August 24, 2015.
Ingay lang mula sa aircon ng puting kwarto kung nasaan ako ngayon lang ang naririnig ko na kinaiiirita ko pa. May nag-iisang bintana na pinagmumulan ng liwanag ng araw, nakahiga ako sa puting kama.
I straightened my arms as my hands tries to reach the window while I am lying on my bed. Nakita ko ang kamay ko na humaharang partially sa mga sinag na galing sa . Nabasa ko ang numbers at sign tattoo sa mga daliri ko.
2 3 : 5 7
Ito na lang ang nagpapaalala kung sino talaga ako.
Ako si Rio Sakurada and I survived the curse of 23:57.
Magta-tatlong buwan na pala simula nang magsimula ang rehabilitation sa akin kaya ako nandito sa loob ng puting kwarto. They bleached my hair. Namimiss ko na ang red cage. Nakulong ako noon dahil sa violation ko sa Shibuya Station nung araw na nakipagsapakan ako sa mga train staff dahil sa mga umatakeng mga multo ng 23:57 incident at naging resulta ng pagkamatay ng kaibigan ko.
Pero makalipas ang ilang lingo kong pagkakakulong sa detention center ay bigla na naman akong hinuli dahil daw may nag report na drug addict daw ako. Alam kong ang mga tattoos ko sa katawan ay nakakatakot pero hindi ibig sabihin noon ay drug dependent na ako agad.
Ang totoo niyan, I was framed as a drug addict and I was forced to have a drug rehabilitation. Imagine, I was just shopping for clothes in 109 Men's Shibuya mall when random police officers arrested me without any procedures? Look, I never just allowed them to just randomly arrest me. I put up a fight but then, I felt a really painful hit on my head and nape! I woke up blindfolded and then here I am, I am inside this really boring white room. Wala akong contact since then. Imagine, first two weeks ko ay parang mababaliw na ako. No visitation rights, no cellphone, no anything. They detained me here with force and I cannot even ask for the help of my guardian. I am a minor! Is this even legal?
Kinukuhanan rin ako ng blood samples araw-araw sa loob ng isang linggo Yes, araw araw. Tapos bibigyan ako ng kakaunting shampoo, maliit na sabon at pagkaing pagkakasyahin ko lang sa ilang araw. Bukod pa sa total torture na ito ay papatayin yata ako ng mga ito.
I was briefed that I am being in a three to four months drug rehabilitation. I was able to talk to a strict nurse. She is the only person who visits me in this white room. She bleached my hair again and again kasi masyado raw makapit ang pink na kulay sa buhok ko at mas maganda kung sisimulan kong ipakita ang tunay na sarili ko as part of the drug rehabilitation process. That's bullshit.
Meaningful pa naman sa akin ang buhok kong pink kasi iyon ang nagpapaalala sa akin na naging malakas ako at one point of my life noong panahong duwag ako. People who color their hair doesn't mean they are hiding their real selves to the public. What if kung ang pagkukulay ng buhok, o pagpapatattoo o pagsusuot ng kakaibang damit ang nagpapakita ng totoong anyo nila? Aren't she just forcing her own idea of "your true self" to me?
BINABASA MO ANG
23:58
HorrorJanuary 27, 2019, apat na taon matapos ang 23:57 incident sa Shibuya Tokyo. Ano na nga ba ang nangyari kay Ayako Mendez at sa kambal na mga anak nila ni Yuuya Kobayashi? Ano na nga ba ang kinahinatnan ni Rio Sakurada at ng iba pang nakaligtas? Magp...