SWEET CHAOS 6

20 4 4
                                    

Kinabukasan ay muntikan na akong malate dahil tinanghali ako ng gising. Buti na lang at nakaabot ako sa tamang oras dahil halos takbuhin ko ang opisina. Nakita ko naman si Alyssa na may kausap sa reception at mukhang hindi ito natutuwa. Naglakad ako papalapit sa kanila ng lalaking kausap niya.

"I told you Sir. You can't see Sir Ching without having an appointment with him." Nagpipigil na sabi ni Alyssa.

"I don't need to have an appointment with him." Pasigaw naman ng lalaki.

"Sir, it's on our protocol. Please be kind to fill up this form." Halata sa boses ni Alyssa na napipikon na siya sa lalaking kaharap. Sino naman kaya ito at kelangan niya makipagkita kay Gold?

"I don't need to." Pagmamatigas ng lalaki.

"Alyssa, is everything okay?"

"God, Saturn, thank you. Ito kasing lalaki na to. Ang kulit." Bulong ni Alyssa.

Tiningnan ko ang lalaki. Wait, isa siya sa mga kaibigan ni Gold.

"Alex?"

"Saturn! Finally. Someone I know. Pakisabi nga sa babaeng to na kelangan ko makita si Gold." Inis na sabi nito.

Nilingon ko si Alyssa at bumulong dito. "Ako na bahala. Kaibigan yan ni Sir Ching."

"Are you sure?" Pagbulong din nito. Nginitian ko naman siya at tumango. She sighed and gave up. Inaya ko naman si Alex sa opisina ni Gold.

"So what brings you here, Alex?"

"Just seeking some professional help from my engineer friend."

"Oh. I see. May papagawa ka?"

"Kind of. May i-coconsult lang ako. Ano pa't nagkaron ako ng kaibigan na katulad nila kung di ako makakakuha ng libre diba?" Natawa kaming pareho sa suhestyon ni Alex. He looks intimidating and scary but Alex was a nice guy. Though he may not look comforting, but he's good.

Nang makarating kami sa opisina ni Gold ay kumatok muna ako para icheck kung andyan na si Gold.

"Sir Gold?"

"Come in." Sagot niya.

"Sir Ching, Mr. Alex is here to see you." Pumasok kaming dalawa ni Alex sa loob.

"What brings you here man?" Tumayo naman si Gold sa kanyang desk at inayang umupo si Alex sa sofa. Ako naman ay nagtimpla ng maiinom at makakain para sa kanilang dalawa.

"I have something to consult." Batid ni Alex pagkaupo sa sofa.

"Name the price." Ngisi ni Gold.

"Saturn." Nawala ang ngiti ni Gold pagkabanggit ni Alex sa pangalan ko. Bat naman kaya ako nadamay?

"Stop messing around crackhead. What's it?" Seryosong sabi ni Gold.

"I am about to buy a resort." May inilabas na litrato si Alex at pinakita iyon kay Gold. "What do you think?"

"Why all the sudden?" Pagtatanong ni Gold. "May blueprint ka ba nito?" Agad naman nilabas ni Alex ang blueprint ng resort.

"I just want the view." Ibinaba ko naman sa center coffee table ang kanilang refreshments at nagpasalamat naman silang dalawa.

"We'll see the resort this weekend. Do you really like this resort? Mukhang luma na ito at hindi puntahan ng tao." Inaral ni Gold maigi ang litrato at bumuntong hininga. "I think this is not a good investment."

SWEET CHAOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon