(つ≧▽≦)つ
Chapter 3:
Team Four-----
Selene's POV
As expected!
If the first day was already tiring, pa'no pa kaya yung mga susunod na araw?
We've been loaded with so many activities lately. We introduced our abilities to everyone and tried to give a shot at the "Mojo Clique", o samahan ng mga estudyanteng may pinaka-malalakas at distinctive powers. And yes! I'm qualified!
"Sana all, nakapasok sa Mojo Clique!" Pagpaparinig naman ni Keizy na nakahiga sa kama sa itaas. Double-decker bed kasi itong higaan namin. And actually, dapat may dalawa pa talaga kaming roommates dito pero hanggang ngayon ay wala pa sila. I wonder who they are.
"Pinaglihi ka ba sa sana all, ha? Kahapon naman, sabi mo, sana all may jowa. Eh hindi ko nga naman jowa 'yun si Ahren!" Sagot ko naman. Wala akong magawa ngayon, e. Papatulan ko na lang muna 'to.
"Aysus! Kunwari ka pa. Alam ko namang deep inside, mahal mo siya e."
Mabilis pa sa alas-kuwatrong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean by that?""You know.. True love eklabu. Pagmamahal chorvaness." Lalo pa akong naguluhan sa mga sinabi niya. Ewan ko ba pero transgender talaga ata 'tong babaeng to.
"Ewan ko sa'yo! Bahala ka na nga d'yan!" Pagtatapos ko ng usapan bago tuluyang mahiga. Basahin niya na ang isip ko kung gusto niya! Ang iniisip ko lang naman sa ngayon eh hindi ko nga jowa iyong si Ahren! Para naman magkaroon ng contradiction yung iniisip ko sa mga pinagsasabi niya.
The two of us remained silent until we've heard someone knocking the door.
Tinatamad akong tumayo bago ito buksan. Iniluwa nito ang isang napakagandang babae. She has fair skin, bluish curly hair that reached her waist, and a very astonishing pair of cyan eyes. She looked like an angel, just like Ma'am Miasari- or at least that's what I thought. She must be her daughter.
"Did I just enter a room full of weirdos?" she said and looked at me from head to toe. Ewan ko ba, pero para yata akong tanga na nakatitig lang sa mga mata niya! Ang ganda lang kasi e!
"Excuse me. I'll come in." sabi pa niya saka pumasok. Dumiretso siya sa higaang napili niya nang hindi man lang kami kinakausap. Nagsarili na siya doon saka waring natulog na.
Di-kalauna'y may isa pang kumatok. Iyon na siguro ang hinihintay kong isa pa naming roommate.
"Tao po? Hello?" Sunod-sunod ang naging pagkatok niya, at nang buksan ko ito ay iniluwa nito ang isang babae'ng kasing-height lang ni Keizy- or should I say, isa pang pandak kagaya ni Keizy. May pula naman siyang buhok na abot lang sa kaniyang balikat.
"Hello po!" Bati niya. "Ako po si Lavigne Raika Holland. Nice to meet you!" Bati niya saka kumaway-kaway.
Nang dahil na rin sa taglay niyang ka-cute-tan ay hindi ko na napigilan ang sarili kong pisilin ang pisngi niya.
"Aww! Ang cute cute mo naman! Tara, pasok!" Sabi ko saka binuksan nang malaki ang pinto para makapasok siya.
"Selene, sino yan- OMG. High school na ito, beh! Naliligaw ka yata!" Sabi niya. Pero mukhang hindi naman na-offend si Lavigne.
"Wala namang pinagkaiba height niyo eh. Parehas lang kayong naligaw rito." Sabi ko naman saka bumulalas ng tawa. Tinuktukan naman ako ni Keizy.
"Abnormal." ani Keizy.
"Ako nga pala si Selene Maximova, from section 1-A." I said and offered my hand. She accepted it.
"I'm Aureah Keizy Chavez, also from 1-A. Nagagalak akong makilala ka." Sabi naman niya saka tinapik ang ulo niya. "Or should I say, nagagalak akong makatagpo ng isang taong kasing-height ko. Hehe."
BINABASA MO ANG
Celestia Academy
RandomSelene is no different from other teenagers. She is a simple schoolgirl who lives her life peacefully, but one thing that makes her unique is that- she was born with a special ability, which makes her suited to be a student of Celestia Academy, a sc...