Love Square?

9.6K 375 5
                                    

Love Square?

Nagising ako na namimigat pa ang mga mata. Medyo kinulang ako ng tulog kaya naman drowsy pa talaga ako. Hindi pa tumalab sakin yung alarm clock.

"Anong oras na?" Bulong ko sabay kapa sa alarm clock.

Pero isang kamay ang nahawakan ko.

Kinusot ko yung mga mata ko. Napatalon ako sa gulat.


Si Grey.

Katabi ko sa bed.


Shirtless.

Napasigaw ako at nagtakip ng unan sa katawan ko. Wala rin kasi akong pang-itaas pala.

"GREEEEEEEEEEEEEEYYYYYY!!!!!"

Gumalaw naman si Grey sabay bato sakin ng unan. "Tumahimik ka nga! Natutulog yung tao!" Reklamo niya.

Napatitig lang ako sa kanya. NO. I'm only dreaming. Niyugyog ko yung ulo ko pero nandun pa rin siya. Kinurot ko naman sarili ko pero masakit nga.

"Ba't ka nandito?!" Tanong ko habang naghahanap ng t-shirt sa drawer ko.

"Malamang kasama kita kagabi," sagot niya na bumangon na. Tumingin naman ako palayo habang inaabutan ko siya ng t-shirt.

"Ba't ganyan ang reaksyon mo?" Tanong niya.

"Wala. Ano ba nangyari kagabi?" Alanganin kong tanong.

Tinitigan niya ako.

"Nakatulog ka na habang nandun pa tayo," sabi niya.

"WHAT?!"

"Tapos binuhat kita pauwi sa bahay niyo. Dinala sa kwarto mo, aalis na sana ako kaso-"

"Kaso?" Kinakabahan kong tanong.

Ngumiti naman si Grey. Ngiting pilyo at nakakaloko.

"ANO NGA?!" Irita kong tanong.

"You told me not to leave you. You told me to you know, stay beside you," sabi niya na di mapigilan ang ngiti.

"I- I said those words?" Namumula na naman ako sa kahihiyan.

"Yeah. Ayaw mo maniwala? You want to hear the exact words? Pwede ko ulitin," Tanong ni Grey na suot-suot pa rin ang nakakalokong ngiti niya.

"NO! Shut up!" Sigaw ko naman agad.

Tumitig lang siya sakin, nakangiti pa rin.

"And then?" Tanong ko pa.

"Natulog na tayo. Suot mo pa yung smiley shirt kaya hinubad ko na yun. Masyado na yung babad sa pawis," sabi ni Grey.

"Eh ba't pati ikaw walang shirt?!"

"Trip ko lang. Bawal ba? Tsaka sanay ako matulog na shirtless," sagot niya.

Ewan ko lang kung mas may pupula pa sa pagkapula ko nung mga oras na yun. Gusto ko nang matunaw sa kahihiyan.

"Don't worry. Di naman kita ni-rape o ano," sabi ni Grey.

"How dare you?! Anong akala mo sakin?" Irita kong sigaw.

"But I'll admit, ang kinis mo ah. Talo mo pa balat ng babae. Tsk.. Sayang," sabi niya na nakatingin sakin na parang tagos hanggang buto ang titig.

Grrrrrrrrrr..

Pahabol ko siyang sinundan palabas ng kwarto. Gusto ko siyang balian ng leeg ng wala sa oras. Naabutan naman namin si Ate Jasmine na nasa kusina at nagluluto ng breakfast.

Committed to Love You [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon