Naging tahimik si Gold nang sumunod na mga araw. Abala siya sa pagtapos sa mga proyekto ng kompanya. Madalas siyang nasa field at hindi gaanong nagtatagal sa opisina. Matapos ang nangyare don sa mall ay hindi na kami muling nakapag-usap. Hindi ko rin alam kung dapat ba namin iyon pag-usapan lalo na at tungkol yon sa pamilya. Kahit gusto ko magtanong ay nirerespeto ko pa rin ang privacy ni Gold. Isa pa, wala rin naman akong karapatan magtanong. Naging mabilis ang takbo ng mga araw dahil sa sunod sunod na meetings at mga urgent na projects.
"What the hell is this?" Ibinato ni Gold ang bungkos ng papel sa gitna ng mahabang lamesa. "Ano to? Basura? Pambalot ng tinapa? Ang tagal tagal na nyan nasa inyo pero bakit ganyan parin yan? Ano? Wala ba kayong magagawa na maayos?" Gold was furious. Maririnig mo sa boses niya ang inis at pagkadismaya. He walked around the room, looking intensely to his subordinates. "Ano? Wala bang sasagot sa inyo?" Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit gayong pwede naman niyang sabihin nang maayos iyon. Everyone in the room is shaking. Lahat nakababa ang mga mata at nakatingin sa kanilang mga paa. Nung walang makuhang sagot mula sa team, Gold stormed out, slamming the door behind us.
Nakita ko ang pagpunas ng luha ni Joana, ang leader ng team. Dinampot ko ang tinapong papel ni Gold at sinuri iyon. Nakita ko naman na lahat ng hinahanap niya ay nandon, hindi nga lang nakalagay sa template na dapat na sundin sa pagpe-present ng paper. "Joana, bakit hindi niyo ginamit yung template for presenting? Andito nga lahat ng details, pero alam niyo naman si Sir Gold diba? Gusto niya ng maaayos na trabaho."
"Ma'am Saturn, sabi niya po kasi nung nakaraan baguhin namin yung details. Akala ko po pati yung template babaguhin namin." Bumasag ang boses niya at sunod sunod tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan. I patted her back and explained sincerely kung ano ang tamang gawin. Nang masiguro ko na nakuha na nila ang detalye ay agad ko silang pinabalik sa trabaho. Dumiretso ko sa opisina ni Gold at naabutan ko siya don nakahilig sa sofa.
"Can we talk?" I asked.
"Not now, Frances." He said.
"I'm sorry but let me rephrase, we need to talk Sir Gold." Binigyan diin ko ang pagbigkas sa pangalan niya.
"What?!" Iritable siyang umupo at tumingin sa direksyon ko.
"Bakit ba galit na galit ka?"
"Sinong hindi magagalit? Binigay ko sa kanila yung trabaho na yon last 2 weeks, anong petsa na ngayon, mali pa rin yung ginawa nila. How incompetent!" He hissed.
"Exactly, two weeks lang ang meron sila para gawin yung trabaho na yon. And it wasn't enough para matapos ang mga hinihiling mo. Gold, you should have known na yung binigay mong trabaho sa kanila ay pang isang buwan. They've completed the task within two weeks." I tried to reason out to him as calm as I can. Pero mas nainis si Gold sa pagsagot ko.
"So ano? Ako yung mali? Ako yung may problema? Kung sana eh inaayos nila yung trabaho, edi sana tapos na sana sila ngayon." Tumayo si Gold at humarap sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang inis.
"Excuse me Sir Gold, hindi robot yung mga empleyado mo. For your information. Lahat ng hinahanap mo ay naroon sa sinubmit nilang report sayo. You should have atleast read the whole report." Hindi ko na napigilan ang pagsagot sa kanya. Gold, in my opinion, was being unreasonable. "Here. Scan it so you can see." Inilapag ko ang report folder sa table niya at padabog na lumabas ng opisina niya.
"Napaka-unreasonable niya talaga Aly." Andito kami ngayon ni Aly sa garden, umiinom ng malamig na beverage na binili namin sa canteen. Kelangan ko i-vent out ang inis ko kay Gold. Buti na lang at wala ring ginagawa si Aly.
BINABASA MO ANG
SWEET CHAOS
Teen FictionShe was his, but is he hers? ------- Gold was a young businessman and an engineer. Saturn was just a mere secretary. Hindi inaasahan na dahil sa isang taxi, makikilala nila ang isa't isa. She wants him to be happy, can he make her happy? She wants t...