Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang alarm ko. Bawal malate. Unang araw ko sa opisina ni Gold. Bumangon ako matapos kong magdasal ng pang umagang panalangin. Naligo at nag-asikaso ng sarili. Dahil hindi ko naman alam ang dapat kong suotin, ang uniform ko noon kay Mr. Komatsu ang ginamit ko. Puting polo, black pants and closed shoes. Corporate attire. Not bad with that.
Bumaba ako dala na ang mga gamit ko na maaari kong gamitin sa bago kong opisina. Tiningnan ko ang oras, medyo maaga pa, kaya naman ay nag-almusal ako kasabay si mommy.
"Ngayon ba ang simula mo sa bago mong opisina?"
"Yes mommy. Kaya medyo maaga ako ngayon. Ayokong mapahiya si Mr. Komatsu." Humigop ako ng mainit na tsokolate na hinanda ni mommy. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Simula nung bata ako ay si mommy na ang kasama ko, kahit na hindi naman kami talaga magkadugo. Hindi ngilid sa kaalaman ko na hindi ko tunay na ina si mommy. Nabanggit na nya sakin noon na pinagkatiwala ako sa kanya ng tunay kong ina. Hindi ko na rin naman hinanap ang tunay kong magulang, dahil sobra sobra naman ang pagmamahal na naramdaman ko galing kay mommy.
"Bakit kasi ay ikaw pa ang nailipat dyan sa kompanya na iyan? Maaari naman silang kumuha ng panibago." Nagkibit-balikat na lang ako. Ayoko na mag-explain pa ulit kay mommy. Tinapos ko ang pagkain ko at nagpaalam sa kanya.
Lumabas ako ng subdivison namin at buti na lang ay sadyang maaga pa kaya nakasakay ako agad. Napapikit ako sa biyahe. Ayokong makita ang luma naming gusali at baka doon ako magpababa. Buti na lang at naging mabilis ang biyahe at nakarating ako 30 minutes earlier sa Ching Group of Companies Building. Pumasok ako sa loob ng gusali at nagtanong sa front desk.
"Good morning. I am Ms. Saturn from Komatsu Engineering Firm. I would like to ask, where would be my possible office?" Ngumiti ako sa babaeng kausap ko.
"Ms. Jang?" Ngumiti din naman siya pabalik. "Kanina pa po namin kayo hinihintay. This way please." Nang makita nya ang bitbit kong gamit ay agad namang siyang tumawag ng isang housekeeper para tulungan ako sa pagbibitbit. Pumasok kami sa elevator at tumungo sa 7th floor.
I was moved when the elevator door opened. The scenery is breath taking. Lumabas kami sa loob ng elevator at mas binigyan non ng kakayahan ang mata ko para mapagmasdan ang buong lugar.
The office wasn't an ordinary office. The walls are made of glass that would overview the business of the city and would give you the best view of the sky. Ang mga gamit sa loob ng opisina ay kulay puti at itim lang, and it compliments the floor of the office. Iilan lamang ang gamit sa labas. A sofa set, a coffee table, few magazines, a flat screen 52" television. Sa gilid ay may maliit na kitchen. Marahil ay ito ang lobby or ang reception ng floor na ito. Everything was made out of perfection I would say. Dumaong kami sa isang pinto. Marahil ay dito na ang aking bagong opisina. Hindi nga ako nagkamali ng banggitin ito ng babae sa front desk.
"This would be your office Ms. Jang. It's adjacent to Mr. Ching's office. Hoping you'll have your great time with us." Napakabait naman netong babae na kausap ko. Batid ko ay kasing edad ko lang siya. Singkit, maputi, maikli ang buhok. Ang ganda nya at napakasimple.
"Thank you Ms.?" Pagtatanong ko sa pangalan nya.
"Alyssa Miranda."
"Thank you Ms. Alyssa." Naging magaan naman agad ang loob ko kay Alyssa. Ibinaba ni kuyang Housekeeper ang gamit ko. Siguro ay hindi naman magiging mahirap ang stay ko dito sa kumpanyang to dahil mas marami naman ang mabubuting tao.
Pinagmasdan ko ang paligid ng makalabas si Alyssa at si kuyang housekeeper. Simple ang disenyo. Nakakabighani sa mata. Nakakarelax. Lalo akong namangha ng aksidente kong napindot ang isang button. The curtain moved on the side allowing it to reveal the view of the city. Akala ko ay sa labas lamang iyon. Dito rin pala sa loob ng opisina. Nang bumukas ng buo ang kurtina ay mas lalo akong nabighani. Books are filed neatly on the wall. May nakatago palang bookshelves sa likod ng kurtina. It was very stunning. The interior was definitely one of a kind.
BINABASA MO ANG
SWEET CHAOS
Teen FictionShe was his, but is he hers? ------- Gold was a young businessman and an engineer. Saturn was just a mere secretary. Hindi inaasahan na dahil sa isang taxi, makikilala nila ang isa't isa. She wants him to be happy, can he make her happy? She wants t...