Broken and Defeated

10K 439 2
                                    

Broken and Defeated

Keith's P.O.V.

Walang araw na hindi kita inisip. Walang araw na dumaan na hindi ako nag-alala sayo. Walang araw na dumaan na hindi ko hiniling na bigla ka na lang babalik sakin.. Pero umasa lang ako.. Umasa, nabigo, nasaktan.. I'm left with nothing but the crumpled pieces of my heart..

Magmula nung umalis si Grey eh parati na akong nag-iisip sa kanya. Minsan eh tinatawagan ko si Tita Jena pero hindi sa kanya nasasakto ang tawag ko..

"Grey?" Sabi ko sa telepono.

"Ivan!! Kumusta na?" Sagot sakin ni Grey na nasa kabilang linya.

"Okay lang ako. Kumusta na diyan?" Tanong ko naman.

"Okay lang din. Heto medyo busy sa pag-aaral pero nakapag-adjust naman ako na," sagot niya.

"Wala ba diyang umaaway sayo?" Tanong ko.

"Wala naman. Tsaka big boy na ako," sagot niya sabay tawa.

"Sana nandito ka Ivan," sabi niya.

Hindi ako nakasagot.

"Ivan? May problema ba?" Tanong niya.

"Wala. Wala. Ayos lang ako," sabi ko na nagpupunas ng luha.

Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ko ngayon..

Namimiss ko na siya. Hindi sapat ang boses niya para sakin. Gusto ko siyang makita at mahawakan. Gusto ko ng masasandalan.

Sana nandito ka rin Grey.. Bulong ng isip ko. Nung mga panahon kasing yun eh nagsisimula nang magkalamat ang relasyon nina Mommy at Daddy.

Pinaghinalaan ni Mommy si Daddy na nambababae at nasakto pang napag-alaman ni Mommy na may nawawalang mga pera sa kumpanya. Hindi naman pinagbibintangan ni Mommy si Daddy pero mukhang na mis-interpret yun ni Dad. Dun na sila nqgsimulang mag-away na mas lalo lang na nagpalala ng sitwasyon.

Nasa iisang bahay pa rin naman kami nun nakatira. Pero ramdam mo na yung lamig at yung pakiramdam na unti-unti nang bumabagsak ang pamilya niyo. Buti nga at nandun si Tita Jessica para pagaanin ang loob ko.

Hanggang dumating yung araw na kinakatakutan ko..

"Wala lang naman papupuntahan tong pagtatalo na to Karla! Aalis na lang ako!" Sabi ni Dad.

"Sige! Umalis ka! Dun ka tumuloy sa babae mo!" Sagot naman ni Mommy.

Nag-aaway na naman sila nun. At ang malala, mukhang maghihiwalay na sila.

Si Tita Jessica naman eh nasa kwarto ko. Pilit niyang tinatakpan ang tenga ko pero naririnig ko pa rin ang pagtatalo ng parents ko. Iyak lang ako dun ng iyak.. Sumasakit na rin yung dibdib ko..

"Sshh.. Magkakasundo rin sila," sabi niya sakin.

Nung hindi pa rin tunatahimik yung dalawa eh agad namang lumabas si Tita Jessica.

"Alam ko po wala akong karapatang makialam sa pamilya niyo. Pero maawa naman po kayo sa bata! Naririnig niya kayo! Wag niyong hintayin yung araw na magtanim siya ng galit sa inyo!" Sabi niya.

Tumayo naman ako sa may pintuan at tinanaw ko sila.

Dun lang natigilan yung dalawa.

"I'm sorry Jessica," sabi ni Mommy.

Then bumaling siya sakin..

"Tara na anak, sasama ka sakin," sabi niya.

"No. Sakin siya sasama," sabi naman ni Dad.

"Anong alam mo sa pag-aalaga Iñigo?! Dadalhin mo ang anak ko sa kerida mo?!" Sabi ni Mommy.

Pero ayaw kong sumama ni isa sa kanila. Umiiyak akong tumakbo papunta kay Tita Jessica.

"Gusto ko po kay Tita Jessica! Ayoko na po sainyo!" Sigaw ko naman. Niyakap naman ako ni Tita Jessica, tumingala siya kina Mommy at Daddy.

Magmula nun eh parati nang namamalagi sa bahay namin si Tita Jessica. Pero hindi siya madalas sa bahay. Nagtatrabaho din kasi siya sa publishing house. Wala na rin ako nung maids.

Second year high school ako nun. Pero sa murang edad ko eh namuhay na ako ng mag-isa. Bawat hapon na uuwi ako sa bahay eh wala akong madadatnan. Umiiyak na lang ako ng mag-isa. Kapag inaatake naman ako ng heart failure ko eh wala akong magawa kundi magtiis ng sakit.

Napabayaan ko na ang sarili ko at pati na rin ang pag-aaral ko. Madalas na ako nun na magkasakit. Minsan pa eh wala pang nag-aalaga sakin. Mag-isa na lang ako at wala na akong makakapitan pa.

I'm broken, at wala man lang ni isa na tumulong sakin na buuin ulit ang sarili ko.

Doon ko pinakang-kinailangan si Grey. Doon ko siya ginustong makasama ulit. Doon ko gustong marinig ang boses niya. Pero wala. Hindi na siya tumawag pa sakin.

"Hello?" Sabi ko sa phone.

"Hello! Keith!" Si Bianca.

"Oh? Bianca? Kumusta?" Tanong ko.

"I'm fine!" Sabi niya.

"Wala ba diyan si Grey?" Tanong ko.

"He's not here. He's at school. Uhm.. Keith?"

"Yes?" Tanong ko.

"I like him," sabi niya.

"Who?" Tanong ko.

"I like Jian senpai," sagot naman niya.

Dun ako natulala at nabitiwan ko yung telepono. Namalayan ko na lang na dumadaloy na yung luha ko. Baka siguro hindi na siya tumatawag sakin kasi wala na siyang oras na makipag-usap pa sakin. Baka hindi na niya ako kailangan. Kasi nandiyan na si Bianca..

Ang hindi ko lang matanggap eh bakit ako nasaktan ng sobra sobra. Hindi ko mapigilan na mapaiyak. After all these years na magkasama kami ganun na lang niya ako kinalimutan? Sasabihin niya sakin na parati siyang tatawag pero wala.

Magmula nun eh pinilit kong kalimutan si Grey kahit masakit. Wala lang naman akong mapapala kung maghihintay ako sa kanya.

Dun ako nagsimulang magbago. Yung dating masayahin na Keith eh pinalitan ko na ng seryoso at hindi palaimik na Keith. Naging cold na rin ako halos sa lahat at dun na rin ako nagsimulang iniwasan ng mga classmates ko. Wala naman akong kaibigan halos eh..

Lahat ng tao sasaktan ka lang. Yan ang tinatak ko sa isip ko.. Nagmamahal ka lang pero yung ibang tao nagagawa ka pa nilang saktan.. Kaya magmula nun, isinara ko na ang sarili ko mula sa ibang tao.. I isolated myself from the world.. Dahil ayaw ko nang masaktan, ayaw kong madurog yung puso kong dati nang basag..

Hanggang dumating ang isang araw na hindi ko ini-expect na mangyayari..

May lagnat ako nun at as usual eh walang nag-aasikaso sa kin.

May nag door bell..

Kahit nahihirapan ako at umiikot yung paningin ko eh pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa gate..

Pero pagbukas ko nun eh nagulat ako sa nakita ko..

Si Grey, and he's smiling at me.

Pero agad na nawala yung ngiti niya pagkakita niya sa ayos ko.

Tumitig ako sa mga mata niya..

Isa lang ang naramdaman ko nung mga panahon na yun- GALIT. Namalayan ko na lang na dumaloy na yung mga luha ko..

"Ivan.."

Pero humugot ako ng lakas at bwelo saka ko siya sinuntok ng sobrang lakas. Pero dahil mahina ako eh nawalan ako ng balanse at paluhod akong bumagsak sa semento.. umiiyak at nanginginig sa sakit at galit na nararamdaman ko.

Gusto ko ipadama sa kanya kung gano kasakit ang nararamdaman ko.. Kung papano niya ako pinaasa.. Gusto ko ipamukha sa kanya kung pano niya dinurog ang puso ko..

Pagkatapos niya akong iwanan na lang ng basta basta babalik siya? At how dare him to smile at me na parang walang nangyari?

Hindi niya alam ang sakit at hirap na naranasan ko..

Hindi mo alam kung ga'no kasakit sakin na makita ka ulit..

Committed to Love You [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon