I'll Be There
Grey's P.O.V.
Excited ako habang naglalakad sa arrival area nung airport. Kakagaling ko lang sa Japan at makikita ko na ulit si Keith..
Nag-decide na kasi ako na umuwi. After kong mabalitaan yung nangyari kina Tito and Tita eh bumalik na ako sa Pilipinas. Hindi naman kumontra sakin si Tito. At isa pa eh gusto kong makumusta ang kalagayan ni Keith.
Almost two years ko din siyang hindi nakita. Kaya naman malakas yung urge ko na makita siya ulit.. Di ko maiwasan na mapangiti.. Makikita ko na ulit siya..
Nag-taxi ako at dumaan muna ako sa grocery. Ipagluluto ko na rin si Keith at the same time.
Isa to sa mga bagay na natutunan ko sa Japan. Busy kasi sina Tita Jena kaya kaming dalawa lang ni Bianca ang parating naiiwan sa bahay kaya naman nag-aral ako magluto.
Alam ko favorite ni Keith yung kare-kare kaya yun yung pinili kong lulutuin ko para sa kanya. Tinuruan pa ako ni Tita Jena ng tamang paraan ng pagluluto para mahuli ko yung lasa na gusto ni Keith.
Sa kanila na muna ako dadaan. Tiningala ko yung mansion nila pagkarating ko sa village namin.
Pero unusually quiet yung bahay. Medyo may kadiliman pa. Nagtaka nga ako dun kung may tao ba dun. Pero nag-door bell pa rin ako..
Ilang minuto rin akong naghintay pero maya-maya pa ay bumukas na yung gate.
Si Keith..
Ngumiti ako sa kanya. Pero nagulat ako nung nakita ko yung ayos niya..
Magulong-magulo yung buhok. Wala sa ayos ang damit. Namumula pa at mukhang may lagnat. Mahigpit din yung hawak niya sa gate dahil tila nanghihina pa siya. Pumayat din siya ng konti at maputla..
Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa kanya nung nakita ko ang sitwasyon niya..
Tumitig siya sakin pero nagulat ako sa titig niya. It was cold, full of hatred and sorrow. Nakita ko sa mga mata niya ang matinding hinanakit at galit..
Then bigla na lang siyang umiyak.. Mas lalong kumirot ang puso ko sa pag-iyak niya.. Nakonsensiya ako dahil iniwan ko siya dito..
"Ivan.." Sabi ko at hahawakan ko sana siya.
Pero bigla siya bumuwelo at sinuntok niya ako. Pero sa pagbitaw niya sa gate eh nawalan siya ng balanse at paluhod siyang bumagsak sa semento.. umiiyak at nanginginig..
"Ivan!" Sabi ko at inalalayan ko siyang tumayo pero tinabig niya ako at kahit hirap na hirap siya eh nagmamadali siyang pumasok sa bahay nila.
Mas lalo naman akong nagulat pagkapasok ko sa bahay nila. Magulong-magulo at halatang walang nag-aayos. Nagkalat kung saan saan ang mga gamit..
Sinundan ko siya sa kwarto niya. Dun ko siya nakita na nakahiga, nanginginig sa lamig at umiiyak. Di ko maiwasan na hindi mapaluha pagkakita sa kanya..
Seeing him suffering breaks my heart.. Hindi ko alam ang exact na nangyari within these past two years.. I just wan to comfort him.. to make him feel safe..
Magulong-magulo din ang kwarto niya.. Kaya inayos ko muna yung mga damit at mga libro na nagkalat. Nung maayos na ang lahat eh umupo ako sa bed niya at sasalatin ko sana siya pero tinabig niya na naman yung kamay ko.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi kay Mama na may sakit ka? Alam ba to kahit nina Tito at Tita?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot.
"Tatawagan ko si Tita Karla man lang. I'll tell her na may sakit ka," sabi ko sabay kuha sa phone ko.
"No," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Committed to Love You [Part 1]
RomanceKeith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to study abroad, naiwanan si Keith to face the problem of a falling family. At sa pagbalik nga ni Grey ay ibang Keith na ang naabutan niya. Hin...