@Walang-Gumagaling Hospital
Doktor: Mas maayos na ang pag ubo mo ngayon.
Pasyente: Buti naman kung ganun. Magdamag akong nag practice e.
* * *
Doktor: Huminga ka ng tatlong beses.
Pasyente: Para po ba macheck up niyo yung lungs ko?
Doktor: Hindi. Para malinis ko yung eye glasses ko.
* * *
Doktor: Anong problema?
Pasyente: Nakalunok po ako ng orasan.
Doktor: Ha?! Bakit ngayon ka lang nagpatingin?!
Pasyente: Ayoko po pong ma-ALARM-a ang kahit na sino eh.
* * *
Doktor: May problema ka ba sa pagde-desisyon?
Pasyente: Uhmm. Meron at wala.
* * *
Doktor: Kailangan mong magsuot ng salamin.
Pasyente: Pero nakasuot na po ako ng salamin.
Doktor: Kung ganun, ako pala ang kailangan na magsuot ng salamin.
* * *
Doktor: Kinuha mo ba yung temperatura ng pasyente?
Nars: Hindi Dok! Bakit nawawala po ba??
* * *
Pasyente: Nagsimula yung pagsakit ng tiyan ko nung kumain ako ng tahong.
Doktor: Hindi pa ba bulok yung tahong na kinain mo?
Pasyente: Hindi ko po alam.
Doktor: Hindi mo ba napansin nung binuksan mo?
Pasyente: Binubuksan ba yun??
* * *
Doktor: Kamusta ka na?
Pasyente: Ayos na po. Ang problema nalang ay yung pag hinga ko.
Doktor: Ganun ba? Sige, gagawan natin ng paraan para tumigil yan.
* * *
Pasyente: Dok, tama ka. Nakakalakad na nga ako.
Doktor: Buti naman. Kelan ka pa nakalakad?
Pasyente: Simula nung benenta ko yung kotse ko para mabayaran kayo.
* * *
Pasyente: Dok tulungan niyo po ako. Naging makakalimutin na ako.
Doktor: Kelan pa yan nagsimula?
Pasyente: Nagsimula ang alin?
* * *
Doktor: Anong problema?
Pasyente: Feeling ko po kasi aso ako.
Doktor: Kelan pa?
Pasyente: Simula nung tuta pa po ako.
* * *
Doktor: Anong ginagawa mo para sa sipon mo?
Pasyente: Wala po.
Doktor:Bakit wala?
Pasyente: E sya nga wala ding ginagawa para sakin e. Quits lang kami.
* * *
Pasyente: Doktor may tumutubong kangkong sa butas ng tenga ko!
Doktor: Hala! Paano nangyari yun?
Pasyente: Yun nga po ang hindi ko alam. Kasi kalabasa naman yung tinanim ko.
XD XD XD
P.S
Si Mr. Walang at Mrs. Gumagaling yung may ari nung hospital =D
♥—Kwin