@Walang-Kwenta School
Teacher: Pag inadd mo ang 150 sa 200 tapos dinivide mo sa 5 at minultiply sa 2, anong makukuha mo?
Student: Maling sagot Mam!
* * *
Student: Mam hindi naman po ata ako karapat dapat dito sa score ba zero.
Teacher: Tama ka. Pero 'yan na ang pinaka mababang mabibigay ko sa'yo e.
* * *
Student: Mam magagalit po ba kayo saakin pag wala akong ginawa?
Teacher: Syempre, hindi.
Student: Buti naman. Wala kasi akong ginawang assignment eh.
* * *
Teacher: Magdrawing kayo ng ring.
(Nagdrawing yung isa ng square)
Teacher: Bakit ka nagdrawing ng square? Ang sabi ko ay ring diba?
Student: Boxing ring po yung akin Mam.
* * *
Pinagsulat ng Teacher ang mga estudyante kung ano ang gagawin nila pag nagkaroon sila ng isang bilyong piso. Lahat ay nagsulat maliban kay Nene kaya nang pinapasa na ay walang sulat yung papel niya.
Teacher: Bakit wala kang nasulat? Samantalang yung iba ay abg haba ng sinulat.
Nene: Kasi po Mam ganyan yung gagawin ko pag nagkaroon ako ng isang bilyong piso-Wala.
* * *
Teacher: Ilang taon ka na nung nakaraang birthday mo?
Student: 7 po.
Teacher: Ilang taon ka sa susunod na birthday mo?
Student: 9 po.
Teacher: Impossible yan. Mali ang sagot mo.
Student: Tama po Mam. Kaka-8 ko lang po ngayon eh.
* * *
Teacher: Kung ang 1+1 ay 2 at ang 2+2 ay 4. Ilan naman ang 4+4?
Student: Ganyan naman kayo lagi Mam e. Kayo sumasagot ng madadali tapos pag mahirap na ako na.
* * *
Teacher: Bakit ka late?
Student: Dahil po sa nabasa ko sa may kalasada.
Teacher: Anong connect? Ano ba yung nabasa mo?
Student: "School Ahead. Slow down"
* * *
Student: Mam tulungan niyo po ako. Namomoblema ako sa Luekemia.
Teacher: Ano?? Bakit may luekemia ka ba??
Student: Wala po. Hindi ko lang alam 'yung spelling.
XD XD XD
P.S
Ang mag asawang Mr. Walang at Mrs. Kwenta-Walang ang may ari ng school. =D
♥-Kwin