Fifteen

43.1K 608 53
                                    

Dumating na siya at dala ang inorder namin na pagkain. Nilapag niya ito sa lamesita sa tapat ng aking TV. I opened the foods habang kinukuha nya yung tubig na kukunin nya dapat kanina. Once everything's settled dahil mayroon na ding pinggan, I tried to smell the chicken in front of us, mukha kasing bland.

"It's Grilled chicken with rosemary lemon." sabi niya habang hinihiwa ito at nilagyan ang aking pinggan.

Mas inuna nya pang lagyan ang aking pinggan kaysa sa kanya. Napakagat ako ng labi at nilagyan din ang sakanya kahit na ayaw nya. Sinadya ko talagang marami ang sakanya, he just laughed and let me.

"Akala ko, hindi ka nakain ng ganitong ka-healthy na pagkain"

He grinned, pinasadahan niya din ng kanyang kamay ang kanyang buhok. "I need it for my training." 

"Wala ba kayong training ngayon? Ang alam ko semi-finals na kayo ngayon.

Kumuha ako ng isang chicken breast at tinikman ito. It tastes even better than what it looks like! Saan kaya nya ito inorder? This looks like a homemade food, kasi brown rice and aming kanin at mayroon ding salad. Then some fresh vegetable spring rolls.

"Meron tuwing umaga hanggang hapon, then I'm free at night."

Tahimik kaming kumain na dalawa. Doon ko naisip na what if we started to talk about things tapos hindi maganda ang kinalabasan? We're okay now, at least. Gusto ko sana matagal kaming ganito. I want to appreciate this moment for a while.

"How was it?" tanong niya pagkatapos naming kumain. Uminom ako ng orange juice at ngumiti. "Really Good, parang homemade sya ha." pambiro ko.

He smiled. Hinawi niya ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Malaki nga ang ipinagbago niya, mas mukha siyang naging suplado kaysa noon na kahit papaano kaya siyang iapproach. Then this guy over here is also a celebrity because of his sport.

It's really hard to believe.

"It's actually delivered by my family chef, I did the chicken earlier while he made the others."

I looked at him, shocked on what I heard. Alam kong meron silang personal chefs but him cooking something as delicious as this? Akala ko sinigang lang kaya nya kasi pakulo lang naman ýon! 

"Paano ka natutong magluto? Did Manang or the Chef taught you?" I curiously asked.

Sumimsim din siya ng orange juice. "No, Mom did."

"Oh." Yun lang ang nasabi ko. I forgot what Tita K looks like, kahit yung pictures na nakita ko sa living room nila, hindi ko na maalala.

"Kasi dati noong tayo pa, you don't know how to cook so I thought by learning how to to it, I'll be the one who'll cook for our family." sabi niya pagkatapos uminom ng juice at inilapag ito sa lamesa.

Kung ako yung umiinom, panigurado nabuga ko na yung juice. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kanyang sinabi. I didn't know why it crossed his mind. I don't even know if he's serious right now!

God, give me strenght to improve my trust to other people. I don't know what to believe anymore.

"But it's before. I learned so I could live." Ngiti niya at tumingin sa aking bandang likuran. "Kay Diego ba 'yang gitara na yan?" tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa likuran ko at nakita yung gitara na nakasabit. Hindi na kasi nagagamit kaya parang display nalang. "Yes." sagot ko sa kanya at tumingin pabalik sa kanya. "Gamitin mo?"

"Pwede ba?" tanong niya pabalik.

I laughed, "Syempre naman."

Habang inaayos ko yung mga pinggan namin, kinuha niya sa pader yung gitara. I heard him strum it and a faint 'tsk' came out from his mouth. Noong bumalik ako sa lamesa para punasan ito, nakita kong tinotono niya yung gitara.

The Heart Player (Book 2 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon