Random Sheets
“Marunong ka bang magbasa at magsulat?” tanong ng Teacher kay Juan
“Marunong akong magsulat” sagot ni Juan “pero hindi ako marunong magbasa”
“Ganun ba. Sige, isulat mo nga ang buong pangalan mo”
Nagsulat si Juan at pagkatapos ay ibinigay sa teacher.
“Ano ’to?” tanong ng guro na sinusubukang intindihin ang nakasulat.
“Hindi ko alam” sagot ni Juan “sabi sayo eh, hindi ako marunong magbasa”
* * *
Salesman (sa tapat ng isang bahay): Bata nasa bahay ba ang nanay mo?
Ineng: Opo
Salesman (pagkatapos kumatok ng kumatok pero walang nagbubukas): Akala ko ba nasa bahay ang nanay mo?
Ineng: Oo nga po, nasa bahay siya pero hindi naman ako dyan nakatira e.
* * *
Ineng (sa phone): Wala po dito yung mama ko.
Caller: Yung papa mo?
Ineng: Wala din po.
Caller: Sinong iba pang pwede kong makausap?
Ineng: Yung kapatid ko.
Caller: Sige, pakausap sa kapatid mo.
Ineng: Sige (After 10 minutes) Pasensya na hindi niyo po sya pwedeng kausapin.
Caller: Bakit naman? Importante itong sasabihin ko bata.
Ineng: Hindi ko po siya mabuhat mula sa crib niya eh.
* * *
Librarian: Sssshh! Hindi nakakapagbasa yung katabi mo.
Student: Hindi naman pala siya nakakapagbasa eh bakit nandito siya sa library? Utak sana noh.
* * *
“Hello?”
“Hello”
“Si Juan ba ’to?”
“Oo, si Juan ’to”
“Sigurado ka ba?”
“Oo, sigurado ako”
“Kung ganun, ako ito si Pedro. Pautang nga ng 1000 pesos Juan”
“Sige sasabihin ko kay Juan pag nakauwi na siya”
* * *
Tumawag si Nene sa airline agency
“Gaano po katagal ang byahe papuntang amerika?”
“Saglit lang po...”
“Salamat” at binaba na ni Nene
* * *
Juan: Eto ba yung tinatawag niyong abstract arts?
Artist: Hindi po. Salamin ’yan.
* * *
“Hindi ako tumawag nag nagtotono ng piano”
“Hindi nga ikaw. Yung kapitbahay niyo”
* * *
Nanunod sila Juan at Pedro ng palabas sa sinehan tungkol sa karera ng kabayo.
“Pustahan tayo Juan, yung number 3 ang mananalo”
“Sige Pedro. Ako hula ko ay number 8”
Pagkatapos ng palabas, nanalo nga ang number 3. Binigay na ni Juan ang bayad kay Pedro.
“Hindi ko matatanggap yang pera” sabi ni Pedro “Aamin na ako. Napanood ko na kasi yang palabas na yan kahapon”
“Napanood ko na din” sagot ni Juan “pero hindi ko naman alam na ganun kagaling yang kabayo na yan para manalo na dalawang magkasunod na beses”
* * *
First Invisible Man: Namiss mo ba ako nung umalis ako?
Second Invisible Man: Umalis ka?
* * *
He: I can’t leave you.
She: Ganun mo ba ako kamahal?
He: Hindi. Inaapakan mo kasi yung paa ko.
* * *
Police: Bakit nakawala yung magnanakaw? Binantayan niyo ba lahat ng entrance?
Guard: Oho pero niloko kami! Sa entrance lumabas eh!
* * *
Nasa ilalim ng dagat ang isang diver ng makatanggap siya ng message mula sa bangka nila sa itaas
“Bumalik ka na dito! Lumulubog ang bangka! Baka malunod ka!”
* * *
P.S
Narinig ko ito sa homily ni Father nung nagsiimba ako. This is a joke but there’s a lesson in this. =)Sumakay ang isang guro sa bangka papunta sa kabilang isla. Dahil matagal ang byahe, nakipagkwentuhan siya sa bangkero.
Guro: Magaling ka ba sa English?
Bangkero: Hindi ho.
Guro: Eh sa Math?
Bangkero: Hindi din ho.
Guro: Eh sa History magaling ka ba?
Bangkero: Hindi din ho.
Guro: Hindi ka magaling sa English, Math at History? (Tumawa siya) Alam mo na dahil dyan nawala na ang kalahati ng buhay mo?
Bangkero: Eh kayo po ba marunong maglangoy?
Guro: Hindi, bakit?
Bangkero: Dahil dyan mawawala na ang buong buhay mo dahil lulubog na ang bangka.
XD XD XD
Matuto kang magpakumbaba lagi kahit hindi ka kuba. =D Be humble all the time guys. =)
♥–Kwin