Kinagabihan ay napagpasyahan na lang na manatili sa villa. Matapos naming kumain ng hapunan ay nagkayayaan na manood ng movie. Ilang oras na kami nanonood, ilang genre na rin ang napagpalipat-lipat namin. Una kaming nanonood ng horror, hindi naming iyon natapos dahil nagpumilit si Aly na palitan na iyon dahil hindi na niya kaya ang takot. Nagkaron pa ng onting sagutan sa pagitan nila ni Alex na gusto ang palabas. Walang nagawa si Alex ng paltan ni Emir ang palabas sa action. Katulad ng naging unang palabas, ay hindi rin namin ito natapos dahil ayaw iyon ni Haven. Nagsagutan din sila katulad ni Alex at Aly. Natatawa na lang akong pagmasdan sila. Hindi namin napansin na inilipat na pala ni Gold ang palabas. Walang nagtangka na ilipat iyon sa ibang palabas kaya naman natapos naming ang sci-fic movie na iyon. Inilipat niya muli iyon sa isang fantasy movie, na pinapanood namin ngayon. Tutok na tutok kami sa panonood, inaabangan namin ang bawat susunod na eksena.
“Ahh!” Napatili ako at napayakap kay Ichiro na ngayon ay gulat na gulat. “Are you okay?” He asked.
“Yes.” Agad kong inalis ang pagkakayakap ko sa kanya nang mapansin na lahat ng mata nila ay nakatuon saming dalawa. Napakamot ako sa aking batok at dali daling tumayo para kumuha ng maiinom na tubig.
“Puntos para sa hapon.” Sigaw ni Emir. Nagtawanan naman si Reuel at Alex, ngunit napa-asik si Emir ng batuhin siya ni Gold ng throw pillow. “Aray! Gold, bat ka nambabato?”
“That’s why it’s called throw pillow.” Gold smirked. Tiningnan naman siya ng masama ni Emir.
Bumalik ako sa sala ngunit napansin ko na katabi na ni Gold si Ichiro.
“Ahm, sir Gold. Dyan ako nakaupo.” Gold looked at me blankly.
“Go sit somewhere else.” At muling tinaon ni Gold ang mata sa palabas.
Umupo ako sa sahig at tumabi kay Aly.
“Anong meron?” Pagbulong niya.
“Ewan.” Pagkabit-balikat ko. Ikinawit naman ni Aly ang kanyang braso sa aking braso at inihiga ang ulo sa aking balikat. Humikab ito at pumikit.
“Aly, antok ka naba? Magpahinga ka na sa kwarto.”
“Hindi pa. Syaka nanonood pa ko.” Wika nito ng nakapikit. Hindi na ko ulit nagsalita at itinuon ang mata sa panonood. Natapos na ang palabas, tiningnan ko ang relo, alas dose na pala. Ginising ko si Aly na mahimbing na ang tulog sa balikat ko. Hindi daw siya inaatok pero ilang minuto lang nang isandal niya ang kanyang ulo sa akin ay nakatulog na siya.
“Aly, tara na sa kwarto.” Tinapak ko siya sa balikat at dumilat naman ito kaagad. “Tapos na?”
“Kanina pa.”
“Hala, nakaidlip ako. Sorry Saturn.” Agad naman siyang tumayo para tulungan ako.
“Okay lang.”
“Haven, tara na sa kwarto.” Pagyaya ni Aly sa tinuran. Pareho kinalso ni Aly ang kanyang mga kamay sa amin ni Haven. Clingy si Aly in a very good way. Napaka-sweet niya at malambing.
Nang marating namin ang kwarto ay agad na sumampa si Aly sa isa sa mga kama. The room has its own breath taking view. Dalawang queen size bed ang naroon, napapagitnaan iyon ng isang night stand. Sa balcony, kung saan tanaw mo ang dagat, ay mayroong hot tub. Nagtungo ako sa balkunahe para lumanghap ng hangin. The cold unsteady breeze warmth me. I gazed the sky, the moon is shining bright, stars are bright and visible. Para itong mga Christmas lights na salit-salitang kumikinang. I stayed for a while to admire the view. May kung ano sa view na iyon na nakakalambot ng puso at nakakapagpakalma.
Naalala ko tuloy ang paghalik ni Gold kanina. It was calm and tranquilizing. Matapos ang nangyare ay pinilit ko siyang iwasan. Hindi ko alam kung paano at kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung para saan ang halik na iyon. Naputol ang pag-iisip ko ng tawagin ako ni Haven.
BINABASA MO ANG
SWEET CHAOS
Teen FictionShe was his, but is he hers? ------- Gold was a young businessman and an engineer. Saturn was just a mere secretary. Hindi inaasahan na dahil sa isang taxi, makikilala nila ang isa't isa. She wants him to be happy, can he make her happy? She wants t...