5th Incident: Kalahati 半

3.1K 179 188
                                    


AUTHOR'S NOTE:

Hello everyone! 5th chapter na tayo. Oh my goodness! Thank you for supporting and sending in your comments last chapter! Your vote and comment really matters because those are giving me feedback and motivation to writer further. Nakakatuwa basahin ang mga reaction ninyo.

Napasarap ako nang pagsusulat kaya naman medyo mahaba haba ang chapter na ito.

Kuya Ray

· Facebook: raykosen

· IG: raykosen

Let's proceed with the story...


11:58PM. MRT Train.

Bigla na lang akong kinapos ng hininga pero nakatoon pa rin ang atensyon ko sa babaeng magkaiba ang kulay ng mata at may itim at puting awra ng apoy sa likuran niya . Sobra akong hinihingal at para bang nawawalan na ako ng balanse at lumalabo na ang paningin ko. Feeling ko ay napuna na rin ni Yuna ang nangyayari sa aking kaya naman ay kinakalabit niya na ako. Pero hindi ko siya pinapansin.

I am drawn to this lady with yin and yang presence to the point that I must not remove her from my sight.

Patuloy pa rin sa paggamit ng mobile phone ang babaeng ito na pero alam niya na papalapit na ako sa kanya pero parang mas lalo akong nawawalan ng hininga pag mas lalo akong lumalapit.

Nang mga oras na iyon ay itinigil na ng babae ang paggamit ng phone at ibinaling na ang atensyon niya sa akin.

Sumenyas na lang ang babaeng ito na may tinuturo sa likuran ko.

Hindi ko maipaliwanag pero kinilabutan ako. Nanlamig ako na para bang ayokong lumingon sa tinuturo ng babaeng ito. Pero hindi ako dapat matakot!

Nagulat na lang ako nang pagkalingon ko ay may mga naka surgical mask na ang nakasakay sa tren. Sabay sabay silang lumingon at ibinaling ang atensyon sa akin.

Lahat ng nakasakay sa tren ay mga multo...

Alam ko. Nararamdaman kong hindi sila mga tao.

Isa pang ikinagulat ko ay kaya pala ako hindi makahinga ay hindi dahil sa presensya ng babae kundi sa mga kamay na nakasakal sa akin at mga kamay na pumipisil para sumikip ang dibdib ko at tuluyang hindi makahinga.

Nakita ko rin na kaya pala ako kinakalabi ni Yuna ay dahil bihag na siya ng mga multo.

Paanong mangyayari ito eh kanina lang ay may natanggap kaming mga tatsulok na agimat ni Yuna galing kay Rio noong nasa Private I Café kami.

Pero nasaan na nga pala iyon? Inilagay ko lang iyon sa bag namin. Wala na bang bisa ang mga b

At nasaan na ang mga tao? Wait, hindi kaya patibong lang ang pagpunta namin ni Yuna dito?

Hawak hawak na ng mga multo ang kapatid ko at ako naman ay hindi na makahinga.

Nang mga oras na iyon ay pinilit kong gumapang para iligtas si Yuna.

Nang biglang may narinig akong may naglalakad sa likuran ko.

Tak. Clack. Shik.

Napapaligiran na kami ng mga multo at ito na yata ang katapusan namin.

Na-realize ko na ang mga yapak na narinig ko ay nanggaling sa misteryosong babaeng may yin yang energy. Hindi ko na makita ang mukha niya dahil napaluhod na ako at nakatalikod na siya sa akin. Pero kitang kita ako kung paano niya kinalaban ang mga multo nang walang takot. Walang pagdadalawang isip niyang pinaghahawakan ang mga ito at sa ulo. Tama nga ang hinala ko. Ang lahat ng nasa tren at sinapian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

23:58Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon