Chapter 7

3 0 0
                                    

Pag hanga

"Sa may Sta. Elena ka dumaan mamaya kapag pauwi. Hindi lubak ang daan at hindi rin masakit sa paa unlike in the rock formation..." marahan nyang sabi habang nag lalakad kami papunta sa burol na tinutukoy nya.

Bitbit ang bayong na may lamang pagkain na hinanda nya kanina, tinahak namin ang patag na daan papunta roon. Akala ko pa nga putik putik dito pero hindi, mukhang ang may-ari ng lupain ay pinanatiling maganda ang daan.


"Sino may-ari ng sugarmill na 'to?" Tanong ko dahil napansin kong tubuhan pala itong dinadaanan namin.

"Sebastian Alvarez's Family..." sagot nya at patuloy na nag lalakad.


Sebastian? Yun ba yung crush ni Felicity na soccer player?


Nag kibit balikat nalang ako at sinundan sya. Napaka bilis nya mag lakad at kala mo may hinahabol. Hindi tuloy ako makasabay.


Nang makarating kami ay kitang kita ang malapit na pag lubog ng araw. It's already 5 in the afternoon at malapit na mag sunset! Ang ganda ng tanawin kaya hula ko'y mapapanood namin 'to.


"WOW! Hindi ko alam na may ganito pala ka gandang lugar dito! Madalas ka ba rito?" Tanong ko habang nag lalatag sya ng mat sa papag.


Hindi naman gaano kahirap akyatin itong burol ngunit kung di sanay ang katawan mo sa palakad lakad ay mahihirapan ka. Nag enjoy rin naman ako sa mga nag lalakihang lupain na nadaanan kaya hindi ko na napansin na nakakapagod pala pumunta rito.


"Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito..." Sagot nya at giniya ako na umupo sa inayos nyang mat.

Umupo ako at umusog sya ng kaunti. Saka ko lang naramdaman ang pagod nang makapag pahinga. Inalok nya rin ako kumain kaya tinanggap ko nalang din.

"Hindi ako fan ng nature. Mas gusto ko ang mga nag lalakihang establishments sa Manila. Pero nung makita ko 'to, iba pala talaga..." malaking ngiti ko habang tinatanaw ang mga puno sa baba ng burol at ang sinag ng araw.


"Walang makakatalo sa ganda ng tanawin kapag mga bundok at puno. Fresh and pleasant..." paliwanag nya.


"Oo nga eh, ang saya makakita ng ganito kaganda. Kasama pa kita..." tango ko at bahagyang uminit ang mukha ko sa sinabi ko.


Pucha! Ngumisi lang sya at kumain. Ano? Sagot.


Para mabawasan ang awkwardness na nararamdaman ko, kinuha ko ang phone ko saka nag picture. Instagramable kasi talaga 'tong view.

Syempre sinama ko sya sa video pero side view lang saka ko nilagyan ng filter, kunwari aesthetic.


"Follow moko sa ig ha!" Sambit ko habang nag popost ng story sa instagram.


"W-wala akong ganyang app. Hindi ko naman kailangan." Marihin nyang sagot kaya pasimple ko syang hinampas. Eto laging seryoso. Loosen up!


"Pahiram ako ng phone mo, gagawan kita dali." Sabi ko at kinulit. Natatawa ako dahil namumula ang tenga nya sa inis ba o hiya hahaha



"Hindi ako maalam gumamit..." sabi nya pero kinulit ko pa rin. Di ko to titigilan hanggang di binibigay yung phone. Kinapkapan ko na rin ang bulsa at napag tantong nasa kabilang bahagi ito.


Kaya naman minabuti kong kulitin pa sya at daganan. Tawa lang ako ng tawa habang sya inis na inis na pinatitigil ako.



"Akin na kasi! Damot mo naman!" Sigaw ko at tawa pa rin. Marahan nya kong pinatitigil at iniiwas ang katawan sakin.


Dahil kanina pako nangungulit at dinadaganan sya at nahulog ako sa dibdib nya na syang kinagulat ko. Natitigan ko tuloy ng mabuti ang mukha nya ng malapitan.


Gwapo talaga sya lalo na siguro kung tatanggalin ang salamin. Ang tangos ng ilong at haba ng pilikmata. Ang ganda rin ng balat na para bang alagang alaga ito at di pa rin naalis sa paningin ko ang panga nya na may ugat dahil mukhang nag she-shave talaga sya. Pati labi nya ay natural na mapula at nakaawang.


Lumayo ako saka tumalikod. Nakakahiya! Bakit ba ko tumitig pwede namang tulak agad! Tumitig pa talaga ha!


Humampas ng napaka bilis ang puso ko at kinabahan. Di ko alam kung anong gagawin ko pero dapat hindi ako halatang apektadong apektado.


"S-sorry. Ikaw naman kasi. Sabi ko pahiram lang..." mahina kong sabi habang nakatalikod pa rin.


Tatayo na sana ako ng iabot nya ang cellphone nya na syang kinagulat ko. Kinuha ko nalang din at tumawa ng bahagya para maibsan ang nararamdaman.



"Ibibigay mo rin naman pala, gusto mo pa talaga aabot sa mapapahiga ako sayo..." pang aasar ko sa kanya at kinalikot ang phone.


Wala syang password. Di ko alam bakit pero siguro wala syang tinatago. Pero kahit na 'no kailangan kaya nun.



"Ganito kasi yan—" di pako tapos mag salita ay umusog na sya ng bahagya na mas malapit sakin para makinig. Naamoy ko ang pabango nya na sobrang nakaka adik kaya napatigil ako.



"Go on..." malambing nyang sambit kaya medyo nangatog ako. Nakakainis! Sabi ko hindi ako mag papaapekto.



"I-log in mo muna yung facebook mo para di kana mag sign up." Sabi ko na agad nya namang ginawa. Pagkatapos ay binalik nya sakin ito.


"Eto kapag mag s-story ka. Parang sa facebook, my day ganon. Tapos eto naman kapag mag uupload ka. Tapos eto direct message or dm. Gets mo ba?" Paliwanag ko saka tingin sa kanya. Tumango sya at binigay ko sa kanya ang phone nya. Syempre finallow ko muna yung sarili ko atsaka finallowback ko sya.


Nag tingin tingin ako ng story ng nakita ko syang tinaas ang phone at nag vivideo rin at saka tinapat sakin. Hinampas ko sya sa braso at tumawa.



"Timang! Bat di ka nag sasabi?!" Inis kong tanong at pinipilit kong kunin yung phone. Pucha anong itsura ko don?!



"You also did this to me earlier. Bawi lang..." tawa tawa nyang sabi saka pinost sa story. Nakakainis pero kahit papano kinilig ako. Ako lahat ng first nya whahahaa kaso sa ig nga lang.



"Nagka jowa kana?" Wala kong pasantabing tanong na kinabigla nya dahil namula ang tenga nya.



"D-dati. Bakit?"



Wow! May oras pa pala sya don? Sabagay sabi ko nga mukha syang responsableng kayang ibalanse lahat ng gawain.


"Mas inexpect kong wala pa ah! Akala ko di ka open sa ganon..." sabi ko at tinawanan sya. Inirapan nya ko at uminom ng tubig.



"I'm aware of relationship, Raya. I wasn't born yesterday." Nagulat akong binanggit nya ang pangalan ko kaya yumuko ako ng bahagya dahil naramdaman kong umiinit ang mukha ko.



"S-sorry na! Eto naman. Bakit kayo nag break?"



"We're not compatible." Simple nyang sagot kaya kumunot ang noo ko. Pwede ba yun?



"Edi gumawa ng paraan para maging compatible! Pag gusto, may paraan. Pag ayaw maraming dahilan..." matapang kong sagot na nginisian nya lang.



"Mahirap kalaban ang tadhana..."


Ay. May pinang huhugutan?



"Sabagay. Nasaan na sya ngayon?"




"Dito pa rin. We barely talk..." tinignan ko sya at nakitang walang ekspresyon ang mata. Hindi ko tuloy mabasa kung malungkot ba o walang pake.


"Naka move on ka na?" This time, mas malaki ang ngisi nya na parang nang aasar.



"Why? Gusto mong sumunod?" Tinignan nya pa ko ng mapang asar na tingin. Aba! Itong lalaking 'to!



"Ayoko..." irap ko sa kanya. Umiwas sya ng tingin saka tumingin sa araw na papalubog na.




"Ayokong maging ex mo."

Burning Flames Where stories live. Discover now