Chapter 4

3 0 0
                                    

Plano

Pag pasok ko kinabukasan ay mapapansin ang preparasyon para sa nalalapit na botohan ng Student Council. Maraming mga nakapaskil sa mga pader at pinamimigay na mga papel na akala mo mga tatakbong senador. Hindi na rin ako gaano nakiusisa dahil alam ko na kung sinong iboboto kong partida.

Ngunit naalala ko ang pagkabadtrip ko kay Marcus kaya hindi ko alam kung itutuloy ko ba. Nakakainis pero para samin din naman at wala rin ako gaanong tiwala dun sa kina Apollo kaya sige.

Nag klase kami sa isang nakakaantok na physics kaya naman nag cellphone lang ako mag damag. Old habits die hard talaga kaya hirap mag aral lalo na kung di ko gusto yung pinag aaralan.

As usual dinadaldal lang ako ni Lily tungkol sa mga karanasan nya sa dating school at kung paano nakilala sila Audrey. Malupit pala talaga sya sa mga kaklase nyang binully nya noon na naninira pa sya ng gamit ng school kaya napaalis doon. Pasaway rin naman ako pero di ganon kalala.

Way back in my Junior High School time, mga nerds ang binubully namin at yung mga walang laban kaya malakas kami. Natuto akong mag bisyo at mag gala dahil na rin sa impluwensya ng kaibigan. Kasalanan ko kung bakit ako naiimpluwensyahan pero kasi minsan naeenjoy ko rin naman.

Sunod na mga oras ay vacant namin walang prof na dumating at dahil wala kami gaanong ka close ni Lily sa classroom ay pumunta kami sa soccer field para mag liwaliw. Pinasunod nya rin sila Audrey kahit may klase ang mga ito. Alam mo na pasaway kaya susunod talaga yun.

"Ang cute cute talaga ni Sebastian.... May girlfriend na kaya 'yan?" Usisa ni Felicity habang pinapanood ang mga nag sosoccer.

"Kadiri ang taste mo ha. Ang nerdy rin kaya nyan. Ang alam ko he's close with Marcus..." irap ni Audrey na binalewala ko lang kahit nainis ako sa pag banggit nya sa kay Marcus.

"Pero ang pinagkaiba nya kina Marcus, friendly at maaasahan. One time nakasama ko yan sa lab para sa experiment, hindi namin alam gagawin. Tinulungan nya kami..." malambing na sagot ni Via kaya lalong nanggigil sa kilig si Felicity.

"What's with Marcus' attitude?" Tanong ko dahil malamang sa malamang hindi lang ako ang tinarayan non.

"He's good naman sa iba pero samin, malamig pakikitungo nya. I dont know why pero kapag sa org na sinasalihan namin tapos nandun sya laging iritado..." ani Audrey

"Ay oo napansin ko rin yan... lalo na kapag nagiging bossy kami sa ibang grade 11." Sambit ni Via.

"Ahh mukhang ayaw nya sa nag hahari-harian tulad natin..." tango ni Lily na syang sinang ayunan ni Audrey.

"Oh probably that's why he humiliated me yesterday. Sa cafeteria..." Nagulat sila sa sinabi ko kaya naman kinwento ko sa kanila at sinabing dapat pala ay sinamahan nila ko.

"Alam mo ganyan talaga yan si Marcus, ayaw ng nalalamangan. Gusto laging patas. Inggit siguro..." tawa ni Audrey na kinunutan ko ng noo.

"Oo gusto kasi nyan lagi mabait ang lahat ganon. Hindi nagkakamali. Alam mo na right and just..." Sang ayon ni Via.

"Sanay na nga kami na laging mabait yan. Alam mo yun? Hindi mo mauutakan at maiiputan sa ulo kasi nga alam nya lahat..." Dugtong ni Felicity.

"Somehow nakakainis sya kasi pinahiya ako. Pero may point naman sy—" hindi pa ko tapos mag salita ay pinatikom na ni Audrey ang bibig ko.

"Alam mo dapat natin syang gantihan. Ayoko nga ng tinatapak-tapakan lang tayo. Akala nun hindi ka lalaban kasi bago ka. Huh." Determinado nyang sambit at tumingin sakin pati kina Lily.

"Turuan ng leksyon." Pag sang ayon ni Via sa tingin ni Audrey. Hindi ko maintindihan dahil nag uusap lamang sila gamit ang mata.

"What do you mean with "turuan ng leksyon"? Mukhang di natin kaya paikutin ang isang yon." Sabi ni Lily. Isa pa 'to naiisip din na turuan ng leksyon si Marcus. Haynako.

"Alam nyo guys, Okay lan—" pinahinto agad ako ni Audrey na bahagya kong kinainis. Hindi na ko pinatapos mag salita kahit kailan eh.

"Enough with the good words, alam mo namang wala kaming sinasanto..." sabay kindat sakin at tingin kina Via. "Pag paplanuhan natin yang si Marcus."

"Hindi natin sya mapapaikot ng ayos dahil duh who could? Ang talinong tao nun, utak ang sandata..." paliwanag ni Audrey samin. Kami naman parang mga tutang nag iintay ng utos nya.

"Kaya naman..." sabay haplos sa kaliwang bahagi ng dibdib ko sa may puso, "Damdamin ang gagamitin natin para sa ganti..."

"Never pa ata syang nagka girlfriend, Audrey." Hula ni Felicity.

"Alam ko. Maganda itong si Raya, imposibleng hindi sya mapansin ni Marcus. Ang dapat mo lang gawin ay mag pakabait sa paningin nya para makuha mo ang loob..."

"Wait nga lang. Mababaw lang naman yung ginawa nya sakin at wala na yun ngayon. Para saan pa 'tong ganti? Ayoko. Di ako papayag." Sagot ko sa gustong mangyari ni Audrey. Magalit na sila kung magalit, basta ayoko...

"Ano ka ba Raya! Ang KJ mo naman. Wag mo sabihing attracted ka kay Marcus?" Tanong ni Via na syang nagpakaba sakin. Hindi naman ako attracted sa kanya, ayaw ko lang manggamit..

"H-hindi ah. Ayoko lang talaga na nag lalaro ng damdamin..." mahinahon kong sagot sabay yuko. Hindi ko alam kung bakit parang naguguilty ako kahit hindi naman totoo ang pinaparatang sakin.

"Hindi mo lang naman 'to gagawin para sa sarili mo. Ganti na rin namin kay Marcus para sa mga pakikialam nya noon samin at sa mga pagalit!" Utas ni Audrey na tinanguan nila Via.

Nahihirapan ako kasi hindi ko naman gawain ang manloko ng tao at kung magkaayos man kami ni Marcus, ayokong dahil sa estupidong plano na ito.

"Kaibigan mo na kami, hindi ba? Maliit na pabor lang 'to, wag ka lang mahuhulog sa kanya dahil baka ikaw pa ang maging talunan..." ani Audrey.

Napatingin ako kay Lily dahil kanina pa sya walang imik tungkol dito. Nag patay malisya sya at hindi kumibo dahil alam nyang wala naman syang magagawa kahit tumutol sya. Kaya naman tumingin ako kina Audrey na hindi ko alam kung anong isasagot.

"Ano, Raya? Natatakot ka ba na baka—" hindi pa sya tapos sumagot ay sumigaw na ko.

"OO NA! H-hindi naman ako takot dahil hindi ako a-attracted..." sambit ko na syang kinatuwa nila. Tumingin ako sa kawalan at nag buga ng hangin. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag basta iiwasan ko nalang magkagusto sa kanya. Madali lang naman yon, hindi naman ako ang tipo na nagkakagusto... agad.

"Buti naman!!! Nako ang saya nito. Hahaha akala ata ni Marcus ha. Ang plano lalapit ka sa kanya hanggang sa makilala mo sya at magkagusto sayo. Kapag tinanong kana kung pwede maging kayo saka mo busted-in at doon lang matatapos ang plano na 'to. Maliwanag ba?" Masayang tanong sakin ni Audrey na tinanguan ko lang. Sabi kong ayaw ko na sa ganitong mga kaibigan pero nandito pa rin. Hindi na talaga ako natuto...

Burning Flames Where stories live. Discover now