(つ≧▽≦)つ
Chapter 6:
Finding the Crest: Day 1-----
Stacey's POV
What's up, what's down, guys? So ayun, nandito kami sa Reginal Forest, it's 2pm already. Good thing, I brought some snacks with me, dahil sobrang nakakapagod ang pag-iikot-ikot dito!
Nakakabanas naman kasi 'tong activity na 'to! Aanhin naman ba namin iyong crest na iyon kung sakaling kami nga ang makahanap no'n? Like duh! We'll return it to the authorities, of course. Wala rin kaming mahihita doon!
And one more thing, hindi ko ka-vibes 'tong mga kasama ko! Gahhh! They're getting in my nerves!
"It's mutual, Stace. Hindi ka rin namin gustong kasama." Bulong naman ni Aureah na nasa tabi ko.
"Ugh! I'm not talking to you! Just shut the f*ck up!" Pagtataray ko naman. "And have I told you na wag mo na akong kausapin?" Sorry na lang siya pero sadyang ma-attitude ako. Mana lang naman kay mommy, hihi.
"Eh di wag!" Ginaya niya rin ang pagtataray ko. But still, mine's original. Mas effective at nakakatakot ang sa'kin, noh? It's my trademark after all.
"If we can't still find the crest in this area, we'll move on to our next destination, the Main Fortress." - Crimson
"That's great! We'll get to see the palace closer!" - Selene
"But guys, ¼ pa lang ng forest ang nalilibot natin. It's past 2pm." - Ahren
I just shook my head. Why are they stressing theirselves too much for this mission?
Ilang oras pa ang lumipas. I knew it. We've wasted our time and effort for nothing. Hinala ko na nga noong una pa lang na wala rito yung hinahanap namin.
Bago pa man kami tuluyang makalabas ng gubat ay ginamit ko na ang slingshot ko. Itinira ko ito sa isang prutas na nakasabit sa puno. It fell to the ground right after I hit it. Bull's eye!
Nalaglag ito sa sahig. Pinulot ko ito kaya naman nahuli na ako sa paglalakad. But who cares? Bata pa ako, kabisa ko na ang bawat sulok ng kaharian na'to. Soon-to-be-queen kaya ako!
I spent some time eating the star apple I picked before realizing that they're almost out of my sight.
"H-hey! Wait up!" Sigaw ko.
Bago pa man ako tumayo ay sinunggaban na ako ng isang miniature monkey na tumalon galing sa sanga.
Bumaon ang mga matatalim na kuko nito sa balat ko.
"Guys! Help! Ow!" Daing ko. Halos dakmain naman ng unggoy ang pagmumukha ko. Curse this creature!
Kinakalmot niya na rin ang mala-porcelana kong balat AT MUKHANG MASAYANG-MASAYA PA ANG HAYOP SA GINAGAWA NIYA!
"eek eek~" it squealed as it marked some scratches on my arms. Medyo mahapdi ito, to be exact.
Nasa'n na ba kasi sila? Ano? Wala ba silang balak na tulungan ako?
"hyaaa!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko, at kasabay no'n ay ang pagtama ng isang bagay na tila malaking shuriken sa ulo ng monkey, dahilan upang mapabitaw ito sa'kin. It came from Aureah.
"Thanks, girl!" Mala-plastik kong sabi. I owe her one, but I still hate her.
"Bilisan mo na nga kasi d'yan! You're so troublesome!" duh, mainis ka na sa'kin if you want to. Mas lamang pa rin naman ang inis ko sa'yong bruha ka. Hindi mo kinikilala ang binabangga mo, duh again.
BINABASA MO ANG
Celestia Academy
RandomSelene is no different from other teenagers. She is a simple schoolgirl who lives her life peacefully, but one thing that makes her unique is that- she was born with a special ability, which makes her suited to be a student of Celestia Academy, a sc...