Si Juan and Pedro

81 4 4
                                    

Si Juan and Pedro


Juan: Ilang araw na akong hindi natutulog.

Pedro: Ha? Hindi ka ba inaantok?

Juan: Hindi naman. Natutulog naman ako sa gabi eh.

*   *   *

Juan: Kung nasa pilahan ka ng ticket sa airport at yung lalaking nasa harapan mo ay pupuntang Amerika at yung babae sa likod mo ay papuntang China, san ka naman pupunta?

Pedro: Hindi ko alam.

Juan: Kung hindi mo alam, bakit ka nakapila dun?

*   *   *

Juan: Nabalitaan mo na ba? Nabalitaan mo na ba? Yung nakalagay sa itaas ng bahay niyo?

Pedro: Hindi pa. Anong nasa itaas ng bahay namin?

Juan: Bubong.

*   *   *

Juan: Anong ibibigay mo saakin sa birthday ko?

Pedro: Pumikit ka. Anong nakikita mo?

Juan: Wala

Pedro: Kung anong nakikita mo, yun ang regalo ko sa’yo.

*   *   *

Juan: Kaya kong patunayan na wala ka dito.

Pedro: Baliw ka ba? Eh nakikita mo na ngang nandito ako.

Juan: Papatunayan ko. Nasa Canada ka ba?

Pedro: Wala

Juan: Nasa Japan ka ba?

Pedro: Wala

Juan: Nasa Korea ka ba?

Pedro: Wala

Juan: Kung wala ka dun ibig sabihin nasa ibang lugar ka, diba? Kung nasa ibang lugar ka edi wala ka dito.

*   *   *

Juan: Pustahan tayo. Kaya kong ipabanggit sa’yo yung salitang “black”

Pedro: Sige ba. Game!

Juan: Anong kulay ng watawat ng Pilipinas?

Pedro: Red, blue, white at yellow.

Juan: Oh! Sabi sa’yo babanggitin mo ang salitang “black” eh! Amin na yung bayad mo sa pustahan.

Pedro: Pero di ko pa binabanggit ang salitang “black”

Juan: Nabanggit mo na.

*   *   *

Juan: Bakit mo ako tinawag na bingi at tanga?!

Pedro: Hindi kita tinawag na bingi.

*   *   *

Juan: Pedro napaisip ako. Ilang taon kaya kayang mabuhay ng isang taong walang utak?

Pedro: Ilang taon ka na ba?

*   *   *

Pedro: Anong oras na?

Juan: Wala akong alam.

Pedro: Alam ko namang wala kang alam, pero anong oras na nga?

*   *   *

Pedro: Bakit ka nagswi-swimming ng naka jacket?

Juan: Malamig kasi.


XD    XD     XD

Wag slow. ‘Di ka pagong.

♥—Kwin

Maisan sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon