niya kong na-blackmail dahil wala siyang mapapakitang ebidensiya. Poor, desperate Thea. I would like to praise her by the way, I was wrong for the first time.

Slowly, natanggap ko na naman siya. So what if she got a child? Gusto ko lang naman ay matapos ang contract before siya lumipat next semester. As long as the secret is safe and no other problem arrives, it'll end fine in no time.

Until dumating siya. The one and only father.

Matangkad at malaki ang katawan, he's one of the most formidable guy na nakita ko in terms of physical qualities. Taller, darker and more handsome. He can be the guy, a girl always dreamed of. Of course may reason ang pagsulpot niya, that is 'manggulo' and sirain ang takbo ng kontrata.

Una ay nagpapakita lang siya at mag-eexcuse muna si Janice para kausapin siya. Pangalawa ay hindi na ko makalapit dahil masama na ang tingin niya at laging seryoso ang pinag-uusapan nila. Pangatlo ay bigla na lang hindi na pumasok si Janice.

Bumalik na daw siya sa mga parents niya sa Makati kasama ang anak niya. Bakit biglaan? Bakit napaaga? Isa lang ang pumasok na sagot sa isip ko: dahil sa lalaking 'yon o dahil may nagkalat ng sikreto niya.

"Kevin."

'Di ko napansin na nakatulala na pala ako sa bintana ng corridor at kanina pa si Ronnie sa tabi ko.

"Pre, balita mo ko may anak na pala si Janice ah."

Stop. Just stop. San niyo ba na naririnig 'yan?

"Sino ba nagsasabi sa'yo nan?"

"Buong school pre,"hinawakan ni Ronnie ang balikat ko nag-aalalang tumingin sakin,"Hindi mo rin ba alam?"

Thea. Althea Sebastian.

Ang babaeng 'yon. Alam ko na kung bakit napaaga ang uwi Janice. Curses. Curses! Alam kong si Thea ang nagkalat ng issue na 'yun simula pa lang. Alam kong gusto niyang sirain ang well-earned, well-kept image ko. Alam ko naiinggit lang siya dahil ako eh may experience na samantalang siya ay wala pa rin. Ang nag-iisa kong kaaway. Ang-

"Hey-"

Nag-iisang nakaupo at nagbabasa sa classroom, hinawakan ko si Thea at itinayo siya sa sobrang galit ko.

"YOU FLETCHEROUS, FLETCHERING FLETCHER OF FLOUTING FUNGUS OF THE FOULEST FUC-"

"YOU'RE HURTING ME!"pinipilit umalis ni Thea ngunit masyadong mahigpit ang kapit ko sa kanya.

"I KNOW! I KNOW IKAW ANG NAGKALAT NUN, YOU ENVIOUS BASTARD-"

"-ANO BA SINASA-"

"-NAIINGGIT KA LANG KASI AKO MAY GIRLFRIEND NA WHILE SA'YO AY WALA MAN LANG NAPATOL-"

"UI PRE!"

Biglang dumating si Ronnie at inawat kami. Humarang siya sa gitna namin ni Thea at humarap sakin.

"GET OUT OF THE WAY LOSER-"

"Kevin! Tumigil ka!"inaawat pa rin ako ni Ronnie pero desidido talaga akong saktan si Thea sa kahit anong paraan na pwede. Hinarap ko muna si Ronnie.

"ANO BANG PAKIALAM MO?"

"Boyfriend niya ko kaya may pakialam ako!"

Siguro, may mga bagay talagang hindi mo makokontrol o makacalculate. Mga unexpected variables na magkacome up sa mga equations mo. Hindi na ko makapagsolve ng mga problems ng maayos. Hindi na naman ako makapagmemorize ng mga formulas. Ang naaalala ko lang ay si Janice at ang napakaganda niyang ngiti. Ang mga haplos niya sa mga kamay ko. Ang amoy niya na hindi na umalis sa isipan ko. Simula ng nawala siya ay parang nawalan na rin ako ng parte ng katawan ko. Parang isang bacteria na dumami at kinain ang katawan ko. Ganun ang naging epekto ni Janice sakin.

"Hey."

Kanina pa pala ako pinagmamasdan ni Thea habang nakatulala ako sa tapat ng bintana ng corridor. For the first time ay nakita niya ang mukha ni Thea na nag-aalala.

"Miss mo na siya, alam ko."

Gusto kong sabihin na wala siyang alam sa nararamdaman ko, pero again, tumama siya.

"Kayo ni Ronnie..."

"Last week lang naging kami. And anyway, I will not say sorry kasi wala naman talaga akong ginawa."

Tahimik lang ako, naguguluhan kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman sa ngayon.

"It was the guy. 'Yung lalake 'yung dahilan kung bakit umalis si Janice. Then obviously, kumalat na din 'yung issue gawa nun."

Tinignan lang ako ni Thea, kagat-kagat lang ang kanyang labi at nanliliit na naman ang mga singkit niyang mata.

"Kevin...hindi lang isip palagi ang dapat pinapagana. Minsan kailangan nating gamitin ang puso para maintindihan ang ibang bagay."

Siguro nga hindi ko alam lahat. Siguro nga hindi lahat ay pwedeng kalkulahin o planuhin. Minsan iba talaga ang nagiging sagot at may mga bagay na bigla-bigla na lang sumusulpot. Napapaisip talaga ako nung mga panahon na 'yun: pano kung pinigilan kong umalis si Janice? Pano kung nilapitan ko 'yung lalake na 'yun at sinabihan ko na tumigil na siya? Mga bagay na pwedeng magpabago sana sa resulta ng lahat kung ginawa ko lang.

Pero huli na ang lahat. Nangyari na. Para saan pa ang pagsisi ko? Para saan pa mga pinagdadaanan ko ngayon? Katulad ng kahit anong pangyayari, lilipas din 'tong pinagdadaanan ko ngayon.

Ang sakit nga lang. Damn, it just freaking hurts. Tatapon ko na lang ba lahat 'tong nararamdaman ko para sa kanya?

Tapos na ang finals at nag-aayos ako ng kwarto. Papasok na naman ang bagong semester kasabay ang matataas kong grades at bagong mga natutunan. Nakakatuwang isipin na mas pinanghahawakan ko pa ang itinuro sakin ni Janice kaysa sa mga napag-aralan ko. Ang pakiramdam na natagpuan ko tuwing kasama ko siya. Ang mga alaala na naiwan nung nawala siya. Lahat 'to, mas itinatago ko pa kaysa sa mga napag-aralan ko.

Sa paghahagulap ng mga papel at basura ay nakita ko siya; ang pirmadong kontrata naming dalawa. Kung tutuusin nga ay hindi ko pa nababasa ng maayos ang papel na 'to. Isang dokyumento na may sumpa at mga batas. Mga batas na hindi ko rin naman nasunod lahat.

Alam ko ginawa niya rin 'tong mga batas na 'to para 'di kami maglapit masyado. Ginawa niya lahat 'yun para maging pormal at maayos ang kasunduan namin. Aminin ko, nagkamali talaga ako, at marami-raming pagkakamali 'yun. Dapat ko bang pasisihan ang mga pagkakamaling 'yun? No. Because I learned and I learned that sa mga pagkakamali ka talaga matututo ng marami.

In the end, ang kontrata ay isa lamang piraso ng papel na may sumpa, pirma at mga batas. Mga rules na kahit siya ay hindi din namin nasunod. Sa lahat ng rules ng isinulat niya dito, ito lang ang talagang tatandaan at panghahawakan ko. The fith and last rule:

"Don't fall in love."

Ang KontrataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon