#SelosKills

10.1K 389 21
                                    

#SelosKills

Ilang araw na ang nakakadaan pero hindi pa rin maka-get over sa nakita niya si Ate Jasmine. At ang nakakainis, since nung nakita niya na yakap ako ni Grey eh pinagtatanong niya ako ng kung ano-anong mga tanong na hindi ko naman ma-gets.

"Slow ka talaga," sabi na naman niya sakin isang hapon.

"Ano ngang pinagpuputok ng apdo mo?!" Irita kong tanong sa kanya. Nag-aaral kasi ako kaya mataas talaga ang tendency na sumabog ako pag ginambala ako sa mga ganitong panahon.

Tinitigan niya ako, may slight na annoyance ang titig niya sakin.

"Hindi ko alam Kito kung umaarte ka lang o sadyang tanga ka talaga. Akala ko obvious na sa'yo ang lahat," sabi niya na bumaling ulit sa sketches niya.

"What?" Irita kong tanong.

Huminga siya ng malalim. "You really can't sense something?"

Pumikit ako, ilang ulit na kasi niyang tinatanong sakin ang tanong na yan. "Okay. Para matapos na to, sabihin mo kung ano man yang nalalaman mo. Okay na?" Sabi ko.

"Oops. Sorry. Wala ako sa lugar para sabihin kung ano man yun," sagot niya.

"Aaaarghh! Okay! Shut up na Ate Jasmine! Mag-aaral na lang ako!" Sabi ko naman sabay baling sa libro ko.

Ringtone.

Napahawak na lang ako sa noo ko. Hinablot ko yung phone ko.

"NAG-AARAL AKO OKAY?! UNLESS NA SASABIHIN MONG NANALO AKO SA LOTTO PWEDE KITANG MA-ENTERTAIN NGAYON!" Sigaw ko sa phone ko.

"Huy, easy lang, si Grey to," sagot nung nasa kabilang linya.

"Oh ano? Kung mangungulit ka pwes wala akong time. Exams na natin next week!" Singhal ko naman sa kanya.

"I'm just wondering if pwede ka bukas ng gabi?" Alanganin niyang tanong.

"Bukas ng gabi?"

"For a dinner."

"For a dinner?!"

"Na tayong dalawa lang."

"Na tayong dalawa lang?!" Napatayo ako bigla.

"Oh. Inulit mo na lahat kaya don't say "WHAT?!"" Sabi ni Grey.

"You're inviting me for a dinner? NA TAYONG DALAWA LANG?! Are you crazy or what?!" Sigaw ko naman, si Ate Jasmine nagtatakip na ng unan sa tenga niya.

"Please? I just want to hang out with you tomorrow night. Pwede? Payag na, please?" Sabi ni Grey na parang bata.

In spite ng init ng ulo ko sa panggagambala niya, di ko pa rin maiwasan na ngumiti sa tono ng pananalita niya. Agad namang natanggal sa mukha ko yung ngiti nung biglang nagsalita si Ate Jasmine.

"Landi mo."

Binato ko siya ng sofa pillow.

"Sasama ka na?" Tanong ni Grey.

"Uhm.. Well-"

"Thanks! Hintayin kita bukas!" Sabi ni Grey.

"Hindi pa nga ako nagsasa-"

Tut. Tut. Tut.

Bumagsak na lang ako sa sofa.

"Ikaw kasi papayag ka lang naman, ang dami pang dada," sabi ni Ate Jasmine na umalis na mula sa pagkakasubsob niya sa mga unan.

"Hindi ko pa sinasabi na payag-"

"Pero papayag ka pa rin naman di'ba?" Sabad naman niya agad.

Di na ako nakasagot.

Committed to Love You [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon