Hindi ko namalayan ang pagtulog ko kagabi. Tiningnan ko ang relo sa aking side table: 1:00 pm. Napahaba pala ang tulog ko. Dala na siguro ng pagod at pagkainis. Kumain ako ng tanghalian at nagdesisyong mamasyal. Umalis naman si mommy kaya wala rin naman akong kasama sa bahay. Nag-ayos ako papunta sa mall. I wore a simple denim pants and a plain t-shirt and matched it with a comfy sneakers. I booked my ride since medyo malayo ang mall sa amin. Few more minutes at dumating na yung sasakyan. I hurriedly secure our house and went off the car.
On my surprise, yung kaibigan ni Gold yung nagmamaneho. Chineck ko yung app ko kung saan ako nagbook ng sasakyan. Pareho naman ng plate number.
"Oh. It's you." Bati ng kaibigan ni Gold.
Nag-aalinlangan man ay sumagot ako sa kanya. "Hi. Ikaw driver ko?"
"Yep. I'm Ichiro. Pasensya ka na hindi ako nakapagpakilala kagabi." Inilahad niya ang kamay niya at nakipagkamay naman ako. "Saturn." Pagpapakilala ko rin. He smiled.
"Akala ko ay Frances ang pangalan mo?" He laughed cheerfully. Nakakahawa yung good mood ni Ichiro.
"Saturn Frances kasi yung buong pangalan ko."
"What a nice name. Buckle up. Let's go to your destination madam." Pagkasabi non ay pinaandar niya ang sasakyan. Dahan dahan at banayad ang naging papatakbo ni Ichiro. Hindi rin naman iyon sobrang bilis o sobrang bagal.
"If you're wondering, libangan ko lang itong pagiging driver. Alam mo na, kesa tumambay ako, ito na lang yung naisipan kong gawin. May pera pa ko." Hindi ko inaasahan na magsasalita siya. Usually kasi kung hindi tahimik ang mga driver na nasasakyan ko ay madadaldal naman ng sobra na hindi ko gugustuhin kausapin.
"Matagal ka na bang nag-gaganito?"
"Hindi naman. Recently lang." Ichiro was a very gentle guy. Hindi siya itong katulad ni Gold na mararamdaman mo ang kayabangan. Dahil magaan kausap si Ichiro ay marami kaming napagkwentuhan sa pagiging pool car driver niya. Nagkwento siya tungkol sa mga naging pasahero niya. Halos lahat ay nakakatawa. Hindi ko namalayan na naroon na pala kami sa mall.
"Okay madam. You have arrived on your destination." Nagagalak na sabi ni Ichiro.
"Thank you. Ito oh." Inaabot ko ang bayad ko sa kanya ngunit ayaw niya itong tanggapin.
"Free for your first ride." Kinindatan niya ako at lumabas ng sasakyan para ipagbukas ako ng pinto.
"I insist. Here. Thank you." Kinuha ko ang kamay niya at inilagay don ang bayad ko.
"Okay miss. If you really insist, I want something different for the payment." He handed me again the money and as my confused self asked: "Ha? Ano? May gusto ka ba? May kelangan ka bang bilin?"
"Coffee. Wait me here. I-park ko lang itong sasakyan." Muling pumasok si Ichiro sa sasakyan, drive off the parking and I wanted for him on the same spot na pinagbabaan niya sa akin. Ilang minuto pa ay nakita ko ng tumatakbo si Ichiro papalapit sa akin.
"Sorry to keep you waiting. Let's go?"
"Hindi naman. Ayos lang. Tara." Pumasok kami sa loob ng mall at dumiretso sa isang coffee shop.
"Anong gusto mo?" I asked Ichiro habang nakatingin kami sa menu.
"Latte Americano sounds good."
"Okay. Ano pa? May gusto ka bang kainin?"
"Wala na. Ayun lang." He smiled again. Hindi ko napansin kanina sa sasakyan pero meron pala siyang malalalim na dimples on both of his cheeks. Nag-order ako ng pagkain naming dalawa at bumalik sa upuan. Napansin naman ako agad ni Ichiro at tinulungan niya ako sa dala kong tray. "Ako na dyan."
BINABASA MO ANG
SWEET CHAOS
Teen FictionShe was his, but is he hers? ------- Gold was a young businessman and an engineer. Saturn was just a mere secretary. Hindi inaasahan na dahil sa isang taxi, makikilala nila ang isa't isa. She wants him to be happy, can he make her happy? She wants t...