Chapter 2

574 27 0
                                    

Azenor's POV

Lulubog na ang araw at hindi parin kami umuuwi sa mga dorm namin which is near in our hideout. Busy daw sila pero nakatutok lang sila sa mga cellphone nila. Ano kaya ang busy dun?

"Hindi pa ba tayo uuwi? Tapos ko na ang report ko para bukas" sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko at inilagay ko sa bag ko ang report ko bukas.

"What time na ba?" Tanong naman ni Naddia. Seriously? May mga relo sila tapos hindi nila gagamitin?

"It is 5:52 PM. Maggagabi na nga. Tara na" sabi ni Max. Buti naman at naisipan nilang umuwi dahil baka may plano pa silang matulog dito. May mga kwarto naman kasi kami dito pero required na sa dorm talaga.

"Mauna na kayo" sabi ni Thaddeus na may inaayos sa robot niya. Maghapon na siya sa paggawa ng robot, hindi pa ba siya matatapos?

"Susunod nalang ako. Sasamahan ko pa si Thaddeus" sabi ko dahil lonely naman siya dito.

"Umuwi kayo agad. Bawal mag-date" sabi ni Kuya Nathan kaya nabatukan ko naman siya.

"Sapakin kita eh! Nakakainis!" Sabi ko at pumasok na ulit sa hideout. Nakita ko na busy parin si Thad sa ginagawa niya.

"Why are you here?" Sabi niya at tumingin ng deretso saakin kaya naman ay parang naiilang ako.

"Gusto kita samahan muna dito. Lonely ka kasi kapag wala kang kasama" sabi ko at umupo sa silya na nasa harapan niya.

"You don't have to do this" sabi niya at inayos na ang mga gamit niya. Uuwi na ba siya? At iiwan niya ako rito?

"Are you coming or not?" Sabi niya habang naglalakad palabas.

"Shempre naman sasama ako!" Sabi ko at agad na tumayo at lumabas na. Yung siya na nga ang sinamahan tapos siya pa ang may ganang mang-iwan.

May rules kami sa Omega. Kung sino ang last na lalabas ay dapat i-lock ang hideout using leaves. Nakatago kasi ito at parang underground.

"Ikaw na ang magtago sa hideout" sabi ni Thad kaya tumango naman ako. May earth power ako kaya madali lamg para saakin na itago ang papunta sa hideout.

Tinaas ko ang kamay ko at ginamit ang earth power ko para papuntahin ang mga dahon sa pathway at pinto ng hideout. Naglagay din ako ng spell para walang makapasok sa hideout namin. That is what we are doing if we are the last one.

"Let's go" sabi niya at nauna ng naglakad. Wala kaming imikan habang naglalakad kami at sobrang tahimik. Gabi na at madilim na pero may mga street lights naman sa dadaanan namin.

"How is your robot?" Sabi ko para naman hindi ako mamatay sa sobrang tahimik naming dalawa.

"Almost done" sabi niya kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil kinausap niya ako.

"Adik ka talaga sa mga robots neh?" Sabi ko at sumabay na sa kanya. Nasa likuran niya kasi ako.

"I am not that addicted, but I like it" sabi niya kaya napatango naman ako. Malapit na pala kami sa girls' dorm.

"Sige. Bukas ulit. Nandito na ako sa building ng dorm" sabi ko at inayos muna ang sarili ko.

"Alright. See you tomorrow then" sabi niya at tumango nalang ako. Malayo pa ang boys' dormitory sa girls' dormitory.

Magkakahiwalay na kami at kada isang kwarto ay isa lang ang kasama mo. Naiba na dahil dati nung panahon nina mom and dad ay sa iisang dorm ang royalties or superiors pero ngayon ay hindi na.

Habang naglalakad ako papunta sa dorm ko na nasa first floor lang naman ay feeling ko ay may nakamasid saakin. Nilingon ko naman ang likod ko pero wala naman akong makita. Weird naman.

The New Beginning: Book 2 of Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon