Chapter 5

5 0 0
                                    

Execute

Katulad ng napagkasunduan, ngayon ko sisimulan ang pag papapansin kay Marcus kaya agang aga ay nakikitingin ako sa mga platforms na nakapaskil sa bawat booth na ginawa ng bawat partida.

Marcus' platforms are indeed encouraging kasi kitang kita sa bawat plano kung paano nila ieexecute ng maayos ang gusto mangyari. Well that's for a good cause though.

Bumili muna ako sa cafeteria ng makakain dahil wala namang ginagawa e nagugutom ako kapag bored saka bumalik sa pag lilibot sa mga booth. Di ko alam bakit may ganitong mga booth pa kapag nangangampanya dito e hindi naman ganito sa dati kong school.

Anyway nakita ko si Marcus kasama yung mga ka partida nya na mga nag uusap usap. Mukhang seryoso sila kaya sinilip ko ulit ang mga papatupad nila kung sakali. Marcus is running for President kaya no doubt sya ang nag aasikaso ng lahat.

Ano ba 'yan! Pano ko kaya 'to magugulo e mukhang busy.

Dumating sila Audrey at tinuro agad sakin si Marcus. Tumango ako agad dahil alam ko kung anong pinapahiwatig nila. Psh.

"Mamaya. Nahihiya ako medyo busy s'ya eh..." Paliwanag ko kaya umupo kami sa bleachers malapit sa booth nila Marcus.

"Raya lapitan mo na ngayon! Hanggat nag papahinga!" Utos ni Via kaya tinignan ko kung anong ginagawa ni Marcus. Nakaupo sya habang kumakain at may binabasa.

"Umalis nalang muna kayo para hindi mapansin..." sabi ko kina Audrey kaya umalis nalang din sila kalaunan na kahit gusto ni Lily mapanood pano ko gagawin.


Hindi na rin ako nag atubili kaya dali dali rin naman akong pumunta sa kanya at umupo sa tabi ni Marcus.

Pag lapit ko naamoy ko kagad ang amoy nya. Grabe ang bango nya na nga, ang bango pa ng itsura. Para syang bata na laging nag pupulbos ng johnson's baby powder at umiinom ng gatas tuwing gabi. Pangit lang ng ugali! Sayang.


"Hi. Pwede ba 'ko dito?" Tanong ko sa kanya. Tumingin lang sya ng mabilis  sakin at tumingin na ulit sa binabasa. Sungit ah.

"Goodluck nga pala tsaka wag ka mag-alala iboboto ko kayo. Ang ganda ng platform nyo..." ngiti ko kahit hindi naman sya nakatingin.

"Thanks..." walang gana nyang sagot. Napabusangot tuloy ako. Nakakainis talaga 'to kung hindi lang para kina Audrey di ko 'to gagawin!


"I'm Raya, by the way. Sorry our first conversation didn't went well..." paalala ko sa kanya tungkol sa nangyari sa cafeteria.

"It's okay, I expected it will happen in the first place..." deretso nyang sagot na syang kinunot ng noo ko.

"What do you mean?" Sagot ko.


"Nothing, miss. I'm Marcus. Do you need anything?" Tingin nya sakin saka tiklop sa binabasa nya. Napansin ko rin na tapos na ang kanyang kinakain kaya sa tingin ko aalis na sya.


"Wala naman. I-I wast just trying to be nice. That's all..." Ngiti ko sa kanya sabay iwas. Hindi ko matagalan ng titig ang mga mata nyang mapanuri.

Tumango lang sya at umalis na rin sa harap ko. Sinundan ko ng tingin saan sya pupunta at nakita kong papunta sa stage. Nag gather na rin lahat ng Senior High School sa gym para ata sa impromptu na Q&A para sa mga tatakbo.

"How was it?" Tanong ni Lily sakin habang tinitignan kong paparating na rin sila Audrey na nag mamadali. 'Tong mga to napaka chi-chismosa.


"Wala, sinungitan ako. Di naman ako papatinag..." paalala ko sa kanila kaya pumila na lang din kami para makinig sa kanila.


Apollo's party was the first one to introduce their members and the platforms. Medyo pag papatawa ang ginawa nila kaya ang dami rin ang nakiki tawa sa kanila. Even me.

Apollo is running for President at kalaban nya si Marcus. Nag flash sa screen ang ibat ibang words at kailangan nyang mag isip kung paano ito mag coconnect connect sa isa't isa. That way raw mas mapag iisipan ng mga students kung competent and may integrity ang tumatakbo.

Nang sumunod sila Marcus, hindi ko alam pero kinakabahan ako habang tinitignan sya sa stage ng nakatayo ng maayos at nag sasalita. I can't help but notice how his voice is very convincing that it can make you follow his command.

"Goodmorning, everyone..." Malamig na bati nya saming lahat. Wala sinuman ang sumagot at tahimik ang buong paligid dahil sa nakakatindig balahibo nyang boses.

"I'm Demarcus Elliot Guillermo running for President, hope you vote me and my partylist..." hindi ko na narinig ang sunod nya pang sinabi dahil napatitig ako sa kung paano sya tumindig sa harap at mag salita.

His name speaks so much of himself. I dont know but for a moment I feel like it's a sin planning to play with his heart. Parang hindi nya deserve...

"Hoy Raya! Wag mo masyadong pag pantasyahan si Marcus..." sita sakin ni Lily nang makitang nakatitig ako dito ng matagal.

Pag tapos ng campaign ay pinabalik na rin naman kami sa kanya kanyang classroom. At syempre mag aaral na naman, pero ngayon naman ay major namin kaya nakinig talaga ako. Nang mag uwian naman ay inintay ko ang sundo sa may waiting shed, umalis na rin sila Audrey kaya naiwan ako mag isa.

Habang nag iintay ako ay nakita ko si Marcus na kinakausap ng isang prof. Tumango tango ito at papunta rito sa lugar kung asaan ako.

Inayos nya ang gamit nya at may mga nag paalam din sa kanya bago umuwi. Nginitian nya lamang ang mga 'to at bumalik na ulit sa pag aayos. Pag tapos ay napatingin sya sakin at umiwas ng tingin. Umupo sya di kalayuan sakin kaya pinansin ko rin.

"Hi Marcus. Congrats kanina, ang galing mo palang mag salita. Mukhang mananalo ka..." Puri ko sa kanya kaya tumingin sya sakin at ngumiti. Wala naman akong naramdaman na bahid ng ka plastikan kaya nginitian ko rin sya.

"Salamat..." mahinahon nyang sagot sabay kinuha ang payong sa bag.

Saktong dating din ng sundo ko at nakita kong si Kuya Lando iyon at wala si Mommy at Daddy. Nakita ko ring mukhang paalis na si Marcus kaya naisip kong ayain sya ng sabay.


"May kasabay ka ba pauwi?" Tanong ko.


"Wala..." matipid nyang sagot.

"Gusto mo sumabay? Kahit hanggang bayan lang..." alok ko sabay kumunot ang noo nya.


"Salamat pero hindi na. May dadaanan pa kasi ako..." ngiti nya at tumango nalang din ako. Nag lakad na rin ako papunta sa sasakyan namin at bago pa ko makasakay ay nag paalam na ko sa kanya.


"Marcus!" Tawag ko kaya lumingon sya. "Ingat ka pauwi..." pahabol ko saka sinarado ang pinto.


Hindi ko na kinayang tignan ang reaksyon nya pero bahagyang uminit ang mukha ko at sabay andar ng sasakyan.

Burning Flames Where stories live. Discover now