Kabanata 3

1 2 0
                                    

Kabanata 3

Power

Hindi ko maintindihan ang sarili dahil hanggang ngayon ay nanatili ang imahe ng lalake sa aking isipan. The image of his deep and dark eyes. The way his thick brows collided. Ang maninipis pero mapupulang labi nito. His very perfect nose and his square jaw. Lahat ng iyon ay nakatatak pa rin sa aking isipan. Napabuntong hininga ako at ipinilig ang aking ulo para mawala saglit ang imaheng yon.

"May sakit ang anak kong babae, maaari niyo ba siyang gamutin"

Napapikit ako ng mariin dahil sa pagkalimot na naririto pala ako sa loob ng kapilya. Kitang kita na madilim na sa labas at lumalalim na rin ang gabi. Napakagat labi ako at tinignan ang nakayukong babae sa aking harapan. Nakaluhod siya at nasa harapan ko ang nakahiga niyang anak.

"Ano ang kaniyang sakit?"
At nakalimutan ko rin na binaggit niya kanina ang sakit ng anak niya pero dahil sa imaheng yon ay nawalan ako ng konsentrasiyon! That image is really hunting me! Pagsasabihan ko mamaya si Silver sa ipinakita niya sa akin!

"Mahapdi po ang kaniyang tiyan mula pa kaninang umaga"
She bowed her head waiting me to heal her daughter's illness.

Kumuha ako ng langis at ipinahid ito sa tiyan ng bata. Bahagya ko iyong hinihilot nang makarinig kami ng maingay na tila lumilipad sa ere. Napatingin ako sa bubong.

Marami ang nagsitayuang tao pero agad na lumitaw si Vergan.

"Manatili kayo rito! Mga tagalabas sila at may mga armas!"

Kinabahan ako sa balita. Marami ang naiyak at nagpanic sa mga tao. Nagsitayuan ang mga lalake at agad na sumunod kay Vergan.

"Huminahon kayo!"
Napatayo na rin ako at sinabihan ang mga bata at babae na manatili lang sa kinauupuan.

Ibinaba ko ang nakalislis na damit ng batang ginagamot ko at tinulungan itong pahigain sa malambot na kama. Rinig na rinig ko ang sigawan sa labas at ang maingay na paghampas ng hangin mula sa chopper.

Napalunok ako at napaisip. Baka iyan na ang sinasabing kuya ni Silver na magsusundo sa kaniya!

"Manatili kayo dito sa loob"
Utos ko sa mga naiwang tao roon. Ako na ang tumanggal sa aking belo at agad na tinungo ang pintuan palabas.

Nagulat ako nang makita sina Vergan na inilabas ang mga armas mula sa cabinet na pinagtataguan. Isa isa nitong ibinibigay sa mga kasamang lalake!

"Vergan! Calm down!"
Tinakbo ko ang daan patungo sa kanila. Lahat ng pana at itak ay inilabas. Ang iba ay inaayos ang mga matutulis na kutsilyo at linagyan ito ng lason.

"Nandito sila para ipaghigante ang kinupkop mo Angel! Kung di natin sila uunahan, tayo ang mapapahamak!"

"No Vergan! Nandito lang sila para sunduin si Silver!"
Pinigilan ko siya nang akma nitong sugurin ang pababang mga chopper. Nasa tatlo iyon. Maingay iyon at nagdudulot ng malakas na hangin sa paligid.

"Kung susunduin bakit meron silang armas! Pinagbabantaan ang mga tao natin Angel! Lalabanan natin sila! Isla natin to, at walang sinuman ang aagaw sa teritoryong to!"

Napahawak ako sa noo dahil sa pinagsasabi ni Vergan.
"Vergan! Nandito lang sila para kunin siya, hindi tayo ipapahamak. Makinig ka! Maayos nating ipapaalam si Silver--"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang hilahin niya ako sa gilid, malayo sa mga kasama namin. Nagtindig ang aking balahibo nang marinig ang mga sinabi nito.

"Maraming ginto ang nasa ilalim ng kinatatayuan mo ngayon Angel. Maraming kayamanan ang nakatago sa islang to! Matapos natin kunin ang loob ng mga tao rito ay sila mismo ang hahanap sa mga kayamanang yon at malayang ibibigay sa atin! Hindi ito nagawa noon ang papa mo dahil sa walang hiyang mama mo kaya tayo ang magtatapos. "

The Secret Last Memory (Claveria Series 1 )[ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon