One

74.9K 933 48
                                    

Sobrang nanibago ako noong umuwi ako.

Wala namang pagbabago sa pilipinas, ganon parin ang paligid at mga tao. Siguro nasanay lang ako sa kaibahan ng LA, dito kasi parang do whatever you want yung paligid eh. Kahit na may mga regulations, pero kahit na ganoon ay sobrang namiss ko dito.

"Oh ayan ha, punong puno na yung cupboard and ref mo, don't starve yourself. Baka mamaya may tumawag samin sabihin bangkay ka na kasi hindi ka nagluluto." sabi ni Kuya habang tinatanggal yung cereals sa paper bag.

"Grabe ka, marunong naman akong magluto!" Angal ko.

"Marunong magluto ng microwavable foods?" pangaasar niya, hinampas ko ito sa braso habang siya'y tumatawa. "Seriously, Kath. Don't forget to eat, okay?"

Nagsalute ako sa kanya ng parang sundalo, way of telling him na susundin ko sya.

Dito kasi nila ako pinatuloy sa Condominium na binili ng dalawa kong kapatid. Pareho kasi silang nasa Amerika dahil doon magko-kolehiyo si Kuya Diego. Nakakuha kasi ito ng scholarship sa UCLA dahil nagbabasketball nito. I'm happy for him, he wanted this and I'm glad he's pursuing his dreams.

Si Kuya Sam naman ay may modelling gigs doon, under na siya ng sikat na management at breakthrough niya ay yung lumalakad sa mga fashion week. Both of them, on their age, have already accomplished something. Minsan nga, naiisip ko na parang na-left alone ako sa dalawa kong kapatid.

I have plans right after I graduate in here too. Meron kasing sponsorship yung SEU sa New York University, as long as I have a good GWA at the end of my course, pwede akong kumuha pa ng isang course sa NYU... all expenses paid by them!

Miya't miya akong pinaalalahanan ni Kuya. Sinisigurado niya na may duplicate ako ng mga susi, na working yung mga locks ng pintuan, na hindi grounded yung mga saksakan. Feel ko nga na para akong 7 years old na iiwan eh! I laughed at him noong seryoso niyang tinitignan yung lock noong pintuan.

He turned his head and looked at me with a furrowed eyebrow "Bakit?"

"Masyado kang seryoso, I won't die in here, kuya! If may emergency, meron ng 911 dito. Para makuntento ka, naka speed dial si Brix sa phone ko!"

Napairap na lamang ang kapatid ko at huminga ng malalim. Nakatira si Brix malapit sa condominium ko, tiwala naman si Kuya doon dahil sobrang lapit na namin sa ulupong na yon. The more time I've spent with Brix, naging kalapit nya na rin yung dalawa kong kapatid. Minsan nga mas malapit pa sya sa dalawang iyon kaysa sa akin.

Lumabas na siya ng pintuan at ako naman ay akmang sasarado na yung pinto, he stopped it na mukhang annoyed na annoyed. "Wala man lang paalam? Mamaya na flight ko tapos sasaraduhan mo lang ako?"

"Tinetest ko lang yung pintuan!" palusot ko, ugh alam niya naman na ayaw ko ng goodbyes eh!

Sinubukan ko pa itong isarado at buksan. "Oh ayan, kampante ka na ha! Wala ng makakapasok sa Unit ko!" sabi ko sa kanya.

Nagpaalam na siya sa akin, sinigurado ko na sandali lang iyon dahil ayaw ko talaga ng matagal na pamamaalam. Baka mamiss ko lang sila, sana naman mabuksan na bukas yung wifi sa unit ko para ma videocall ko sila every night.

Naghanda na din ako ng sarili dahil pupuntahan ko din yung SEU para isunod yung mga requirements ko. Inenroll na kasi ako nina Kuya pero yung requirements di nila mabigay kasi galing pa sa states. Gusto ko din makita yung buong University hindi lang yung nasa picture.

Labinglimang minuto lang yung byahe papunta sa University, buti nalang malapit para kapag mahaba ang breaks ko pwede pa akong makapagpahinga. Pwede din siyang lakarin, pero sa sobrang init feel ko susuko talaga ang lahat.

The Heart Player (Book 2 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon