Chapter 3

419 25 0
                                    

Azenor's POV

Second subject na namin bago mag-recess kaya heto ako ngayon, nakatunganga sa board at hindi ko maintindihan ang letseng math na tinuturo ng teacher namin. Feeling ko wala na talaga akong brain cells.

Mamaya ring lunch ay dudumugin kami ng tao dahil mamimigay na kami ng tickets at next week ay training na nila at next month ay leveling na. Super bilis naman ng panahon.

"Class dismiss" sabi ng teacher namin sa Math bago lumabas ng room. Dumukdok nalang ako sa armrest at gusto ko ng matulog.

Nawala naman ako sa pag-concentrate na matulog nung may nag-alog ng balikat ko. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtaas ng tingin ko. Nakita ko si Raiden na nakatingin lang saakin.

"Ate. Nasa labas na sila at tayo nalang ang hinihintay" sabi niya at tinulungan akong ayusing ang mga gamit ko. Binitbit ko na ang bag ko at lumabas na kami.

Nakita ko naman sila na nakatayo sa labas ng room at parang bored na bored sa kahahantay saamin ni Raiden.

"Tagal niyo naman! Baka naman nag-date pa kayo" pang-aasar saamin ni Nala kaya nainis naman ako.

"Bitch! Mas bata siya saakin kaya tantanan mo kami" sabi ko at inirapan siya.

"Woah! Chill ka lang Azenor! Maka-bitch ka naman saakin!" Kunwaring nagtatampo na sabi niya.

"You are really one, Nala" sabi ko at nauna ng maglakad. Aaminin ko na sweet saakin si Raiden dahil laging may candy akong laging dala para sa kanya. He is a little brother to me, that's all.

"Wait for us naman!" Sabi ni Clementine at hinawakan ang braso ko. Buti nalang at long sleeve ang uniform dito at palda na above the knee ang sa babae kaya medyo komportable naman ako.

"Super kupad niyo kasi" sabi ko pero inismiran lang nila ako.

Pumasok na kami sa cafeteria at sobrang ingay at nagkakagulo. Hindi ko alam kung cafeteria ba itong pinuntahan namin or rambulan ng mga tambay saamin.

"Ehem" agaw-pansin ni Max sa kanila kaya natigilan sila. May ilang napahiya dahil sa iisang direksyon lang kami nakatingin.

"Sorry Omega" sabi nilang lahat at sabay-sabay naman.

"Ano ba ang pinagkakaabalahan ninyo?" Tanong ni Kuya Nathan sa kanila.

"We are talking about the leveling po at ang pagkuha ng tickets mamaya sa inyo" sabi ng isang lalaki.

"Alright. Just don't make any noises again" sabi ni Max. Tumango at nag-bow nila saamin.

Nagulat naman ako ng hatakin ako ni Magdalene or Maggie sa isang pila na halos wala ng nakapila dahil sa kaunti nito.

"Himala at nanghatak ka?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman ako masyadong ka-close sa Omega. I mean, yung super close. Kaya ikaw nalang hinatak ko" sabi niya pero halata parin ang pananaray sa tono nito.

"So close na tayo niyan?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya.

"Halata ba? Mag-pinsan tayo" sabi niya at kami na pala ang o-order sa cashier.

"Hello Princess Maggie and Princess Aze. What would you like to order?" Tanong ni Ateng cashier.

"I would like a burger and water" sabi ni Maggie at inabot na ang bayad nito.

"Saakin naman ay fries and chocolate drink nalang" sabi ko at binigay na ulit ang bayad ko.

"Ok po. Heto na po order niyo" sabi niya at inabot saamin ang trays na may lamang pagkain namin.

The New Beginning: Book 2 of Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon