Rule No. 3: "Stay sweet."

334 14 3
                                    

Dalawang linggo na ang nakakaraan nung inalok ko si Janice na maging girlfriend ko. It was just a business really. Takot ang karamihan ng mga lalaki sa school na lumapit sa kanya at wala rin naman siyang barkadang babae na lagi niyang makakasama dahil sa kadahilanang hindi ko rin alam.

So ayun, isang araw ay lumapit ako sa kanya, kinausap siya casually and then, diresto alok na ng deal ko sa kanya. After minutes of convincing and chitchats, pumayag din siya.

Pero ano bang alam ko sa kanya?

Hell, I never knew anything about her. Family? Age? Hobby? Nothing. I just know her name and vital statistics. ‘Di ko nga rin alam kung ano ang religion niya or political views. For me, I just look at her as a business partner. Kakontrata at wala ng iba.

Ang masama lang dun, matatapos na lang ata bigla ang kontrata dahil sa hindi ko pagpapakumbaba.

Never pa kong nag-sorry sa isang babae. Why? Kasi kahit sa nanay ko, hindi pa ko nagkakamali. I'm always right and I'll always be. Pero hindi pwedeng mangyari 'to. Ilang araw na ang nakakalipas at hindi pa rin ako kinakausap ni Janice dahil sa nangyari last time.

"Ui ano Kevin? LQ?"

Napansin agad nila Ronnie na lumalayo si Janice sakin. I knew it. Lahat ng tao sa campus ay pinapanood kami. I have to say something para hindi naman magkaroon ng false issues.

"No, no, may period lang siya. Sabi niya it's better to stay away muna."

"Ah! Oo nga pre, layo-layo ka muna," sinulyapan ni Ronnie si Janice na nagsusulat sa aming likuran,"Pero 'di ba dapat hindi mo iniiwanan ang girlfriend mo kahit may period?"

Nosy. Nosy people. At least totoo sinabi niya. I have to say sorry. Damn, for the first time I'll be sorry! Hindi rin ako makapagconcentrate sa pagmememorize ng formulas gawa niya, so I think it's better nga na magsorry na ko.

Just like before, bago ko siya inalok na maging girlfriend ko, nilapitan ko ulit siya na para bang hindi kami magkakilala.

"Sorry."

Hindi man lang siya tumingin at nagpatuloy lang na magbasa. Para na namang librong sarado ang mukha niya.

"For what?"

"For me, being a jerk."

Hindi pa rin kumikibo si Janice.

"I want the contract to continue."

Sinara bigla ni Janice ang libro at tumingin sakin.

"I need you."

Hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha ni Janice.

"Ano ba, I can't read you, you're like plain, white wall. Kung-"

"Stop."

Hinawakan niya bigla ang kamay ko,"Rule no. 3."

Bumalik siya sa pagbabasa na para bang walang nangyari. Hinayaan lang niya na nakapatong ang kamay niya sa kamay ko. Just like that?

With no words ay hinatid ko siya sa next class niya. Napansin ko rin pala na magkahawak ang kamay namin buong lakad. Ano 'tong feeling na 'to?

"See you later."

Lumapit siya at humalik siya sa pisngi ko. Napahiyaw ang ibang taong nakakita samin. Pinakita niya muna ang kanyang napakagandang ngiti at bumitaw na para pumasok sa classroom. What's this feeling? Parang gusto kong sumigaw. I feel tingles all over my body. Ang bilis din ng tibok ng dibdib ko, ano-

"Hey."

Nagulat na lang ako kay Thea na nasa harapan ko. Kanina ko pa pala hinahawakan ang lugar kung saan humalik si Janice.

"So alam mo na ba?"crossed-arms at taas na naman ang isang kilay, nasa harapan ko na naman si Thea para manggulo.

"Alam ang alin?" Napakamot na lang ako ng ulo.

"Kevin! Hay nako, I know you're the most arrogant pero the stupidest din?"

"What the. Look who's talking."

"Look at yourself,"kinagat ni Thea ang labi niya,"Marami ka pang hindi alam kay Janice."

Nakakainis na talaga. Pero sige, we'll try again. I'll prove her wrong like I'm always doing,"Okay. Ano bang alam mo?"

Tumingin sa paligid si Thea at inayos ang kanyang salamin,"Are you sure na wala pang anak 'yang girlfriend mo?"

What the.

"A-a-anak?"

Tinaas lang ni Thea ang kanyang balikat. Malakas ang tripping mood ni Thea ngayon.

"Thea, of all the things that you said, 'yan na ang pinaka-"

"Fine! So don't believe!"

Nagwalk-out na lang bigla si Thea. Tinawanan ko na lang siya sa malayo.

"It's happening Thea! Face it!"

It’s the worst try na ginawa ni Thea so far para magfail ang mga plano ko. Siguro nagiging desperado na talaga siya. Pero madaling nawala ang isip ko sa mga sinabi niya.

Tinignan ko ang kamay ko na hinawakan ni Janice. Rule no. 3: Stay sweet. And ano kaya 'yung feeling na 'yun? Could it be...

...love?

Ang KontrataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon