Chapter 8

1 0 0
                                    

(つ≧▽≦)つ

Chapter 8:
Finding the Crest: Day 3

-----

Selene's POV

"Ito ang bahay ko. Pasok kayo." Sambit ni lolo bago buksan ang pinto papasok sa kaniyang nipa hut.

Bago pa man kami makarating dito ay talagang nahulog na ang loob ko sa mga taong nandito. Napakabait nila at sobra pa ang pag-welcome sa'min na parang mga respetadong tao kami. O baka naman para lang talaga kay Stacey 'yon? Who knows?

"Ang ganda naman po dito, manong! Kayo lang po ba ang nakatira dito?" Natutuwang tanong ni Keizy. Sumagot naman ng oo si lolo.

"Ipaghahanda ko lang kayo ng makakain. Pwede na kayong pumunta sa kuwarto kung gusto niyong ilapag saglit ang mga gamit niyo at magpahinga." ani lolo bago magpunta sa kusina niya.

Ginawa nga namin ang sinabi niya nang dahil na rin sa labis na kapaguran.

"This is a miracle! Malambot ang kama!" sambit naman ni Stacey nang pangunahan niya kami sa paghiga sa kama. Tinalun-talunan niya pa ito na parang bata.

Inilagay na namin ang mga dala naming bag sa sulok bago pumabilog para mag-usap.

"Thanks to Stacey, we have no map or any reference now." Sarkastiko namang sabi ni Crimson saka blangkong tiningnan si Stacey na todo naman ang ngiti. Oo nga pala, nilukot niya ito nang nasa palasyo pa kami, at naiwan nga rin ata iyon do'n.

"You're welcome, bebelabs." Pang-aasar naman ni Stacey. Crimson just frowned at him.

"Baka may nakakaalam sa alinmang tao rito ng tungkol sa Crest ng Celestia. Magtanong-tanong na lang kaya tayo." Mungkahi ni Ahren.

"Iinterview-hin natin sila? Ganon? Like, anong tagalog ng English or anong size ng panty nila?" sabat naman ni Keizy. Boset 'yan. Naiwan ba sa academy 'yung pag-iisip neto?

"Guys, chill! Marami pa tayong time para maghanap. Teamwork lang naman ang kailangan natin, eh. I swear, mahahanap natin ang crest na 'yon kapag nagkaisa na talaga tayo." Motibasyon ko naman. Oh ano? Wala man lang bang papalakpak sa ginawa kong speech d'yan?

"Braavoooo." Sabi naman ni Keizy saka nag-slow clap. Ngayon niya lang ulit binasa at binroadcast ang iniisip ko, ah.

Kumatok naman si lolo na kinalauna'y binuksan na rin ang pinto. Dala-dala niya ang isang tray na puno ng pagkain. Teka, tama ba 'tong nakikita ko? Patatas, mais, kamatis.. Iyan din ang kinakain ko sa normal world, ah.

What I mean is, french fries, corn chips at tomato ketchup ang inihanda ni lolo. Oh diba? Saktong pang-merienda!

"Let's dig in!" sambit ko bago sila pinangunahang kumain. Una ko nang nilantakan ang fries, since it's my favorite.

"What's that?" Tanong ni Stacey habang nakakunot na tinitignan ang kinakain ko. Oo nga pala, siya lang ang kasama namin na hindi nanggaling sa normal world.

"French Fries ang tawag d'yan. Promise, magugustuhan mo'to." Alok ko sa kinakain ko.

Kumuha naman siya ng isang piraso saka ito nginuya. "Mmm! It tastes good! Saan ito gawa?"

"That's made of potatoes." sabat naman ni Ahren. I just nodded.

Corn chips naman ang kinain nina Keizy at Ahren habang si Crimson naman ay nanatili lang na nagmumukmok sa sulok.

"Psst! Bakit ba antahimik mo lagi? Come join us!" pag-aaya ko sa kaibigan kong nakabusangot ang mukha.

"Hindi ka pa nasanay sa'kin."

Celestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon