Chapter 4

1 0 0
                                    

(つ≧▽≦)つ

Chapter 4:

Saved by the memories

-----

Keizy's POV

*Yawn*

It's 3 in the afternoon and I'm about to take a nap. Grabe, nakakapagod ang mga activities kahit Fourth day pa lang! Kakatapos lang din ng Power Enhancement Period namin and I'm proud to say na effective talaga 'tong power ko!

I've actually inherited this power from my mom. She's a mind-reader since she was a child. And as of now, she's taking advantage of it as a source of income.

I rested my head on the soft pillow. Wala pa kasi si Selene ngayon, kasalukuyan pa siyang nakikipagtipon sa members ng Mojo Clique. Sa ngayon, titigan lang muna kami ng kisame. Hihintayin ko na lang siyang magsalita bago ako gumalaw rito.

"exCUTE me! Keizy senpai, okay ka lang?"

Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Lavigne. Agad akong napatingin sa gawi niya. "Y-yep, okay lang ako. Hehe."

"Sure?" Tanong niya.

"Oo."

"Spell sure?" Sambit niya pa.

Yung totoo? Kapatid ko ata 'to eh. Pinaglihi rin ata 'to sa kakulitan.

"S-U-R-E." I said and chuckled.

"Sure ka d'yan?" She asked once again and snorted. "Di, joke lang. Okay na rin yung ganito na kinakausap kita noh! Kaysa naman 'yang kisame pa ang balak mong kausapin."

Napabangon na lang ako mula sa pagkakahiga. "Sa bagay, may punto ka nga naman." And the two of us laughed.

"Sabihin mo nga, ate, may nagugustuhan ka na ba rito sa academy?" Tanong niya.

Sandaling nanlaki ang mga mata ko bago napaisip. Mayroon na nga ba? Eh aapat na araw pa lang ako rito.

"I guess, wala pa naman." I said and shook my head.

"Ah. Sayang noh, hindi ko kayo kaklase?" She said and pouted. Why is she so cute kapag nagpa-pout? She's like a human version of Umaru-chan, yung tipong ang hinhin at graceful niyang tignan when in public pero kabaliktaran naman ang pinapakita niya kapag nandito sa loob.

"Oo nga eh." Sabi ko.

Bigla ko namang naisip na basahin ang isip niya. Tinitigan ko lang siya bago subukang basahin ang iniisip niya sa mga oras na'to.

"You wanna switch classes?" Diretso kong tanong. She just nodded.

"Why?" Tanong kong muli.

"You don't need to know, gomenasai." Sambit naman nito saka muling nag-pout.

"Na-o-op ka? Aww, poor kiddo. If that's what you feel, you should probably transfer to our section. Kahit papaano, masasabi kong masaya naman sa Class 1-A."

Hindi agad siya nakasagot. Malungkot lang siyang yumuko bago nilukot ang bedding na kinauupuan niya.

"Oo nga pala, you're a mind reader." Biglaan namang bumalik ang masayahin niyang presensya at maaliwalas na mukha. This is actually the Lavigne we've used to see.

Nagka-ngitian na lang kami bago siya gumawa ng ingay na tila humihilik. Yes, she's asleep already.

Oo nga pala, matutulog nga rin pala dapat ako. So, sweet dreams, self.

*Bang*

May padabog namang nagbukas at nagsara ng pinto. I quickly checked who it is. Hindi nga ako nagkamali. It's Stacey who made the noise. That mulish freak.

Celestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon