8:10 PM. Private I Café Makati Branch
Ako si Yuuji Kobayashi. Hindi ako si Yuuya Kobayashi. Paglilinaw ko.
"Wah! Grabe Kamukhang kamukha mo si Yuuya." Sabi ng pink haired guy na si Rio sa akin habang tinitignan ako sa iba't ibang anggulo. Medyo nailing ako.
"Di ba 'no, Ayako?" tanong ni Rio sa kasama niyang babae.
"Papa." Sambit ng batang kasama ng Ayako. At ito rin ang sinabi ng batang kasama ni Rio. At nagulat naman ako na may halong pagkailang.
Hindi nakaimik ang babae sa harapan ko habang sinaway niya ang kambal niyang anak sa paglapit sa akin.
"Siya nga pala, siya si Ayako Mendez." Ani ni Rio.
At napatingin kaming dalawa sa dalawang ga bata. Na napansin naman ni Rio kaya naman ay pinakilala niya ito sa akin.
"At ito ang mga anak namin ni Ayako. Tehe!" sabi ni Rio.
Pinandilatan siya ni Ayako a kinurot siya sa braso na agad naman akong napangisi. Panandaliang nawala ang takot ko.
"Joke lang! Ang mga batang ito ay mga anak ni Ayako at ni Yuuya Kobayashi. Na kamukhang kamukha mo." Pagpapakilala ni Rio sa kin sa mga batang kambal "Ang lalake ay si Yue at ang babae ay si Yuki."
Natuwa ako sa kanila dahil mga bibo.
"How old are you?" tanong ko sa mga bata.
"How old are you daw." Sagot ni Ayako habang nakatingin sa mga bata. Agad namang pinakita ng mga bata sa akin ang mga daliri nilang maliliit.
"Ah four! Galing galing naman!" I started with my baby talk.
"Anong magaling dun?" Sagot ni Rio. Medyo epal rin pala itong Rio na 'to no?
"Papa!" sambit ng mga bata sa akin. Agad naman silang pinigilan ni Ayako at sinabing hindi ako ang papa nila. Natatawa naman si Yuna habang nakikita akong naiilang ng kaunti.
Kita ko naman sa muka ni Ayako ang talagang pagkamangha habang nakatitig sa mukha ko pero hindi pa rin siya makaimik.
Well, hindi ko siya masisisi dahil katulad ng kambal na mga anak ng babaeng nasa harap ko...
"Kakambal ko si Yuuya." Anunsyo ko sa kanila.
Na agad namang natigilan si Rio at si Ayako at nanlaki ang mga mata.
"So kakambal mo nga si Yuuya? I knew it!" sagot naman ni Rio sa akin habang natatawa at nakatingin kay Ayako. Nakikitawa naman si Yuna.
"Ikaw naman, ate, kaano ano mo si Yuuya?" tanong ni Rio sa kapatid ko.
"Yuuji. Hindi ako si Yuuya nga." Naiinis akong sumingit.
"Yuuji nga. Bingi mo naman."
Wow.
"Anyway, wag mo siyan i-ate. Mukhang mas matanda ka pa sa kanya." Dagdag ko habang tinitignan ko si Yuna.
"Bakit ilang taon na ba siya?" tanong ni Rio.
"18. Ikaw ba?" Sagot ni Yuna.
"Uhm 18." Mahingan sagot naman ni Rio.
"Wag kang sinungaling 20 ka na, Rio." Pasok naman ni Ayako.
"Hayst. Oh siya, anong pangalan mo." Sabi Rio habang natatawa naman kami ni Ayako sa pangyayari.
"Ako si Yuna. Kapatid ko si Kuya Yuuji." Introduction ni Yuna habang nakaturo sa akin.
"Kapatid mo rin si Yuuya ?" tanong ni Ayako na ipinakita ang polaroid picture ng kakambal ko.
"Nope. He is technically not my brother because.." hindi ko na hinayaang magpatuloy pa magpaliwanag si Yuna at ako na ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
23:58
HorrorJanuary 27, 2019, apat na taon matapos ang 23:57 incident sa Shibuya Tokyo. Ano na nga ba ang nangyari kay Ayako Mendez at sa kambal na mga anak nila ni Yuuya Kobayashi? Ano na nga ba ang kinahinatnan ni Rio Sakurada at ng iba pang nakaligtas? Magp...