15 years later
Azenor's POV
Nandito kami ngayon ng barkada ko sa tambayan namin na nasa likod ng Academy. May kanya-kanya kaming ginagawa at sobrang busy pa ng iba, yung halos hindi mo na makausap dahil sa pagkatutok masyado sa bagay na iyon.
"Nor!!" ayan nanaman yung kapatid ko. Ayaw ko sa lahat ay tinatawag akong NOR. Gusto ko lang ay Aze or Kemena, sounds childish but I like how they call me that.
"Hoy lalaking kumag! Tigil-tigilan mo nga ako. Baka hindi ako makapagtimpi at ipakain kita sa dragon ko!" Sabi ko at inambaan siya ng fire ball. Nakakainis naman kasi. Ayaw ko kasi sa lahat na pinapakialaman ang pangalan ko.
"Tumigil na nga nga kayong dalawa diyan" sabi ni Magdalene at tumingin ng masama saaming dalawa. Mas matanda kami tapos parang mas matanda pa siya saamin. Unfair naman ng buhay.
"Tumigil ka rin! Baka nakakalimutan mo na mas matanda ako kaysa sa iyo!" Sabi ko pero tinaliman niya lang ako ng tingin at inismiran.
Kahit kailan talaga ay sobrang taray ng babaeng yan. Akala mo ay laging may period or dalaw. Pero kahit ganyan yan ay mabait at caring yan. Ayun ang nakakatuwa sa ugali niya.
"Aze! Paabot nga ng wire sa gilid" utos saakin ni Thaddeus na busy sa paggawa ng robot niya. As usual ay sobrang dami na niyang collection ng robot na baka puno na ang kaharian nila. Thaddeus likes robots and technologies.
"Ano ka? Sineswerte? Bakit ako pa ang uutusan mo?" Sabad ko naman sa kanya. For his information ay mas bata ako sa kanya, sabi ko nga susunod ako diba?
"Aba! May gana ka pang magreklamo! Ikaw na nga lang ang walang ginagawa eh!" Sabi niya kaya napalingon ako. Busy nga ang iba. May kanya-kanyang ginagawa.
"Ok! Ok! Wag ka ng highblood diyan!" Sabi ko at tumayo na. Medyo malawak ang tambayan namin kaya medyo mahirap hanapin kung saang sulok ba ng tambayan namin nagtatago ang wire na yun.
Ako nga pala si Azenor Kemena Firio. I am the youngest daughter or child of Queen Azelleah Firio and King Ace Firio. May kapatid ako na si Maximum Garrick Firio.
Kung sineswerte nga naman kami ay namana namin ang mga kapangyarihan ng parents namin kaya maituturing ko na blessed kami. We are honored to have their powers to protect this world and I love it.
"Hoy! Ibalik mo nga yan saakin!" Ayan nanaman po si Naddia at si Clementine. Parang aso at pusa sa sobrang kukulit. Yung akala mo ay walang katapusan ang pag-aaway nila. Magkapatid nga silang dalawa and they are hella twins.
"Tumigil nga kayo!" Saway naman ni Max, my twin older brother. Akala mo naman ay tatay siya ng dalawa. Tumigil naman sila pero masama parin ang aura na pumapalibot sa kanila. Matatanda na sila kaya umasta naman sila na parang adults na.
"Heto na ang wire" sabi ko at inabot kay Thad at bumalik sa pwesto ko. Wala man lang bang 'thank you'?
"Alam ko yang iniisip mo" sabi ni Thad at sinamaan ako ng tingin. Sinamaan ko rin siya ng tingin, dapat naman kasi ay patas kami.
"Zale!! Ikaw ang pinakabata dito pero umasta ka naman na parang matanda!" Sabi ni Areanna kay Zale na naglalaro ng YoYo. Childish nga naman kasi.
Lahat kasi kami dito ay 17 years old na maliban sa anak ni Tita Elya at Tito Tyler na mga pinsan namin na sina Nathan at Nala na 18 years old na sila. Ang pinakabunso namin ay si Zale at si Raiden, they are both 15 years old. Hindi pa ako sure sa lagay na yan kung ilang taon na nga ba sila.
"Blaize! I miss you!!" Rinig kong sigaw ni Max kay Blaize kaya napailing nalang ako. Mabubusit nanaman siya kay Max. Lalaki kasi silang pareho kaya dapat umasta sila na parang ganun ang gender nila.
BINABASA MO ANG
The New Beginning: Book 2 of Lost Princess
FantasiYears have past and the memory of the past is still fresh in everyone's mind. As the years past by, they have their own family. Their children grew up in a world that is full of peace and purity, but is it the end of the darkness? The kids grew up i...