Azenor's POV
"Yes we are" halos mahimatay ako nung sumagot ang isa sa kanila. Bakit ba sobrang lalamig ng tao ngayon?
Remember the men who came late in the stage to get their tickets? Ang anim na lalaki na akala ko ay masasamang tao? Sila yun! And worse! Si LJ ay kasama sa kanila! Kaya pala tinanong niya ako kung ang Spade ba ang hawak ko.
"Wag na muna kayo mag-introduce yourselves! Baka mahuli pa tayo sa kanila" sabi ko at nauna ng maglakad.
Alam kong sumunod naman sila dahil naririnig ko ang mga yabag nila at ang kanilang presensiya ay nararamdaman ko rin.
Hindi ko na sila nilingon pa dahil baka mamatay na ako sa kaba. Hindi ko alam na malalakas pala ang presensiya nila. Who are they? Ano kaya ang tinatago nila? Pa-misteryoso naman sila. Nakakainis na masyado at dumagdag pa sila sa iniisip ko.
"Bakit na-late kayong maglakad?! Dapat nasa tabi kayo ng grupo ni Maggie!" Bulyaw saakin agad ni Max at nilingon niya ang Spade.
"Makukupad sila at wag ka ngang maninigaw ng biglaan!" Sabi ko at sinenyasan ang grupo ko na pumunta sa tabi ng grupo ni Magdalene.
"Maggie! Nasaan si Thaddeus?" Tanong ko kay Maggie dahil tumabi siya saakin. Nauuna kasi kaming maglakad kaysa sa mga ka-grupo namin.
"Nandun sa pangalawang linya. Bakit mo ba siya hinahanap?" Sabi ni Maggie saakin.
"Hihingi sana ako ng candy" sabi ko at inirapan niya lang ako bago tuluyang bumalik sa grupo niya.
Iniwan ba naman ako dito at bumalik sa group niya. Nakakainis naman. Minamalas na ako ngayon pa lang.
Nagulat ako ng hilahin ako ng isa sa Spade at tinabi sa kanya. Si LJ lang pala. Akala ko kung sino at kinabahan naman ako.
"We will introduce ourselves later at the camping site" sabi niya kaya nanahimik nalang ako.
Lumipas ang isang oras ng paglalakad ay nakaramdam ako ng kakaibang presensiya sa gilid ng grupo ko. Malalakas na aura at ngayon ko lang ito naramdaman.
Lilingunin ko sana ang direksyon na iyon pero humarang ang mga members ng Spade kaya wala akong nagawa kundi maglakad nalang.
Bakit ba nila tinakpan yun? Makikita ko na sana ang mga nakamasid saamin. Pero baka naman nagkataon lang na lumipat ng pwesto ang Spade kaya aksidenteng natakpan ito.
Natanaw ko ang isang nagtataasang wooden fences at may nakalagay na Camping Site.
"We're here! So, this day will be your rest day and tomorrow is the activities! After you enter, Leaders will assist you wherein you will place your tents" sabi ni HM Gory.
Nagbukas na ang malaking pintuan na gawa sa kahoy at isa-isang pumasok ang bawat grupo.
Nung kami na ang papasok ay binigay na saakin ang number ng lugar kung saan magtatayo ng tent ang Spade. Number 6.
Pumasok na kami sa barrier na nakapalibot sa malawak na camping site at natanaw ko agad ang Number 6.
"Doon kayo magtatayo ng tent" sabi ko at tinuro ang malawak na space na para lamang sa grupo ko.
"Where will your tent place at?" Tanong saakin ng isa sa kanila.
"May kanya kaming lugar. Yung mga Royalties or Omega ay sama-sama" sabi ko at naglakad papunta sa Number 6.
"So, I will see you all later. Titignan ko pa ang schedules natin ngayon kahit na wala pa masyadong activities" sabi ko sa kanila.
"See you" sabi naman nila maliban kay LJ na tinatayo na ang tent niya. So rude.
BINABASA MO ANG
The New Beginning: Book 2 of Lost Princess
FantasyYears have past and the memory of the past is still fresh in everyone's mind. As the years past by, they have their own family. Their children grew up in a world that is full of peace and purity, but is it the end of the darkness? The kids grew up i...