Chapter 1

14 0 0
                                    

Tingin

Tipikal na unang araw sa klase, Nakakilala na rin ako ng mga bago kong kaklase pero hindi ko pa sigurado kung sinong magiging mga bago kong kaibigan kasi those familiar faces i saw earlier mga hindi ko naman ka strand so dito ngayon sa classroom wala akong kilala.

Habang nag i-introduce isa isa, may kumalabit sakin kaya bahagya akong nagulat. Hindi sya palangiti kasi ang taas ng kilay nya tsaka naka simangot kahit yung mata nya bagsak kaya nagulantang ako. Hindi nalang ako nag pahalata kaya hinarap ko nalang din ng tuluyan.

"Wala kasi akong kakilala dito sa classroom... I bet ikaw rin?" Sabay ngiti nya sakin. Mas maganda kapag nakangiti sya. Hindi sya gaano ka-intimidating.

"Ah. Oo. Kakalipat ko lang galing manila kaya wala kong kilala. Ikaw? Saan ka galing?" Sagot ko.

"Kabilang province lang malapit dito. Napatalsik ako doon, alam mo na haha maloko... Lily Agustin btw." Ngiti nya ulit sabay kindat.

Mukha nga syang bitchesa sa aura nya palang. Sa totoo lang umiiwas na ko sa mga taong bad influence pero bakit parang sila yung lapit ng lapit?

Ngumiti nalang ako at tumango. Tumingin na rin ako sa harap dahil ako na pala ang sunod na mag papakilala. Tumayo ako at lumakad sa unahan.

With my usual face, I stood confidently infront of everyone, "Good day everyone. I'm Raya Andronika Monteyola. 17. From Manila." Simple kong pag papakilala saka bumalik na sa upuan.

May naririnig akong nag bubulungan pag balik ko pero di ko nalang pinansin. Umupo nalang ulit ako ng maayos saka tumingin sa bintana.

Hindi naman sinasadya pero nakita kong dumaan yung soft guy kanina dun sa assembly. Napatingin lang din sya sa may banda namin kaya nahagip nya ko. Tumitig lang saglit at umiwas din. Hindi ko alam pero biglang ngatog nanaman ng puso ko kaya nawala ako sa ulirat. Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng panlalamig sa katawan kapag napapatingin sya sakin pero buti nalang ay natigil ito nang tawagin ako ni Lily.

"Raya, right? Sama ka samin mag break tutal wala ka pa rin namang kakilala pa..." aya nya. Sabagay may point sya kaya sumama nalang din ako.

Pag labas namin pumunta na kami ng deretso sa cafeteria na siksikan dahil ang daming tao. Even junior high school are taking their break kaya siguro crowded but still kung hindi kami pipila hindi kami makakakain. Kasama ko ngayon si Lily na mukhang may iniintay.

"Pila na tayo, Lily. Baka maubusan..." utas ko dahil naiinip na rin akong nakatayo lang.

"Raya just wait. Hindi tayo pipila. Kita mong ang haba haba eh kaya iintayin natin sila Audrey..." sagot nyang mas pinagtaka ko.

"Lalong hahaba dahil ang tagal nila. Tsaka sino ba mga yun?" Napatingin sya sakin na bahagyang nagulat pero natanggal din naman.

"Oo nga pala, bago ka. They are famous here in campus dahil sa family names nila. Their family own several of the ranch in this province that's why they are superior here in every thing..." Paliwanag nya na syang kinabahala ko.

Hindi ako sa nag mamalinis. Im not the kindest person you'll ever met, my friends way back in JHS are also mean and freak but the hell, gusto ko ng bagong buhay. Ayoko na makasama sa mga ganun. As much as possible I wanted a life that's normal but normal life isn't fond of me huh.

Dumating din naman yung "Audrey" na may kasamang dalawa pang girls. They all look fab ang fancy because of their branded bags and jewelries. Mga make up nila hindi rin nakatakas sa mga mata ko kaya masasabi kong mayayaman nga sila na may pagka spoiled brat.

Katulad nga ng sinabi ni Lily kanina, hindi na kami pumila dahil pinauna kami sa lahat. Walang hirap nakabili na agad kami ng snacks kaya nag punta kami sa usual spot daw nitong barkadahan nila Audrey.

"Classmate ko nga pala, Si Raya. Siya lang inaya kong bagong classmate kasi sya lang mukhang matino. The rest, losers..." tumawa rin naman si Lily ng sabihin nya to kaya napatingin sakin yung tatlo.

Ngumiti ako ng matipid sa kanila saka kumain nalang ulit. Somehow they are intimidating lalo na pag tumitingin. Para silang mga nang jujudge ng pagkatao na even yung darkest secret mo pwede nilang malaman just by looking. Their brows' on fleek too at grabe rin sila mag highlight kahit nasa school lang naman.

"Hi i'm Audrey... Salvador." Emphasizing her last name, she continued. "These are my friends, Felicity Pascual and Olivia Manzano."

"Hi i'm Raya... Nice to meet you." At nakipag kamay sa kanila. "Sorry wala kasi akong kilala pa dito and si Lily lang unang nag approach sakin so..." nahihiya kong sambit.

"It's fine. Lily's our friend from other school but unfortunately she's so stubborn and got kicked out. Pero mabait yan, sadista lang" tawa nila kaya tumawa nalang din ako. After all they're good naman I think. Sopistikadang walang manners siguro kung ijujudge.

Nahagip ng tingin ko ang barkadahang mga nag tetake down notes sa gilid at parang mga nag bebrain storming. Hindi ko sure pero parang ganun na nga. I saw him again, the soft guy writing in the paper while discussing something with his friends. I dont know but for me, it's weird. Break time supposed to be you'll gonna eat your snacks but for some reason, they manage to discuss something e kaka-umpisa palang naman ng klase.

"Marcus' friends are at it again. Hindi ba sila nag sasawa?" Irap ni Audrey sa barkadahan sa gilid na sya ring tinatanaw ko kanina pa. Napakunot ang noo ko at nag tataka kung ano yun.

"Kita nyo yang mga yan nasa gilid? They are the top notchers here in campus. Likas ang katalinuhan pero ubod naman sa ka weirduhan. Look at them, it's the first day of class pero mga nag didiscuss na ng mga platforms for the Student Council. A freak." Utas ni Audrey kaya napatingin ulit ako sa banda nila na mukhang nag liligpit at aalis na.

Hindi rin naman nag tagal pa alis na rin kami ng nahagip ko nanamang nakatingin sakin yung soft guy but this time, walang gana at parang galit. Hindi ko alam kung anong ginawa ko pero na bother ako sa tingin nyang yun. Hindi rin naman nag tagal inalis nya rin at umalis na sila.

Ayoko dito sa nararamdaman ko. Hindi ako pumasok dito para ma curious sa isang taong never ko pa naman nakakausap or naramdaman man lang ang presensya. Hindi ko rin alam kung bakit nag huhumarantado ang pakiramdam ko gayong wala naman akong ginagawa pero parang... bad shot ata ako agad. Ano naman kayang nagawa ko?

Burning Flames Where stories live. Discover now